Chapter 1

4 1 0
                                    

Alexander Pov

"Bro ano ba! Nasaan na ba kayo?!" sigaw ko habang hawak hawak ko ang cellphone ko. Ngayon kasi ang first day namin at sabay kaming pumapasok ng mga kaibigan ko.

"Eto na! Otw na!" sagot ni Wave mula sa kabilang linya. Magkakapitbahay lang kami pero dahil late silang nagising kaya nauna na ako sa school.

"Kanina pa yang otw mo, Wave! Nandito ako sa may parking lot sa lot natin! Bilisan ninyo!" sigaw ko at binaba na ang call.

"Omg! Ang gwapo talaga!"

"Hi Xander!"

'Pakiss naman Xander!"

Hindi ba sila naririndi sa mga sarili nila?!

Beep! Beep!

Inis kong tinignan ang apat na sasakyang bumusina sa akin.

"Hi bro!" nakangiting sigaw ni Kaze.

"Tagal ninyo ah." sabi ko habang naglalakad papunta sa classroom.

Ramdam at dinig ko ang mga tinginan at bulungan ng mga babae na nakakairita.

"Maaga ka lang gumising bro!" natatawang sabi naman ni Blaze.

Inirapan ko lang siya at natawa naman ito sa inasta ko.

"Wait! Where's Linden?" takang tanong ko habang tinitignan ang paligid.

"I'm right here." tipid na sagot ni Linden na nasa likod ko lamang habang nagbabasa ng libro.

Tinignan ko naman ang apat at nagkibit balikat lamang sila.

"OMG! AYAN NA SILA!"

"PAKISS AKO ALEXANDER!!"

"I LOVE YOU FAFA BLAZE!!"

"ANG HOT MO WAVE!

"PAKASAL NA TAYO KAZE!"

"ANG GWAPO MO LINDEN!!"

Halos marindi ako sa mga sigaw ng mga babae at bakla habang naglalakad kami papunta sa room namin na nasa 4th floor.

Habang si Blaze naman at Wave ay walang sawang nagbibigay ng flying kiss sa mga babae na ikinatawa namin.

Tinignan ko naman si Linden na as usual, walang pakielam sa mundo at tanging libro na may kinalaman sa mga halaman at hayop ang kanyang nasa interesado.

Class 3A

Pagpasok namin sa classroom ay tumahimik ang lahat. May mga babaeng kinikilig ngunit hindi kagaya ng nasa may corridor na sisigaw talaga.

Kami ang tinatawag na The Five Aces dahil nasa amin na ang lahat. Bata palang kami ay magkakaibigan na kami kaya naman kilalang kilala na namin ang isa't isa. Hindi ito ang first day of class namin dahil halos 1 week na kaming may pasok.

Dumating naman ang teacher namin at nagulat ako na may mga kasama siyang limang estudyante na hindi nakasuot ng uniform

"Who are they?"

"Transferee siguro"

"Pwede pa pala mag transfer kahit 1 week na lumipas ang class?"

Dinig ko ang mga interesadong bulungan ng mga kaklase ko.

"Quiet class! These are your new classmates. Please introduce."

The Hell of HeavenWhere stories live. Discover now