He cupped her face.
"Liliana, I've loved you for a long time," he said .
Tears began to well up in her eyes as she smiled "Really?"
He nodded as he stared at her gently. His face is blurry so she couldn't see him clearly, but she can feel the electricity and warmth caused by their love for each other.
She hugged him tightly as she cried in happiness, "Ang tagal ko nang hinihintay 'tong pagkakataon na 'to, sobrang tagal na. Mahal din kita, mahal na mahal."
They look at each other lovingly as their lips start to get closer from each other.
closer..
"Ang ganda mo parin kahit tulog"
She didn't hear it clearly.
"Huh?" She asked confusedly.
She felt something warm on her forehead.
closer...
"Aries."
closer....
"Aries, hoy!!"
and clos-
"LILIANA ARIES!!!"
Nagising ako mula sa pagkakatulog noong sumakit ang ulo ko, Unang bumumukha agad ni Kiel ang bumungad sa akin pagkadilat ko. Takte. Agad kong hinablot sa kaniya ang unang pinanghampas niya sa akin.
"Ano ba?! Panira ka talaga!" inis kong saad habang binabato ang mga unan sa kaniya.
"Bakit, naudlot ko ba ang kissing scene n'yo ng prince charming mo sa panaginip mo? Ngunguso nguso ka kanina eh!" mapang-asar niyang sabi habang nakanguso.
"Anong pinagsasasabi mo?! Wala!" saad ko. Napaisip tuloy ako, sino kaya 'yung lalaking napaginipan ko? His presence feels familiar, at ano kaya 'yung sinabi niya bago ako magising?
"Tulala ka nanaman, siguro nabitin ka noh?" He wiggles his eyebrows, agad na nagsalubong ang kilay ko.
Tinulak ko siya. "Tabi! Tska bat ka ba nandito? Trespasser ka!"
Umakto siyang parang nasaktan sa pagtulak ko. Oa talaga kahit kelan. Humawak pa sya sa pader para kunwari pangsuporta sa kanya.
"Pinapasok ako ni tita kasi favorite anak nya ako ih, kaya pwede ko gawin lahat ng gusto ko dito!"
Napataas ang isang kilay ko. Aba, kapal! "Wala na talagang ititino 'yang bunganga mo, alis! Maliligo na 'ko!" saad ko.
"Oo, tama lang na maligo ka na! Nangangasim ka na baks! Amoy na amoy kita oh!" ani niya sabay tawa nang malakas.
Inirapan ko lamang siya at pinagsarahan siya ng pinto sa banyo. Rinig na rinig ko pa rin tawa nya, bwiset. Ramdam ko ding bumaba na siya kaya nakahinga na ako ng maluwag.
Matapos kong maligo, nagtungo agad ako sa kusina para kumain. Kita kong masayang tinutulungan ni Kiel si Mama maghanda ng mga kubyertos sa mesa. Nakikipag biruan pa siya. Napangiti nalang ako, kupal talaga.
Matagal ko nang kasama si Kiel, 10 years na dahil magkababata kami. Natatawa parin ako kapag naalala ko kung paano kami naging magkaibigan.
-----
Nabalitaan ng batang si Kiel na magkakaroon sila ng bagong kapitbahay sa tapat nila. Dahil doon, umupo siya sa tapat ng kanilang gate upang makita kung sino nga ba ang kanilang magiging bagong kapitbahay. Kinalaunan, dumating na din ang kotse ng kaniyang inaabangan.
BINABASA MO ANG
ToGetHer
RomanceLiliana Aries Dela Cruz, Aries for short, a carefree girl with an obsession for the color pink, has been best friends with Kiel Sadueste for 10 years. Mga damit, kuwarto niya, kahit mga gamit niya ay makikitaan mo ng kulay pink; na siya namang kinaa...