Blurb

55 1 1
                                    

Naniniwala ba kayo sa Magic? Kasi kung hindi ay.. EDI WOW!

Neo brooker ferrer, 28 years old. Batang success bussiness man dahil sa galing nito sa pagpapatakbo ng company na iniwan sakaniya ng kan'yang mga magulang.

Kilalang sikat na CEO si Neo dahil sa angkin nitong katalinuhan at pagiging wise pagdating sa pagpapatakbo ng kan'yang company, madami ng nagtangkang magpabagsak sakan'ya ngunit walang ni isa sakanila ang nanalo kung kaya't mas tumaas ang ranggo nito sa pinaka mayaman at batang CEO sa ibat ibang sulok ng mundo.

Hindi lamang ito matalino at mayaman dahil hinahangaan din ito dahil sa taglay na kapogian, maraming nagkakandarapang mga kababaihan sakan'ya ngunit.

Never pa itong nagkaroon ng girlfriend o niligawan dahil sa taas ng kan'yang standard sa buhay. Marami itong tinaggihan o binusted kahit pa sikat, mayaman at magandang babae sa kung saan sulok ng mundo.

Sobrang yaman nga ngunit sobrang sama ng ugali.

"Hindi kita gusto."

"Napatitig lamang ako sa 'yo dahil sa berdeng gulay na nakasingit sa ngipin mo, but i didn't say na maganda ka."

"Walang magkakagusto sa babaeng mas makapal ang make up kaysa sa hiya. "nangingilid ang kan'yang luha matapos matawa ang mga tao sa paligid.

Inayos niya ang kan'yang butones sa suot na coat at nag iwan ng ngisi bago tumalikod.

"Ang sabihin mo ay b-bakla ka kaya ayaw mo sa mga magaganda." Lakas luob na sagot ng babaeng binusted niya sa harap ng madaming tao sa luob ng kan'yang company.

Malalim na paghinga ang pinakawalan at sumeryoso ang reaction.

"If you were the only woman left in the world, I would choose to be gay. " tuluyan ng naiyak ang babae at patakbong lumabas ng  kan'yang company.

Mayaman naman ang pamilya ni Britanny na nakikipagsosyo kay Neo ngunit mariin tinanggihan ng lalaki matapos n'yang malaman na ginagamit nito ang bussiness para mapalapit sakanya.

.....

Chapter1

"Manloloko ka! Kailan mo pa 'ko ginaganto?!" pumatak ng sunod sunod ang mga luha sa mga mata ko.

"Mukha mo nga ang nakakaloko Naya! Isang buwan na 'kong hindi nagpaparamdam sa 'yo ibig sabihin ay ayoko na sa 'yo dahil ang sama ng pagmumukha mo! Twing magkasama tayo ay kinikilabutan ako dahil sa mga hinog mong tigyawat na anomang oras ay puputok na."natawa ang maputi at makinis na babaeng kasama niya at sabay sila na naglakad paalis.

Naiwan akong luhaan habang nakatitig sakanilang palayo.

Palagi nalang akong niloloko, palaging iniiwan. Bakit ba sila ganon? Akala niyo madaling maging babae na iiwan nalang basta at lokohin?

Napadaan ako sa nakahintong kotse, napatingin ako sa salamin ng bintana at napahawak sa 'king pisnge.

Buti pa mga tigyawat ko hindi ako iniiwan.

Mapaet akong napangiti, ano kayang itsura ko kapag nawala ung tagyawat ko at gumanda?

Hinimas ko ang salamin na bintana dahil hanggang pangarap na lamang ako. Makinis pa 'tong kotse keysa sa mukha ko e.

"Hoyyy!!"

Napaigtad ako sa gulat ng bumukas ang bintana ng magarang kotse.

"Nakikisalamin ka nanga lang hahawak hawakan mo pa, hindi mo ba alam na kaka carwash lang nitong kotse ko?!" singhal ng lalaking ubos na ang buhok sa bunbunan.

Nahihiya akong humingi ng paumanhin at naglakad paalis, gabi na kaya kailangan ko ng magmadaling umuwi dahil baka hanapin ako ni nanay.

Nagmamadali akong naglakad sa harap ng matandang babaeng nakaupo sa tabi, ngunit mabilis na napabalik upang abutan siya nag natitirang barya sa 'king bulsa. Nakasanayan ko na 'tong gawin ang bigyan siya ng barya kapag pauwi ako galing trabaho, matanda na ito at nanlilimos na lamang, bukod don ay wala nadin itong paningin kaya hindi niya na 'ko nakikita.

PAPI PAPI BOOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon