Cristine Acosta
Journal Entry #5Nagpasa uli yung X. Ewan ko, tumatak talaga sa utak ko. Alam ko kasing may kwento. Halata na totoo na nangyayari, binigyang buhay niya lang. Journalism course niya. Required ilagay ang program sa google form kung saan siya nagpasa. Halata rin kasi "white noise ng isang manunulat na sa ingay ng mamamayan nakikinig." ata yung linya sa pangalawang tula.
Hindi kami naglalagay ng dalawang tula galing sa isang tao sa isang issue lang pero lahat ng hindi napipili napupunta sa Facebook page ng club namin. Madalas si Kuya Matt or yung ibang member ang nag-aayos non kasi ako yung nag-eedit ng pubmat na ginagamit niya. Ako rin yung sumasagot sa mga inquiry in case may magtatanong o magrereklamo. Kung ano man yan, sanay na ako.
Gusto ko man alamin kung sino si Bella at si X para personal na sundan ang love story nila, problemado pa rin ako sa istorya ko. May nasimulan na ako. Puro nga lang simula lahat. Siguro magbabaka sakali akong umakyat sa mga building dito para lang makita si Brix at magkaroon ako ng delulu ideas na pwedeng magamit.
Hindi ko sure kung Kalayaan o Kasaysayan ang building nila sa oras na bakante ako pero diyan lang sila pabalik-bali. Tignan natin kung saan ako dadalahin ng mga paa ko. Sana sa harap niya.
YOU ARE READING
Ang Mga Sulat ng Dalawang Manunulat
Roman pour AdolescentsAn Epistolary Simula: OCT 2024 Tapos: