Chapter One

76 2 0
                                    

After so many aberya ay nakatapak rin ako sa wakas sa opisina ko. Pagpasok ko ay sumunod naman agad ang secretary ko at may inabot sa akin. "Ano ito Kesha?" Tanong ko dito.

"Binigay po yan ni Mr. Pineda kanina, an invitation letter raw po." Saad niya naman. Agad ko naman binuksan ang envelope. Bago ko pa man mabuksan ay nabasa ko na kung ano nakalagay sa labas nito.

Montreal Island invitation, seminar for all small businesses.

Nanlaki ang mata ko ng mabasa ko yun, Montreal Island? The famous island in the Philippines? My dream Island to have a vacation? Like for real?

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko kaya binuksan ko na ito, doon ko nabasa ang laman ng invitation letter. Only one person is allowed para makapasok sa isla. At hindi pwedeng kalimutan ang invitation or else hindi makakapasok sa loob.

"Omg! This invitation is from Montreal Island, this is a big opportunity for us." Saad ko naman dito. Lumawak naman ang ngiti ko at pati na rin ng secretary ko.

"Omg! Sir, ‘di ba po pangarap niyo makapunta sa isla na yan? Ngayon Sir matutupad na at dahil pa yun sa business mo. Happy for you Sir." Usal niya naman.

"We should celebrate this, buy all you want na pagkain ako na bahala. Here take my cards para maka order kayo. And if you see Indigo? Papuntahin mo siya dito, tell him what's the good news okay?" Utos ko naman dito at tumango naman siya.

Nagpaalam siya na aalis na at saka lumabas. Tinignan ko naman ulit yung invitation. This is my dream! My dream Island.

Days have passed, tinutulungan ako ni Indigo mag impake. I only have three days to stay but I already asked Mr. Pineda if I can stay longer then he said that I should just tell the staff. Of course, nandun na rin lang naman ako why not grab the chance and stay longer.

Few people lang ang mga nakakapasok sa Island na yun, mga mayayaman na taong kilala sa industriya ng negosyo.

"Hoy! Cas, ang pagpunta doon ay para sa business ha? Hindi para lumandi ng mayayaman na business man?" Pagpapaalala sa akin ni Indigo.

"I know that, hindi naman ako malandi. Kung malandi ako sana ako yung nay jowa sa ating dalawa." Usal ko naman sa kaniya.

"So you're saying na malandi ako? Hindi ba pwedeng pogi lang talaga ako kaya ganun?" Saad naman ni Indigo.

"So, you're saying na hindi ako pogi kasi wala akong jowa? Alam mo di na talaga ako babalik dito. Doon na ako mag stay at maghahanap ng new bff." Saad ko naman dito. Tinaasan niya naman ako ng kilay. "As if naman kaya mo ako ipagpalit sa ibang tao? Kilala na kita Cas, you can't live without my handsome face." Pagyayabang pa nito.

Nagkunwari naman akong nasusuka, "Kadiri!" Pagbibiro ko dito.

"Ikaw ugali mo, mag Montreal Island ka lang." Saad naman nito.

"Joke lang ito naman, basta ikaw na bahala sa business ko? Saglit lang naman yin, after ng 3 days seminar stay lang ako mga apat na araw to enjoy the place tapos uuwi na ako." Sabi ko naman sa kanya.

"Wag nga lang makakuha ng mayaman na businessman at ma-extend yan pustahan." Usal naman nito. Napaka kill joy talaga nito ni Indigo kahit kailan.

Eh ano naman kung makakuha ako ng mayaman na businessman? Isn't that good? At least hindi ko na kailangan magpakahirap pa mag trabaho para lang tustusan sarili kung pangangailangan sa buhay. Di joke lang baka biglang bawiin ni lord mga blessings ko.

The next day was my flight going to cebu, doon kasi ako manggagaling papunta sa Isla. This is a very important event that I wouldn't miss.

Nakarating ako ng Cebu at may sumundo sa akin papunta sa isang resort kung saan kami sasakay ng Yacht daw papunta sa Montreal Island. Shala! Yacht, samantalang sa iba bangka lang. Ibang klase naman talaga, pwede kaya mag clout dito? Picture talaga ako pagnasa loob na ako at send ko kay Indigo.

Pagkarating ay marami rami kaming mga sasakay papunta sa Island, yung iba ay may mga sariling Yacht. Sana all naman sa may mga sariling Yacht. Pagkarating ko sa dulo ng pila kung saan pasakay na ako ay hiningi sa akin ang invitation. Agad ko namang kinuha sa bag ko yun.

Ilang beses ko pa hinanap sa bag ko pero hindi ko makita kaya kinabahan na ako. Maya maya pa ay pinauna ko na yung naka sunod sa akin dahil baka maka abala lang ako. "Where the hell was my invitation?" Naiwan ko ba yun? Omg! Sana hindi.

Nakatanggap naman ako ng message from Indigo.

From: Indigo
Shunga! Naiwan mo yung invitation mo… Paanong gagawin mo ngayon?

Muntik na akong magmura kahit hindi naman ako nagmumura. Naiyak na lang ako dahil sa nangyari. Gusto ko magmakaawa kay Kuya kaso alam ko naman na hindi pwede. Sabi pa naman ni Mr. Pineda once lang pwede makatanggap ng invitation.

"Sir, okay ka lang po ba?" Tanong nung isang staff.

"Kuya, I lost my invitation. Hindi po ba pwede?" Tanong ko naman. Umiling lang naman ito.

"Pasensya na po Sir, hindi po pwede. Mahigpit na ipinagbabawal po ang pagpasok ng walang invitation." Saad naman nito.

What in a stupid situation is thi?

I was planned to go, dahil wala naman na akong pag asa pa. Kita mo na, na jinx agad. Dapat talaga di ako nag mamanifest ng mga bad thing sa buhay ko dahil binabawi ni lord ang magandang binigay niya.

"Hey? Are you okay?" Tanong naman ulit sa akin. Hindi ako okay, bakit tanong ng tanong mga tao dito?

"Mukha po ba akong okay?" Saad ko naman at saka ako humagulgol na.

"Wait… How can I handle this? Uh, what happened? Nawalan ka ba ng gamit?" Tanong niya naman sa akin. Umiling lang naman siya.

"Naiwan ko invitation ko para sa island na yan." Saad ko at tinuro ko pa yung poster sa entrance. "Hindi ko naman sinasadya na maiwan sa bahay, I thought I already put inside of my bag. That's my chance to go there, even though it's a seminar." Saad ko naman.

"You're a small business?" Tanong niya naman. Napatingin naman ako dito, "How did you know?" Tanong ko dito.

"Those who have an invitation for a seminar are small businesses. So you're one of them? Pwede kita isabay sa loob, I can give you an invitation pass." Saad niya naman.

"Talaga? Bibigyan mo ako? Wala bang kapalit ito?" Tanong ko naman. Gagi! Baka mamaya may hilingin siya sa akin. No way!

"Bukal sa loob ko ito, so let's go?" Tanong niya pa at inabot ang kamay ko. He help me yo stand up kung saan ako nakaupo. "By the way, I'm Kyle." Pakilala naman nito.

"Castiel, but you can call me Cas." Saad ko naman dito.

Hinila niya naman na ako papunta sa Yacht niya, he talked to the staff them saka na kami sumakay sa Yacht niya. Sa kanya daw yun at regalo raw ng magulang niya. Gagi! Lord, ito na po ba yung sinasabi ni Indigo na wag lumandi ng businessman pero baka pwede naman po? Pogi naman po at mabait baka pwede?

OWNED BY THE ISLAND [MONTREAL ISLAND SERIES #1]Where stories live. Discover now