001

2 0 0
                                    

He tried to speak but cannot seem to remember how to. His memories are vague, but he can think.

Waking up in an unfamiliar environment, suspended in the air. He was confused.

Then he glanced at his wrist.

Test subject #000

He screamed.

His scream filled the entirety of sierra madre forest.

Crows and birds, as well as other wild animals in the forest run in different directions.

A BEAST HAS AWAKENED.

A FEW MINUTES BEFORE TEST SUBJECT 000 AWAKENED

IN A NOT SO FAR PLACE FROM THE FACILITY OF D.E.U.S, THE UNKNOWN SCIENTISTS OF PHILIPPINES.

#CRISSA#

"Nakakainis si tatang, paghulihin ba naman ako ng Baboy Damo ngayong malapit na ang takip silim"

Hindi ko alam kung anong nasa isip ni tatang. Sabi ko ay gusto kong matuto ng lihim na karunungan pero sabi niya, kailangan ko raw munang makahuli ng baboy ramo na may apat na pangil.

Hindi ba dalawa lang yon!?

Ibig sabihin ay ayaw niya akong turuan dahil imposible yon.

Hayyy

Napatigil ako sa paglalakad dahil nakarinig ako ng mga kaluskos. Parang may mga aligagang hayop. Lahat sila.

Naalala ko ang sabi ni tatang.

Para maging isang ganap na tagapagmana ng lihim na karunungan. Kailangan kong alisin lahat ng nakasanayan kong katotohanan.

Ibig sabihin, kailangan kong makakita ng mga kakaibang pangyayari? Ano yun tulad ng kalabaw na nakikipagtalik sa itik?

Natawa nalang ako sa isipin.

Bata pa lang ako ay interesado na ako sa mga Paranormal. Mga hindi maipaliwanag na pangyayari. Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa Science pero alam kong hindi lahat kaya nitong ipaliwanag. Sa ngayon

Mula nung naulila ako, pinatay ang mga magulang ko. Ng di ko kilalang mga tao. Malalaki sila, hindi ko nga alam kung tao ba talaga iyon. Pero, sa likod nila naaninag ko, mga matatandang naka suot ng puting roba, parang mga scientist. Gusto nilang kunin ang mga dugo ng magulang ko pero hindi sila nakuntento at sabi nila kailangan din daw ang dugo ko. Pero hindi pumayag ang mga magulang ko at pinatay sila. Ngunit nakipaglaban sila, at nakipaglaban gamit ang sinabi ni tatay na.

lihim na karunungan

Naalala ko ang huling sandali nila ni nanay.

'Anak, hindi naman sila kayang lahat, tumakbo ka sa gubat ng Sierra Madre, Susunduin ka ni tatang tasyo'

Umiiyak ito habang isinisigaw ang mga linyang iyon. Naguguluhan din ako dahil nakikita ko ang lumiliwanag nitong mata at mga kamay, tila may enerhiyang kakaiba na inilalabas dito. Ito ba ang lihim na karunungan?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 24 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Project ZeroWhere stories live. Discover now