Childhood Sweethearts ♥ [1]

7K 54 1
  • Dedicated kay Ann Limpin
                                    

Copyright © 2013 by SweetyAnn

Childhood Sweethearts

written by: SweetyAnn

"UWOOOOOOOOW!! ANG GANDAAAAAAAAAAAAA!!" Napasigaw ako dahil sa mangha at tuwa dun sa nakita ko

Ang ganda kasi nung nasa harap ko'ng sand sculpture, nandito ako sa park sa malapit sa bahay namin. May nikalagay na mermaid! Uwwwwwwwwoooooow!

"Si LIttle Mermaid yun oh!!" Sigaw ko pa.. hehehe ang ganda talaga!

"Hi Ariel! Ako si Vanilla! Hehehe!" Kinakausap ko siya.. ang ganda kasi niya eh.. di naman niya ko sinagot.. ang shungit ni Ariel na Little Mermaid..  ngumuso ako kasi inishnob ako ni Ariel.. >3<

Pero napangiti ulit ako.. kasi nakita ko naman shi Doraemon.. hehe ang cute niyaaa!! Kasing laki ko siya!! Uwaaaaah!! Gushto ko ng ganito!! Papabili ako kay Lolo ng ganito!! Gushto ko ilagay sa room ko sa tabi ng bed ko.. Hihihihihi!! ^o^

"Ang gandaaaaaaaaaa!! Hi Doraemon!! Ako si Vanilla! Kamushta?"

*Silence*

"Huuuuuuuy! Doraemon, kausapin mo ko! Bat niyo ko nishushungitan ni Ariel?"

Tapos may narinig ako'ng nagpipigil ng tawa..

Sinilip ko yung nasa likod ni Ariel at Doraemon..

"Woy bata! Bat mo ko nitatawanan ha?!" Sabi ko dun sa bata na may hawak na timba saka malaking tinidor..

"Eh kasi kinakausap mo yung mga buhangin! Hahahahaha!"

"Edi kausapin mo rin shila! Inggitero ka palang bata.."

"Hindi naman kasi sasagot yan eee.." nakita ko siyang inipon yung buhangin gamit yung mga kamay niya..

"Waaaaaaaaah!! Ikaw yung gumawa nito? Wowwwwwwww!!"

"Oo, ako nga gumawa niyan kaya nga natatawa ako sayo kasi kinakausap mo sila eh.." tapos natawa pa siya..

Napanganga ako sa ginagawa niya kasi gumagawa nanaman siya ng bago.. Kamukha ni Pororo!!

Tinignan niya ko.. "Gusto mo turuan kita?" Sabi niya.. hindi ko pa siya kilala hehehe

"Sige sige!!" Agad kong sagot sa kanya..kinuha ko yung malaking tinidor na hawak niya tapos inipon ko sa isang gilid yung buhangin..

After 30 mins..

"Wow!!!! Ang galing!!! Gusto ko iuwi sa bahay!! Woww!!!!" Nakagawa kami ng sculpture na mukhang angel.. mukha siyang totoo.. it yung pinakamaganda sa lahat nung ginawa niya dito.. Pero favorite ko rin si Pororo..  hehehe

"Bata, hindi mo siya pwedeng iuwi sa bahay niyo.."

Napasimangot ako.. "Ang damot mo'ng bata! Sige na.. akin nalang yan!! Kahit si Pororo nalang oooohh.. favorite ko yan ee!"

"Hindi nga kasi pwede, alam mo bata.. masisira yan pag inalis mo siya jan.. tapos huhulihin ka pa ng pulis kasi sabi ng mama ko bawal daw kunin yung buhangin dito.." sabi nung bata sakin.. tinatakot niya pa ko...

"Ang damot pala ng pulis! Ang bad nila!!"

"Oo nga ehh.. gusto ko rin nga iuwi si Doraemon kaso sabi ni mommy.. bawal daw  talaga.." sumimangot din yung kalaro ko'ng bata..

Napaisip ako.. Tapos nginitian ko siya..

"Bakit ka nakangiti?"

"Alam ko naaaa!! Magpapabili ako ng buhangin kay lolo, tapos sa bahay nalang tayo maglaro!"

"Talaga? Sa bahay niyo tayo maglalaro?"

"Oo! Hehehehe.. Ako nga pala si Vanilla.."

"Sige-sige!! Ako si Sehun.." tapos nagshake-hands kami ni Sehun..

**

Lumipas ang anim na buwan.. naging malapit na sa isa't-isa si Vanilla at Sehun. Laging pumupunta si Sehun sa bahay nila Vanilla para maglaro ng buhangin.. Ibinili kasi siya ng lolo niya nito at ipinuwesto sa ganden nila. Tuwang-tuwa ang lolo ni Vanilla kay Sehun dahil may naging kaibigan si Vanilla. Bukod kasi sa Lolo ni Vanilla, silang dalawa lang ang tao sa bahay nila. Nasa ibang bansa ang mga magulang ni Vanilla at sa lolo Reynaldo ito naiwan.

Pinagmamasdan ni Lolo Reynaldo ang dalawang bata habang naglalaro..

"Si Pororo nanaman, Sehun? Bakit siya nanaman? Tatlong Pororo na sila oh.. Tignan mo.. 1.. 2 .. 3.." natawa ang lolo ni Vanilla sa ginawa ng apo niya.. binilang niya pa kasi ang mga sand sculpture na ginawa ng kalaro nito habang tinuturo.

"Eh kasi.. diba Vanilla, sabi mo favorite mo si Pororo? Edi si Pororo nalang yung lagi ko'ng ginagawa kase masaya ka diba pag nakikita mo si Pororo? Diba Vanilla?"

"Ganun ba yun? Ang bait mo naman!"

"Syempre gusto ko lagi kang masaya.. uu ganun yun Vanilla, engot ka talaga.." namumulang sabi ni Sehun.

Lumapit ang Lolo sakanila..

"Sehun, iho.. Gusto ko pag laki niyong dalawa ng apo ko.. magpapakasal kayo ah." Natatawang sabi ni Lolo Reynaldo..

"Kasal? Ano po yun lolo?" Nagtatakang tanong ni Vanilla..

"Ayyy alam ko yan!! Yan yung ginagawa para maging mag-asawa.. kagaya ni Mama saka si Papa.. diba po Lolo?" Sagot ni Sehun

"Haha.. oo, iho tama ka.." nakangiting sabi ni Lolo Reynaldo.

"Sige po Lolo.." tumayo si Sehun at hinarap si Vanilla..

"Vanilla.. makinig ka lang sakin ahh.."

Natahimik si Vanilla at tumayo rin ito.. Tinignan niya ang ginagawa ni Sehun..

"Ano yan?" Sinisilip ni Vanilla yung ginagawa ni Sehun..

"Eh! Wag kang chismosa jan Vanilla.. sabi ko makinig ka lang eh.. ang engot mo talaga.." natawa ang lolo ni Vanilla sa sinabi ni Sehun..

Si Vanilla naman ay ngumuso nalang.

"Ayan! Tapos na! Sige game na Vanilla.." humarap siya sa batang babae..

"Ako, si Sehun ang magiging asawa mo.. Vanilla kapag tumanda na tayo, at ipagtatanggol ka sa lahat ng mga bad at lagi kang pasasayahin kapag malungkot ka.. hmmm pwede rin kahit di ka malungkot, basta papasayahin kita at di ka iiwan.. itaga mo pa yan sa puno ng kamatis!"

Pagkatapos niyang sabihin yun, isinuot ni Sehun sa maliit na daliri ni Vanilla ang ginawa nitong singsing na gawa sa bulaklak ng Santan kanina..

"WOW!! Sehun, ang ganda naman!!" Kumikinang ang mata ni Vanilla dahil sa sobrang mangha nito sa singsing na ginawa ni Sehun..

"Syempre naman noh.. gusto ko nga masaya ka eh.. kapag pangit yung binigay ko sayo, matutuwa ka ba? engot ka talaga.."

"Che! Ang sungit mo namang Pororo ka! Sige ka, hindi kita papakasalan!"

"Uy joke lang VANILLA!! Ikaw ata ang pinakamatalinong tao'ng nakilala ko nuh!!"

At nagtawanan silang tatlo...

Childhood Sweethearts [EXO-K Sehun]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon