Angelo
"hm" tanging nasambit ni tita habang umiinom ng kape na ginawa ko
"Ano? masarap ba kape ko?" tanong ko kay tita kasi pangarap ko talaga dati pa na magtayo ng kapehan kasi favorite ko magkape dati pa man.
"Alam mo, bakit hindi ka pa magbukas ng coffee shop?" habang sinasawsaw yung matigas na tinapay sa ginawa kong kape "Masarap naman lahat ng ginagawa mo, bakit hanggang ngayon hindi ka pa din nagbubukas?"
Inaabot ko kay tita yung honey na hawak ko "try mo lagyan nito tita yung kape" bumalik na ulit ako sa paghihiwa ng patatas para sa niluluto kong menudo "Alam mo naman reason tita kung bakit, dba? at isa pa--"
"Hm ang sarap nak!" sa sobrang gulat ko sa pag sigaw ni tita muntikan ko na mahiwa yung daliri ko.
"Ay sorry nak hahaha, ang sarap ng kape mo pero nak hanggang kailan ka maghihintay doon? siguradong may pamilya na yun sa ibang bansa at kinalimuta--" hindi na natuloy ni tita yung sasabihin nya
"Sige tita ituloy mo yan at ikaw ang magiging karne dito sa menudong niluluto" habang tinututok ko ang kutsilyo kay tita kaya tumahimik ito tapos sabay tawa.
"Tao po!" nagulat kaming dalawa kaya naman nilapag ko muna yung kutsilyo at pumunta na sa living room kung saan yung front door namin.
Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kaba, iniisip ko na sana sya na yung kumakatok sa pintuan namin pag bukas ko ng pintuan nakita ko si mamang delivery man
"Kayo po ba si Mr. Angelo?" tanging tango lamang ang sinagot ko "May letter po kayo kay Mr. Hitos-, sir okay ka lang po ba? tulong!" hindi na natapos ni mamang delivery man yung sinasabi nya sa sobrang excited ko nahimatay na ako.
Makalipas ang 20 minutes
Pagbangon ko sobrang sakit ng ulo ko hindi pala ako nasalo ni mamang delivery man pero wait nasaan pala yung letter? nasa kwarto ko pala ako pagtingin ko sa side ng kama ko kung saan may lampshade doon ko nakita yung letter na hinahanap ko.
Kinakabahan akong hinawakan yung letter hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko, halo halong tuwa lungkot at kung ano ano pa ng bubuklatin ko na yung letter pumasok naman si tita "Gising ka na pala Desnee Prenseys, buti at buhay ka pa?" may dala dala itong tubig at binigay sakin.
"Grabe ang pagkabaliw kay Hitoshi, nak? Ang kiffy ah, not very demure, not very cutesy, not very mindful o sya bigyan muna kita moment dyan babush andyan na tito mo" at lumabas na ito. Napaka eksenadora talaga ni tita kung di lang kita tita nako.
I took a very deep breath bago ko binuksan yung letter, pagbukas ko hindi ko alam kung matutuwa ba ako kasi nagparamdam sya at naalala nya ako pero wedding invitation yun sa kasal nya napasigaw nalang ako sa sobrang sakit.
"Sino nang away sayo? SINO!?" biglang pumasok si tita na may hawak na palakol at hinahanap yung sinasabi nyang umaaway sakin napakaOA din
"Tita moment ko ito oh, wala na" tinignan ko nalang si tita hindi ko alam kung iiyak ba ako o tatawa
"Ih iha bat ka naman sumisigaw dyan, tinalo mo ginagahasa sa susunod tahimik lang dapat pag nagmomoment tandaan hindi ka solo dito naaabala tuloy ang labanan namin ng tito mo" lumabas na ulit ito at kahit di ko maintindihan sinasabi ni tita kasi ang bilis nya magsalita tapos bisaya pa ang hirap maintindihan nawala na tuloy ako sa moment.tinignan ko ulit yung wedding invitation nagsimula ng pumatak ang mga luha ko ng nagsink in na sakin na ikakasal na talaga sya.
Ang sakit kasi lahat ng mga pinag-uusapan namin tungkol sa kasal gagawin nya na kay Anatasha, bestfriend ko pala gusto nya akala ko may pag asa kami.
makalipas ang isang linggo"Nakalipas na isang Linggo iyak ka pa din ng iyak dyan, tandaan mo tao ka at hindi Angat Dam mag Bar ka doon sa Makati humanap ka ng maraming baby boys doon" hinatak ako ni tita at inayusan para daw mag bar ako
"kesa magmukmuk ka dyan manglalaki ka nalang sayang ang pagiging fresh, andyan na ang GRAB wag ka na mag inarte dalian mo dyan" hindi na ako makahindi kaya sinunod ko nalang sya
sumakay na ako sa sasakyan, kulay red ito tapos pag pasok mo ang bango kita ko si kuyang driver ang pogi pero mas pogi pa din si Hitoshi, bakit ba sya yung naaalala ko? dba dapat nag eenjoy ako?
nangmakarating na kami sa bar na sinasabi ni tita na BANK BAR akala ko maingay pero hindi naman pag pasok ko it looks decent then nagulat ako ng tinawag ako na nasa loob daw yung reservation sakin hinanap ko pa kung saan, nagulat ako ng biglang binuksan yung lalagyan ng inumin at pinapasok ako.
Sobrang ingay dito at maraming nagsasaya, pumunta ako sa may bartender at umupo ako doon sa mataas nilang upuan then I ordered cocktail, while waiting I saw Anatasha in short sha-sha he was approaching someone then I was shocked when she kisses the guy, so I thought that it was Hitoshi. Ang liit talaga ng mundo.
Nilapag ni kuyang bartender yung inumin at nilaklak ko nalang agad "One more please" habang nakatingin ako kay Sha-sha ang sakit pa din pala talaga na akala ko hindi ako tratraydurin ng bestfriend ko, nilapag ulit ni kuya yung cocktail and ininom ko na agad yun "Two more please" nakakaramdam na ako ng tama malakas din makalasing tong cocktail kahit masarap, pagkalapag ni kuya ininom ko yung isa tapos yung isa dinala ko na at pumunta ng dance floor.
Habang sumasayaw ako nakita ko si Sha-sha and I saw the face nung guy nahinalikan nya and nagulat ako it's not Hitoshi I get may phone and capture a photo of her kissing the guy.
"Akala ko mahal mo si Hitoshi bat ganto ginagawa mo" hindi ko alam na tumutulo na pala luha ko while I was taking picture of Sha-sha and the man she was kissing.I wiped my tears then someone approach me "Hi baguhan ka dito?" tinignan ko sya mula ulo hanggang paa, he was handsome, singkit, moreno, grabe ang biceps and kahit yung abs bakat sa suot nyang white Tshirt then pagtingin mo sa baba may ibubuga kasi kulang nalang pumutok zipper nya para makalabas sa suot nyang black pants then naka white shoes sya na Prada ang tatak, tumango nalang ako sa tanong nya.
"Oh bago ka lang here, won't you mind if we sit there for chatting?" tumango nalang din ulit ako habang inaakay nya ako tumingin ulit ako sa pwesto ni Sha-sha nakita ko silang papuntang comfort room habang kagat kagat nya yung nakabalot pang-condom.
Pagtingin ko sa pupuntahan namin may pabilog na lamesa tapos sofa na pabilog pero kalahati lang may mga inumin na doon pinaupo nya ako doon sa tabi nya
"Ako nga pala si Mikee delos Reyes and you are?" sabay abot nya sakin ng kamay nya
Hesitant akong hawakan kamay nya pero ang rude ko naman "Angelo Sy Buenaventura" sabay abot ng kamay ko.
It takes hour before I feel comfortable then I found out na we have a lot in common, pagtingin ko sa orasan it's almost 12 na pala and ang layo ko Baguio to Makati paano ako uuwi nito. He offered me a ride then I say yes kasi paano ako uuwi wala na ako mamasasakyan.
Palabas na kami ng bar ng makita ko ulit si Sha-sha having fun with different men in the bar kissing them one by one, ng makarating na kami sa parking kung saan nakaparada yung kotse nya hindi pa din mawala sa isip ko yung yung ginagawa ni Sha-sha na alam nyang ikakasal na sya.
"hey" nagising ako sa ulirat ng marinig ko si Mikee he was standing in his black car waiting for me to get inside. Binuksan nya yung tinatawag nilang Princess seat katabi ng driver pagsakay ko ang bango sa loob kaso nga lang may brief na nakalagay doon sa may inuupuan ko and mukhang hindi pa nalabhan. "Oh shit sorry" namumula sya while saying sorry
"It's okay" natatawa ako sa reaction nya mukha syang batang anger grabe pamumula nya
"Hey stop it nakakahiya" patuloy pa din pamumula nya
"Okay pahatid nalang ako" natatawa kong sabi at binigay ko sa kanya yung address ko then hindi ko namalayan nakatulog na pala ako
after an hour
"Nakauwi ka na pala desnee prenseys" nagulat ako at narinig ko nalang si tita pag mulat ng mata ko mas nagulat ako kasi karga karga ako ni mikee nakawedding style pa pagbuhat nya sakin "akala ko ba sila Hitoshi ang ikakasal nauna ka na pala nak" natatawang sambit ni tita kaya dali dali akong bumaba sa pagkakabuhat sakin ni Mikee
"Bat naman hindi mo ko ginising?" tingin ko kay Mikee
"Sorry sarap kasi ng tulog mo yakap mo pa nga brief ko ayan oh hawak hawak mo pa din" tinignan ko yung hawak ko at brief nga nya yun kaya binato ko na yun sa kanya hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Souvenir mo na yan sakin" nilagay nya yun sa bulsa ko at saka sya sumakay sa sasakyan at kumaripas na ako ng takbo sa kwarto sa sobrang hiya ko.
"Iba takaga tong pamangkin ko, brief ang regalo sa kanya kesa flower hahahaha"
BINABASA MO ANG
Cup of Love
RomanceAngelo falls in love with his neighbors and becomes friends. They love to talk about coffee. Everything changes when his neighbors go to Canada to study. After a long year of waiting, he receives a wedding invitation. Is it the end of their love sto...