chapter4

21 0 0
                                    


Neo point of view

This songs brought you by, ACS manufacturing corporation, ISO certified worldclass quality.

ACS!!

Napabalikwas ako ng higa dahil sa gulat, ngunit mas ikinagulat ko ang pamilyar na kwarto at alam ko na kung nasaan ako.

Napatingin ako sa salamin ng pinto ng cabinet na basag at.

"WAHHHHHHHHHH!!"

Mabilisan akong nakaiwas ng lumipad ang tsinelas sa direksyon ko, paika ika s'yang lumapit sa 'kin upang batukan ako ngunit agad kong naiwasan.

Akala mo ah.

Ngunit hindi ko naiwasan ang paghagupit niya ng tsinelas sa 'king mukha.

Shutek ang sakit!

May gantong nanay pala na mahilig manghampas ng tsinelas at mambatok? Dapat nirereklamo ang ganitong magulang!

"Wala ka nangang trabaho nag iinarte kapa Naya! Aba at magkaroon ka ng pakinabang, tignan mo ang panty mo na pinaghubaran nagkalat sa sahig. Babae kaba talaga?" Pinulot niya 'yon at binato sa mukha ko.

Muntik ng umasim ang sikmura ko dahil sa naamoy ko. Nakakasulasok na amoy. Amoy patay na isda!

Kung ganoon ay nandito nanaman pala ako sa katawan ng mangkukulam na 'to?!

Napairap ako at handa ng maglakad paalis para umuwi sa mansyon kong bahay ngunit.

"Ayang, mag almusal kana." kalmadong tawag ng matandang lalaki na malaki ang tyan.

Ngumiti lamang ang dalawang kambal na bata sa hapag habang kumakain.

"Kumain kana o ayaw mo kumain? Kung kakain ka ay makikipag agawan kapa ng almusal sa mga aso." napalunok ako ng makita ko ang sinangag na kain at pritong isda na hinati sa gitna.

Ang kapeng barako sa mesa at ang kamatis sibuyas na may bagoong alamang.

Madalang ako kumain non dahil sa bukid ko lamang nakain ang ganon pagkain isa pa ay walang magluluto non para sa 'kin.

Maaga akong naulila at nawalan ng mga magulang, nag iisang anak lamang ako kaya wala akong kapatid.

Dahan dahan akong umupo kasabay nila.

Ngayon lang Neo, mapagtatyagaan ko na siguro ang ganito dahil hindi ako nakapag dinner kagabi.

Nilagyan ng matandang lalaki ang plato ko ng sinangag at daeng, hinanap ko ang kutsara at tinidor ngunit wala kong makita.

Inabot ng batang lalaki ang tabo na may tubig, nagdalawang isip pa 'ko kung aabutin ngunit inabot ko din.

Hindi ko alam kung paano gumamit ng kamay sa pagkain.

Ayokong lumalansa ang amoy ng hininga ko at allergy ako sa seafood including fish and bagoong alamang ngunit dahil nasa katawan ako ng imp*ktang to ay pwedi siguro.

Napapikit ako ng malasahan ko ang sarap ng sinangag at pritong daeng.

Ang sarap.

"Kayong dalawa wala paba mga magulang niyo? Wala na kaming bigas dahil dito kayo lamon ng lamon." Umiling lamang ang kambal.

So hindi pala kapatid ni p*nget ang dalawang kambal na 'to?

"Itong si Naya ay nawalan pa ng trabaho, anghirap talaga ng buhay kapag legal ang trabaho Paano kung magtinda ka nalang kaya Naya ng Sha—

Nasamid ako sa sinabi ng nanay ni Naya dahil gusto n'yang itulak ang sarili n'yang anak na magtinda ng illegal na dr*ga.

"Alam niyo bang maari akong mahuli at makulong kapag—

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PAPI PAPI BOOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon