Inihayag ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Romualdez Marcos Jr. noong July 22 2024 sa naganap niyang SONA na magkakaroon ng 5,500 flood contorl projects sa ating bansa.
Sa sinabi niyang iyon ay nagkaroon ng pag asa ang mga pilipino na hindi na babahain ang mga mababang lugar, ngunit kinabukasan ay bumagyo ng malakas at binaha ang ating bansa dahil dito ay binatikos siya ng mamamayan na nasa'n na ang ibinida niyang 5,500 flood control.
Pero tama nga bang isisi nalang natin sa mga gobyernong naka upo kung bakit tayo ay patuloy paring binabaha.
Para sa akin ay hindi dapat natin ito isisi sa mga gobyerno kung bakit tayo patuloy na binabaha dahil tayo din ang may kagagawan, tayo din ang dahilan bakit tayo patuloy na binabaha.
Dahil ang iba sa atin ay mas inunang mag-laan ng oras sa pambabatikos sa mga gobyerno at kapwa
tao/pilipino kesa mag linis ng kapaligiran, magpulot ng unting kalat sa paligid.Tayo din ang dahilan bakit bumabara, bumabaho ang mga kanal at hindi nakaka-agos ang tubig pag may bagyo dahil tapon dito tapon doon, minsan ang iba ay mas pinipiling itapon sa kanal kesa maghanap ng tamang tapunan.
Hindi pa huli ang lahat kaya kilos na mapa-bata ka 'man, matanda, magulang, babae, lalaki, o maski part ng lgbtqia+ tulungan natin ang ating mga gobyerno, ang ating mahal na inang bayan na pagandahin ang kapaligiran dahil kung tayo ay mawala 'man dito sa mundong ibabawa ay may ipapamana tayo sa ating mga kabataan kung ano ang ganda ng ating inang bayan.
BINABASA MO ANG
Flood Control System in the Philippine's
Short StoryAng storyang ito ay base sa google ang information at ang iba ay aking ssariling gawa/opinyon