Sana yung panahon na yon, di ko siya pinabayaan. Sana nakipagbati na ako sakanya at hindi ko pinairal yung pride ko. Nagseselos lang naman ako ehh.. Aaminin ko nagkaroon din ako ng crush kay Jem pero si Chelle talaga ang gusto ko. Pero kahit ano pang sabihin ko, hindi ko na maibabalik ang lahat ng iyon. Yung masasayang araw namin noon. Hindi ko na siya maibabalik sakin.
Nandito ako sa ospital ngayon.. Gusto kong makita si Chelle kahit dito man lang. Natatakot akong makita noon si Chelle dahil baka galit siya sakin. May sakit ngayon si Chelle. Dengue positive siya ngayon at natatakot ako sa mga mangyayari. May sakit siya kaya dapat ako ang nasa tabi niya pero wala ako. Sana hindi ko nalang siya iniwan.
Sinabi ko sa sarili ko na hindi ko tuturingan yung mga lalaking pinaghahambingan niya pero nagawa ko na. Parang isa na ako sakanila.
Alam kong nasaktan siya noon. Nagsisisi na ako at gusto kong sabihin sakanya na 'sorry' pero wala na akong magagawa. Nasaktan ko na siya. Sinira ko yung promise ko sakanya.
"Ok na siya ngayon. Nakakangiti na siya simula noong sinaktan mo siya " nakatingin pa din ako kay Chelle na mahimbing na natutulog habang nagsasalita si Jerome. Alam ko namang nasaktan ko siya eh. Bakit kailangan niya pa ding ipamukha sakin? Pinili ko nalang na tumahimik at mahinahon.
Umuwi na ang mga magulang ni chelle dahil gabi na at ilang araw na silang nandito kaya nagprisinta si Jerome na siya nalang ang magbabantay. Sinadya ko talagang gabi ako pumunta para hindi niya ako makita at masilayan ko naman ulit siya. Miss na miss ko na siya. Ako ang may kasalanan nito ehh. Sana hindi ko nalang siya iniwan dati.
"Masaya na siya ngayon Yuan. Nung simula nasaktan siya pero tinatago niya yun sa iba. Una niyang magmahal pero nasaktan agad siya. Naiinis ako sayo kasi ginawa mo yon sakanya pero wala naman akong magagawa eh. Ikaw yan Yuan. Pero bilib parin ako kay Chelle dahil hindi siya galit sayo. Aaminin ko nainis siya sayo noong una pero ngayon, pinatawad ka na niya. Dalawang buwan na simula noon pero wala pa din siyang pinagsisisihan na ikaw yung pinili niyang unang mahalin." ewan ko pero nagsisisi talaga ako eh. Kung hindi ko lang siya iniwan.
"Ikaw lagi yung kinukwento niya sakin kahit iniwan mo siya. Noon naiinis ako dahil ikaw nalang lagi ang bukang bibig niya. Ni katiting ng galit wala siyang nararamdaman sayo. Napakabait niya. Doon lang ako nagtataka tingkol sayo eh. Nakay Chelle na ang lahat eh. Ideal girl siya ng marami pero pinakawalan mo lang siya. Ang swerte mo kasi ikaw yung pinili niya pero iniwan mo lang siya. Napaka swerte mo Yuan"
Tumulo na ang luha ko ng mga sandaling iyon. Tama siya, napakaswerte ko pero pinakawalan ko lang siya. Maraming nagkakagusto sakanya pero ako ang pinili niya sa lahat ng yon. Napaka-tanga ko dahil sinayang ko yun. Pinakawalan ko siya.
Maya-maya ay bigla nalang kaming nataranta. Yung makinang nakakabit kay Chelle ay biglang nagtuloy-tuloy na ang guhit. Nakakabinging tunog ang naririnig ko ngayon kasabay ang pagpasok ng mga doktor para i-check ang lagay ni Chelle. Ayaw ko sanang bitawan ang mga kamay niya pero sapilitan na kaming pinalabas. Nakita ko pa kay Jerome ang mga sunod-sunod na ang pagtulo ng luha niya habang tinitignan si Chelle sa loob.
Ilang sandali pa ay nakita kong may sinusulat ang isang doktor at ang ilan ay abala sa pagtanggal ng mga nakakabit na dextrose at ilan pang nakakabit sakanya. Biglang pumasok doon si Jerome at pinigilang takpan ng kumot ang katawan ni Chelle na nakahimlay doon. Pero wala na din siyang nagawa. Napaupo nalang siya at doon napahagulgol. Hindi na din ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Parang nakadikit na ito sa sahig at sobrang nanlalamig na din ang mga kamay ko. Tinitignan ko nalang ang doktor na tuluyan ng tinakpan ang buong katawan ni Chelle.
"Time of death. 10:35 pm" yan ang narinig ko sa mga doktor kanina noong nagsusulat ang isa sa kanila.
"Condolence" hinawakan ko na ang kamay ni Chelle pagkatapos sabihin ng doktor yun. Hindi yun totoo. Buhay pa si Chelle.
Napaluhod nalang ako ng maramdaman ko ang kamay niyang sobrang lamig. Di pa ako nakakapag-sorry sakanya ng harapan. Napahagulgol nalang ako sa sobrang pagsisisi sa ginawa ko sakanya.
"I'm sorry Chelle" paulit-ulit kong sinasabi. Huli na ako. Wala na siya.
Kung hindi ko lang siya iniwan dati, sana kasama ko pa din siya bukas at sa mga susunod pang mga araw. Huli na ako.
Sana hindi ko nalang siya iniwan. Hindi ko nalang sana pinairal ang pride ko noon.
Sinira ko ang mga pangako ko sakanya. Wala na..... Hindi ko na maibabalik ang nakaraan.
"Promise?" yan yung napakagandang alaala niya noon. Yung mukha niyang sobrang saya noong nangako ako sakanya harap-harapan na hindi ko siya iiwan at ipagpapalit sa iba.
Promise: yan yung salitang binitawan ko kaya siya nawala sakin.
*****************************
Yan na po. Tapos na!! XD
Yeah! Arigato guzaimasu/thank you sa mga nagbasa po nitong one shot story ko. Thank you po talaga.
Medyo busy din po kasi ako sa school kaya one shot lang yung ginawa ko. Try ko pong gumawa ng story. Suportahan niyo po sana yung mga gagawin kong story.
Thank you po talaga.
Feel free to vote and comment^^
Once again, maraming thank you po sainyo.
Miss CheiHyun<3

BINABASA MO ANG
BROKEN PROMISES
Teen FictionPromise: yan yung katagang binitawan ko kaya nawala siya sakin.