Prologo

5 0 0
                                    

Prologo


⚠︎ PAUNAWA ⚠︎

Ang istorya na ito ay kathang-isip lamang. Ang bawat karakter, pangalan, lugar, at pangyayari ay gawa-gawa lamang ng may-akda. Kung mayroon mang pagkakahalintulad sa totoong buhay, ito ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.

Kung ang hanap mo ay isang perpektong kwento, nakakalungkot na sabihin na ang istorya na ito ay hindi perpekto at hindi kasing ganda ng ibang kwentong iyong nababasa mula sa ibang mga manunulat.

Ang istorya na ito ay maaaring maglaman ng mga kamalian sa iba't-ibang aspeto ng pagsulat. Katulad ng gramatiko, ispeling, marka, pagpapahayag, at marami pang iba. Ngunit magiliw na ipinapabatid ng manunulat ng istorya na ito na kanyang gagawin ang kanyang makakaya upang mapabuti at mapaghusay ang kanyang kaalaman sa pagsulat.

Ang istorya ring ito ay maaaring maglaman ng trahedya.


⋅•⋅⊰∙∘☽༓☾∘∙⊱⋅•⋅


Shaina's POV

Tayo ay namumuhay sa isang mundo kung saan laganap ang mabilisang pagbabago. Na sa bawat paglipas lamang ng ilang segundo, maaaring may maiba o 'di naman kaya'y maglaho.

At sa patuloy na paglipas ng panahon ay siya ring ating patuloy na pag-unlad. Ngunit kapalit naman nito ang mga bagay na matagal nang namamalagi rito sa ating mundo na unti-unting makalimutan at mapalitan.

Subalit kung mayroon mang mga bagay na nakakatiyak akong mananatili sa atin, magunaw man ang mundo. Ito ay ang mga natural na bagay na ipinagkaloob sa atin noong tayo pa man ay isilang. Isa na nga rito ang pangarap.

At bilang isang taong may pangarap at mithiin sa buhay, masasabi ko na ang pangangarap ay walang binabasehang hitsura, kulay, katangian, at kayamanan kundi ito ay lumilimita sa kakayahan, kagustuhan, pagnanais at dedikasyon ng isang tao patungo sa kanyang pinakaminimithing pangarap.

Wala ritong kinalaman ang iyong wika at intelektuwal. Hindi rito binabase ang iyong bansa o lahing pinagmulan. Hindi ito natatapos sa iyong kultura o kasanayang nakagisnan.

Dahil ang pangarap ay walang hangganan at sa pangarap ay walang imposible, ano man ang iyong naisin ay pupuwede.

Hinding-hindi ito natatapos sa panghuhusga ng ibang tao kung hindi sa kagustuhan ng nangangarap na itigil ito.

Walang anumang materyal na bagay ang maaaring makapagpabago sa ninanais ng isang tao. Hindi ito napapalitan ng pera o pagbabanta. Walang puwedeng makakuha nito o makapagnakaw mula sa kanya. At walang sino man ang maaaring magdikta ng nararapat at hindi nararapat na pangarapin ng isang tao.

Dahil lahat ng tao ay may kanya-kanyang pinapangarap at inaasam. Walang ibang puwedeng gumawa nito kundi ang kanyang sarili lamang.

At ang isang taong nangangarap ay may isang pangakong pinanghahawakan. Isang pangako na pinoprotektahan. Isang pangakong minamabuting hindi mapapako. At isang pangako na bumubuo at sumusuporta sa pangarap na ating pilit na tinatamo.

Ito ay ang pangakong anumang bagyo ang dumating ay ating haharapin, gaano man katayog ang pader ay ating aakyatin, gaano man kalalim ang dagat ay ating lalanguyin, at gaano man kakitid ang tulay ay ating tatawirin. Dahil sa kabila ng mundong puno ng paghihirap, tayo ay namumuhay para...

Sa Isang Pangarap

— Pagsisikap para sa minimithing pangarap. —
Sa mundong puno ng paghihirap, tayo ay namumuhay para sa isang pangarap.


⋅•⋅⊰∙∘☽༓☾∘∙⊱⋅•⋅


“Hope you enjoy reading.”
Ricsese

Sa Isang PangarapWhere stories live. Discover now