36

3K 96 20
                                    


"Ahh! ang hirap naman. Ayoko na, suko na akong mag-aral!" napapayuko kong sabi, dumukdok na lang ako dito sa table. Kung saan naka p'westo kami ni Marcus.

Nasa library kami, sa itaas. Kaunti ang tao dito dahil umaga. Mamayang after lunch siguro ang dagsa ng mga estud'yante.

"Come on! malapit na ang first term exam. Gusto mo bang walang maisagot?" tamad ko namang inangat ang ulo ko dahil sa sinabi niya

Naggagawa kasi ako ng reviewer para sa Anatomy and Physiology of Human Movement na subject namin. Takte! kaunti na nga lang ang kayang imemorize ng utak ko, sobrang dami pang need aralin dito.

Kaya sa nagsasabi d'yan na madali at sayaw sayaw lang kapag Physical Education major ka, aba! malapit na kaming mabaliw dito!

Ngumuso naman ako at sumimangot...
"Hindi pala uso sa college yung bibigyan ka ng reviewer, hindi ko alam kung anong ilalagay kong details..." napadiretso naman ako nang upo at mabilis na lumapit at bahagyang kumapit sa braso niya

"Marcus..." nag-mamaktol kong ani, "Paano kung hindi ko alam yung isasagot sa exam?" tangina, nag-ooverthink na ako dito. Kung dati napapa sa Diyos ko pa. Ngayon kaya?

"Kaya nga gumawa ka ng reviewer. Imposible naman na wala kang maisasagot kung irereview mo ang lesson niyo." paliwanag niya at inayos ang notes ko na nasagi ko pala

Imposible? sa kaniya siguro. Pero sakin? takte napaka posible pa yatang mabokya ang exam ko huhuhu

Pero hindi pa rin ako bumalik sa pag gawa ng reviewer, ni hindi ko hinarap yung notes na inayos niya sa harapan ko.

Nakapatong lang ang mukha ko sa braso niya dahil nasa mesa iyon at nagsusulat din kasi siya para naman sa subject niya. Mas busy yata siya at mas mahirap ang kaniya, Science kasi iyon tapos may mga laboratory exams pa sila. Ang hirap siguro talaga ng course niya.

Part din siya ng veterinary student government ng department nila. Kaya dagdag responsibility pa sa kaniya iyon.

Naramdaman ko ang paghinga niya nang malalim

"Baby..." mahina at malambing niyang ani sa'kin.... "Mag-aral ka na..." at mahinahon n'ya akong kinukumbinsi.

Dahil ayoko naman na maka-abala sa pag-aaral niya kaya bumalik na lang ako sa puwesto ko. Hinarap ko ang notes kong nasa kahalati pa lang yata ang nasusulat ko.

Sinulyapan ko siya, lihim akong napangiti dahil ang seryoso niya talaga kapag nag-aaral. Talagang mahal niya ang kurso niya at mahal niya ang ginagawa n'ya. Bahagya pang kumukunot ang noo niya, napailing ako ng bahagya at binaling ang ulo ko sa mga ilang estudyante na nandito.

Pinagmasdan ko sila, minsan ang sarap din palang tumambay dito sa library. Ang saya pagmasdan ng mga iba't-ibang students. May nag-aaral, mayroong nakaupo at nagc-cell phone lang. Meron naman na nakayuko ang ulo sa mesa at natutulog.

Napukaw din ang pansin ko sa pailang tao na nagdaraan at bumababa sa hagdan. Ang busy ng mga estudyante, dito mo mararamdaman na wala silang pakialam sa'yo.

"Ivo..." mahina pero ma-autoridad na rinig kong tawag ni Marcus sa'kin, hinarap ko siya at sinalubong ako ng masungit niyang mukha

"Bakit?"

Mas nilapit naman niya ang notes ko sa'kin at tinuro iyon... "I told you to study. Bakit, kung saan saan ka nakatingin?" kunot noo niyang singhal

"Hindi ko na nga kaya..." hindi na talaga! feel ko sasabog na utak ko... "Makikishare na lang siguro ako ng reviewer kay Kian-"

"No way!" agap niya

Kita mo 'to, pansin ko na ang sama ng loob niya kay Kian. Ano bang ginawa ng mokong kong kaibigan sa boyfriend ko?

Be mine, Mr. cutie (Siel Series #1)Where stories live. Discover now