CHAPTER 2

3 1 0
                                    

And thanks god, ligtas naman akong nakarating sa mall. Hinanap ko agad ang mga kaibigan ko. Sa di kalayuan ay nakita ko sila, may mga pulis na din at medyo madaming marites na nakiki-isosyo.

" What happening here? " Bungad ko pagkapasok ko. Naagaw ko naman ang atensyon nila.

Nikey, Hava and Vinice saw me kaya agad silang lumapit at niyakap ako.

" Oh my god girl akala namin nandito ka "

" Thanks God you're okay "

" We've been worried at you beb "

" Ayos lang ako. Ano bang nangyari? "

Lumapit sakin ang isang pulis at kinumpirma sakin ang nangyari. My isang baliw daw ang nagwala at nagkaroon ng aksidente. Nahuli na ito ngunit sinugod naman sa hospital ang aking assistant na si Pham dahil sa pag aawat nito dito.

Matapos makaalis ng mga pulis ay pinatawag ko lahat ng staff, manager at guard's dito sa mall.

" What the hell you all doing?bakit nakapasok ang isang baliw dito sa mall ko? " Bulyaw ko sa kanila. Lahat sila ay nakatungo at wala ni isa ang nag salita. " Ano? bakit walang magsalita sa inyo, Mang Nestor. " si mang Nestor ang isa sa mga matagal ng gwardya dito.

Kinakabahan na sumagot ito sakin " I'm sorry ma'am lahat naman po kami ay alisto dito ngunit  sadyang hindi po namin inaasahan na may nakapasok na baliw. "

" Tama po sila ma'am tiningnan nadin po namin ang all cctv pottage natin at wala pong kakaiba sa mga pumasok .... Lalo na po  sa kanya. " isa sa mga staff na nagsalita

" Katunayan nga po nyan maayos po syang pumasok dito kahit kami po ay hindi makapaniwala na may pagka baliw sya. " Tuloy naman nung isang staff. Kumunot ang noo ko.

" What are you talking about?kilala nyo sya? " Kunot noong nakatingin sa kanila.

" Opo ma'am madalas po sya dito. Minsan nga po kasama nya mga kaibigan nya. "

" Isa pa ma'am sya po yung gustong kumausap sa inyo kanina " patukoy naman ni April ang Manager dito.

" You mean yung kaninang sumigaw sa kabilang linya while my assistant talking to me in phone? "

" Yes ma'am, pagka patay po nung tawag ay nag paalam sya na mag c-cr lang at doon na po nagsimula ang lahat. Nag wawala sya, tumatakbo, at para po syang nakakita ng multo. "

" Sinabi nya po na my bampira daw po sa mall natin. "

" What? A vampire?but how? Ha! I can't believe this, first may baliw ngayon naman a Vampire? The hell! " napahawak ako sa sentido ko. Paanong magkaroon ng bampira?at dito pa talaga? Ni hindi ko nga alam kung nag eexist ba talaga ang mga ayun.

" Opo, nanginginig po sya sa takot tapos pinagtutulakan nya po lahat ng mga nakaharang sa kanya. Kung gusto nyo po ay panoorin natin ang kuha mula sa cctv. "

Pinakita nila sakin ang kuha sa pottage. Mula doon ay makikita ang isang babaeng nagwawala. Gulo gulo ang buhok, nagsisigaw, at ang paghawi nya sa mga taong nakaharang sa kanya pati na rin kung paano nya naitulak ang assistant ko kaya na isugod ito sa hospital.

I signed in disbelief. Binalingan ko silang lahat ng tingin " I don't want this to happen again. Be vigilant at all times. If you need to double the securities, then go for it. DO YOU ALL UNDERSTAND? "

" Yes ma'am "

" Tina "

" Yes ma'am "

" I want you to report to me what happened to that woman. Understand? "

" Yes ma'am "

Sapo sapo ang noo ko na lumabas at nagtungo sa aking kotse. Pinatakbo ko iyon ng mabilis papunta sa hospital kung saan naka confined si Pham. While my tree friends ayun nag si alisan na rin matapos lang makimarites at mag alala sakin.

Pagkarating ko ay dumeretsyo na agad ako sa my lobby para magtanong. Isang Magandang at nakangiting nurse ang  bumungad sakin.

" Excuse me anong room naka confined si Ms. Asuncion? "

" Good morning ma'am Airene. Room 145 po " magalang na sagot nito.

" Thank you "

" Welcome po "

Hindi na ako magtataka kung kilala ako ng kahit sino. Kilala ang pamilya ko dahil sa pagiging isang successful.

Pagkarating ko sa tapat ng pinto ay hindi ako mapakali. I don't know if I'm going to knock before I enter or I just open the goddamn door. Pero syempre mas pinili ko na lang na kumatok you know baka may ibang tao sa loob bukod sa patient.

Mukhang walang tao kaya pinihit ko na ang door nob bago sumilip at tuluyang pumasok.

Nakahinga ako ng makita ko si Pham na gising na  hindi nya agad ako napansin kaya tumikhim muna ko.

" Ma'am Airene!" gulat na baling nya sakin. Lumapit ako at umupo sa upuan na malapit sa kanya.

" How are you feeling right now?I'm glad na hindi ka napuruhan " panimula ko.

Ngumiti sya sakin bago ako hinawakan sa kamay. " Ayos lang po ako ma'am, salamat po sa pag aalala.  "

" That's good, anyway about your bills here. Don't mind it, I'll pay for it. "

Mabilis na lumaki ang mga mata nya. " Nako ma'am hindi na po ako na lang po mag babayad ng bills ko " iiling- iling na pagpigil nya sakin.

" No of course I can't do that, don't worry about the bills here. It's my responsibility to take care of my employees, and don't you dare na makipagtalo pa sakin Ms. Asuncion " pagtataray ko. Nakita ko ang pagkailang at pagtango na lang nya. Alam nya kasi na kapag tinawag ko sya sa surname nya ay desidido na ako.

" S- salamat po ma'am " nahihiyang ani nya

Hinawakan ko sya sa kamay at pinisil  iyon. " You're well come. And oo nga pala  magpagaling ka okay. Maybe one 3 weeks is enough para sa pagpapagaling mo since it just a mild injury "

" Okay na po ako sa isang linggo na pagpapahinga maam, kaya ko na po yun. "

" But Pham– "

" Ma'am Airene, wag na po kayo mag aalala sakin. Galos at pilay lang naman po natamo ko. Kaya okay na po ako ng isang linggo pahinga."

" Are you sure about that? "

" Yes ma'am ." Nakangiti nitong Turan.

I signed. " Fine, but be sure that your okay after one week, okay? "

" Yes ma'am. "

Taming His LipsWhere stories live. Discover now