07

16 3 0
                                    

"I really really really like you, Estella Danica Collins,"


Pabalik-balik iyong umalingawngaw sa isipan ko. Kinikilig ako sobra pagkasabi niya no'n, pero hindi ko naman pinahalata. Baka makompirma niya na talagang gusto ko rin siya.


"Bakit po ba biglang sumama ang pakiramdam niya, Ate?" tanong ko kay Ate Maridel nang makalabas ako sa kwarto ni Gabrielle.


"Eh, bigla kasing tumalon sa pool kagabi. Ilang minuto rin siyang nakababad roon. Eh, 'yon ang napala niya," sagot ni Ate Maridel habang naglalagay ng butter sa bread.


"Gano'n po ba? Ano kayang napasok sa isipan ng lalaking 'yon?" napaisip ako.


Bigla na lang umandar ang kabaliwan niya kagabi? Alam naman niyang gabi na at naisipan niya pang lumangoy doon sa pool? Lalaki nga naman.


"Ah, Estella, pwede mo bang ihatid 'to sa kaniya sa kwarto niya? May tatawagan lang ako sandali,"


Napatingin ako sa pinggan kung saan nakalagay ang bread na may palamang peanut butter. Nagdadalawang-isip ako pero sa huli ay napatango na din ako. Gosh, ayoko na sanang bumalik sa loob e.


Umakyat na naman ako papunta sa kwarto ni Gabrielle. Kumatok ako pero bigla na lang bumukas ang pinto kaya dibdib ni Gabrielle ang nakatukan ko.


"My heart is always open for you, baby. Hindi mo na kailangang kumatok pa," nginitian niya ako ng nakakaasar habang dahan-dahang humakbang.


Napalunok ako. Hinilig niya ang ulo niya sa akin kaya masyado nang magkalapit ang mukha namin. That aroma!


"A-Anong gagawin mo?" nauutal kong tanong. Hindi ko na talaga 'to kaya. Baka mabitawan ko ang dala kong tray.


Ngumisi siya bago umayos ng tayo pero nanatili pa rin sa akin ang kaniyang mga mata. "Akala ko umuwi ka na."


"Ah... Uuwi naman talaga ako ngayon... Ano lang kasi-"


"Huwag muna, Estella. Samahan mo muna akong kumain niyan,"


"Ha? Tapos na akong kumain,"


"Talaga? Patikim nga ng labi mo?" tinaasan niya ako ng dalawang kilay.


Pinanlakihan ko naman siya ng mga mata. "Bahala ka uuwi na talaga ako ngayon,"


"Joke lang, pero kung totohanin mo. Why not, 'di ba?" he curved his mouth as he looked away.


"Halika na nga, doon tayo sa backyard kakain!"


"Ay, akala ko ba para na lang 'yan sa akin? Bakit may 'tayo'?"


Hindi ko na siya pinansin at napangiti na lang ako sa mga pinagsasabi niya. Napansin kong dumidilim na ang paligid pero mas gusto ko pang manatili dito kasama ang lalaking may pagkabastos ang bunganga.


"Bakit ba tumalon ka diyan sa pool niyo? Alam mo namang gabi na, ah?" tinuro ko ang pool gamit ang aking mga mata.


"Nag-iinit kasi ang buo kong katawan pagkatapos nang-"


"Ano?" putol ko. Alam ko naman kung ano ang karugtong diyan sa sinasabi niya. "Ganiyan ba ang epekto ng halik ko?" dagdag ko habang umiiwas ng tingin. Akala niya siya lang marunong?


Bumaling naman ako sa kaniya nang mapansing hindi siya makaboses. Naabutan kong seryoso ang titig niya sa akin habang pinaglalaruan ang kaniyang pang-ibabang labi. Para bang may iniisip siya.


Endless (Millionaire Series #1)Where stories live. Discover now