Being at peace was for the whole month was the best for me. I was living my peaceful life for like a month now without my siblings. Kinukumusta naman nila ako pero hindi araw-araw. Siguro ay once o twice a week lang. Yung hindi palaging nagchecheck sa akin ay ang bunso namin kasi makakalimutin kasi ang isang yun.
Hindi ko lang inaabala si Skan kasi mas busy siya sa aming lahat. Yung palaging nagchecheck sa akin si Sack at sa kanya ako nakikibalita sa shop ko.
Nang magstay ako sa villa ni Artori ay iniiwasan kong abalahin ang sarili ko na magtrabaho. Dito sa loob ng malaking bahay ni Artori ay wala akong ibang ginawa kundi ang matulog o magcellphone o di kaya ay magbasa ng kung ano-anong latest issue sa mga magazine na pinapabili ni Leighton sa secretary niya para sa akin o di kaya ay mga non-fiction books.
And speaking of Leighton, nagiging kompleto talaga ang peaceful life ko kung hindi ko siya nakikita. Sa lawak ng mansyon, hindi kami palaging nagkikita pero nitong mga nakaraang araw ay nagkikita kami, nga lang ay malaki ang distansya naming dalawa.
Kagaya nalang ngayon na nandito ako sa gazebo na nasa pool area tapos siya ay nasa lounge chair at nagbabasa ng isang magazine habang ako naman ay cellphone ang hawak ko at naglalaro ng Candy Crush.
Katatapos ko lang kumain ng breakfast at naisipan kong tumambay lang muna sa may gazebo dahil mahangin. Nakakasawa din palagi kapag nasa loob lang ng bahay. May balkonahe naman sa itaas ng bahay pero kapag nandun yung mga lalaki ay hindi ako tumatambay doon dahil nakakahiyang makisalamuha sa kanila.
Si Maddoxx ang siyang pinakamabait ko pati si Artori. Parehas naman na mga gentleman pero yung dalawang yun ay walang katulad. Si Noe naman ay mabait din pero parehas sila ni Easton na ang hilig mangtukso. Hindi naman nila ako tinutukso pero kapag tinutukso nila si Leighton ay parang natatamaan din ako.
"Miss Santina?"
Mula sa nilalaro ko sa cellphone ay umangat ang tingin ko sa matandang kasambahay na lumapit sa akin.
Nginitian ko siya nang dalhan niya ako ng isang tray ng snacks. Kakakain ko lang pero hindi ko matanggihan ang binibigay niya sa akin na pagkain.
"Pinapabigay po ito ni sir Leighton. Baka daw magutom kayo." aniya ay naging yelo yung ngiti ko.
I glanced at Leighton who's still lounging comfortably, his attention was still on the magazine he'd reading.
"Salamat po." sabi ko pagkatapos kong umiwas ng tingin mula kay Leighton.
"Sige." aniya.
Bago siya umalis ay kinausap niya muna ako tungkol sa villa.
"Kung naiinip ka dito sa loob ay pwede ho kayong lumabas. Mayroong malawak na manggahan dito sa likod at pwede kang mamasyal. At kapag malampasan mo yung manggahan ay pwede kang pumunta sa mga kwadra ng kabayo. Mayroon ding mga kababuyan dito na inaalagaan at pwedeng ibenta pero baka hindi mo masikmura ang amoy, nililinisan naman pero yung mga hayop kasi ay alam mo naman na kapag dumumi ay dudumi talaga. Pero sa may mangggahan ay pwede ka doon dahil ang presko ng hangin. May mga tambayan din doon na pwede kang magpahinga. Pero dapat may kasama ka kasi baka hindi mo matandaan yung daan pabalik dito."
Dahan-dahan akong napatango sa haba ng sinabi niya. Actually it's better for me to walk around kasi nakakabagot din kung nandito lang talaga ako sa loob pero ayokong maka-istorbo sa mga kasambahay.
"Gagawin ko po yun. Pero abala po kasi kayo diba. Pati yung ibang mga kasambahay."
"Hindi problema yun. Kung makaluwag-luwag ako mamaya sa trabaho ay sasamahan kita mamayang alas tres kasi hindi tayong pumunta kapag alas singko na dahil madilim doon." sagot nito.
BINABASA MO ANG
Leighton
RomanceBilang panganay sa limang magkakapatid, ang unang pumasok sa isip ni Santi ay pumasok agad sa trabaho. Nang wala na silang mga magulang na magsusuporta sa kanila ay si Santi na ang tumayong breadwinner para sa pamilya niya na hindi niya dapat pabaya...