"Hindi ako nagkulang, sadyang hindi lang ako sapat," Nagngingitngit niyang saad.
Naroon na ang pagkuuyom niya ng palad dahil sa matinding poot na nadaram, hindi mapigilan ang panginginig dahil emosyon na lumukob.
Walang nagsalita sa kanila, bagkos ay tinalukuran na lang niya ito, sa pagkakataon na iyon ay hindi na siya magdadalawang isip na umalis, kahit ano pa ang sabihin o gawin nito.
