Cristine Acosta
Journal Entry #9Kung bibigyan ako ng pagkakataon baguhin ang nangyari sa araw na 'to, hindi ako papayag kay Kuya Matt mag distribute ng newspaper sa Kasaysayan at Kalayaan building.
Kapag doon ka nag distribute, madaming tanong na nakasunod. Mas may pakealam sila sa newspaper kesa sa ibang program. Kung yung iba, itatapon nalang to sa basura, sa kanila siguro babasahin naman muna.
Sila ang Santo Papa na dapat mas maimpress sa sinusulat ng ibang club. Ang normal na distribution hours ay 1 hour, nang nangyari sakin 3 hours.
Pati space sa pagitan ng tuldok at huling letra ng salita napansin. Hindi naman kaya ako ang nag eedit at hindi lang namin club ang nagsusulat doon.
Ang maganda lang dito, natatanaw ko si Brix sa gitna ng katanungan ng mga kaklase at batchmate niya. Naka-upo lang siya sa may bintana, nagsusulat. Minsan napapasulyap sakin. Alam ko kasi kada humihinga ako sa mga tanong ng iba, tumitingin lang ako sa kanya.
Isang beses nagtagpo yung mata namin tapos biglang, "Bella, ikaw ata tong tinutukoy dito eh!" "Kilala mo 'to, Tin?"
Andyan na naman yung mga tanong. Sa sobrang feeling close nung iba nagawan na nila ako ng nickname. Tin. Short for Cristine nga naman.
"Hindi ko kilala." Sagot ko. Pumasok sa isip ko si X na kada napapadpad sa message box ng club, pinapa-init ang dugo ko sa ulo.
"Yung sender sino? AB Journa eh."
"Hindi ko rin kilala." Tapos simpleng sulyap kay Brix na nagsusulat na naman.
"Uy sayo 'tong story? Saan full neto? Magz?"
"Oo, bili kayo." Dito nakuha ko ngumiti. Yung mga short story sa magazine nakadiretso. Kapag pumatok, baka gawing libro. Andres Publishing. Under ng school namin.
"Patok sa masa yung mga tula para kay Bella ah."
Ngumisi ako. "Salamat sakin."
"Bakit? Ikaw lang siguro sender don."
Nagsimula sila manlait na scam daw ang club namin. Halos itapon ko ang gitnang daliri ko sa pagmumuka nila lahat. "Mga chismosa. Idea ko yung series! Gusto niyo malaman kung sino si Bella? Mag comment kayo nang madami baka maawa yung writer at ireveal niya."
Umirap ako sa kanila. "Tama na tanong. Enjoy sa pagbabasa! Kung may reklamo kayo dumeretso kayo sa facebook page namin or sa admin kung gusto niyo ma shoutout na naman program niyo sa Confession Page."
"Ay sungit." Bulong ni Kuya na palagi kong nakikita sa library.
Ngumiti ako sa kanilang lahat bago umalis. Normal lang na ganon dito. Alam nila sa sarili nila na nakaka-irita talaga yung mga tanong na kaya sagutin ng common sense. May subject silang ganyan. Aralin uli nila.
Sa sobrang sagad ng utak ko, sumilong ako sa may Kasaysayan. Tumingala lang sa estatwa, minsan sa langit, hanggang sa mangawit ang leeg ko at parang magkaka stiff neck na ako.
Nag-unat lang ako saglit bago bumalik sa room. Iba ang buhay sa club at klase. Kung santuwaryo ang club, digmaan sa loob ng classroom. Walang lalabas hangga't walang unuusok na utak mula sa pambobomba ng demonyo. Joke.
YOU ARE READING
Ang Mga Sulat ng Dalawang Manunulat
Teen FictionAn Epistolary Simula: OCT 2024 Tapos: