Broken Promises

772 24 7
                                    

Noong una ko palang siyang nakita, minahal ko na siya. Yung style ng buhok niyang nakatakip sa kaliwang mata niya na halos di na makita ang kabuuan ng mukha niya. 3rd year highschool palang ako noon at kakalipat ko lang. Pumasok ako sa school at kasama ako sa isang organization ng arts. 4rt year na siya.

Umpisa palang noon ng klase. Nasa kabilang dulo siya paharap saakin. Nagtataka ako kung bakit siya laging nakayuko. Siguro dahil first day palang kaya siya nahihiya. Pero di na niya kailangang mahiya dahil kilala na niya mga kaklase niya. Kinakahiya niya kaya yung mukha niya? Siguro marami siyang pimples? Panget siya?

Yan lang ang pumasok sa isipan ko noong mga panahon na iyon. Isinawalang bahala ko nalang iyon. Kaklase ko lang siya tuwing major na namin. Dalawang oras ko lang siyang nagiging kaklase noon dahil yun lang ang oras ng major namin. Pero noong ikalawang araw ng pasukan, pinaglinis kami ng sir namin. Dali-dali akong pumunta sa lalagyan ng mga panlinis noon. Ngunit sa dami namin, naubos na ang mga panlinis. Kinuha ko nalang yung dust-pan.

Pumunta ako kung nasaan si Jin. Siya yung una kong nakilala dito. Nagwawalis siya ngayon at tamang-tama dahil iniipon na niya ang mga kalat.

"Oh yuan! Pakibigay din ito sa mga kasama kong nagwawalis. Baka kailangan na nila itong dust-pan" sabi niya. Tumango nalang ako at naglakad papunta sa iba pang nagwawalis na kagrupo ko. Habang naglakakad ako, di ko napansin na may nagwawalis sa harap ko kaya natisod ako doon at may nabangga ako.

"S-sorry! Sorry po talaga" hinging tawad ko sa nabunggo ko. At hulaan niyo kung sino nabangga ko? Yung babaeng laging nakatakip ng mga buhok niya yung kaliwang mata niya. Mas lalo akong kinabahan noong halos buong mukha na niya ngayon ang natatakpan ng buhok niya. Nakatingin lang siya sa baba. Ewan ko lang pero ang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba. Nakakatakot siya. Parang si sadako.

Mamaya-maya tumingin na din siya ng diretso sakin at hinawi ang kanyang buhok na nakaharang sa kanang parte ng mukha niya, pero di ko pa din makita yung kabuuan. Nakita ko yung kanang parte ng mukha niya na napakaamo. Napaka-inosente ng mukha niya. Yung tipong pitikin mo lang, iiyak na.

Tinignan niya lang ako noon at tumango. Napansin kong naipon na niya rin ang mga kalat at dumi na winawalis niya kaya nagprisinta na din akong hiramin yung walis na hawak niya.

Yumuko ulit siya. Ewan ko lang pero wala namang interesado sa sahig kaya lagi siyang nakatingin dun.

"Ako nalang" nabigla ako noon nung nagsalita siya. Yung boses niya, parang anime. Napaka-lambing ng boses niya. Simpleng sabi niya lang ng 'ako nalang' parang ang ganda na sa pandinig lalo na sa boses niyang mala anime sa sobrang cute.

"A-ahh hindi ako nalang po. Hiramin ko nalang po yung walis na hawak mo. Sorry ulit ate ahh"

Nakatingin parin siya sa sahig noon. Lumapit ako sakanya ng kaunti para kunin yung walis . Dala ko parin yung dust-pan para ilagay doon ang kalat na naipon niya. Nang kukunin ko na yung walis sa kanang kamay niya, natigilan ako ng maramdaman kong hawak niya yung kaliwang kamay ko. Napakalambot ng kamay niya at may konting init ito na nakapagpagaan ng pakiramdam ko.

May naramdaman din akong tila kuryente na dumadaloy sa kamay ko. Napatulala nalang ako sa mga kamay kong hawak niya. Ano kaya ibig sabihin nito?

"Ako nalang. Pahiram ng dust-pan" nagising ako noon sa katotohanan. Yung dust-pan pala ang kinukuha niya kaya napahawak siya sa kamay ko. Ang assuming ko. Grabe. Sobra! Ang akala ko kung ano na, yun pala gusto niyang kunin yung dust-pan!! Pahiya ako dun ah. Langyang dust-pan yan.. -_-*

Dali-dali kong binigay yung dust-pan sakanya. Grabe talaga yun. Nag assume ko. Nagsimula na siyang magwalis kaya tumalikod na siya saakin. Nakahinga naman ako ng maluwag noon. Napangiti na din ako dahil di naman pala siya yung tipong pagtataasan ka lang ng kilay.

BROKEN PROMISESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon