Binalik ko yung suklay sa ibabaw ng vanity pagkatapos kong ayusin ang sarili. I was readying myself for my next appointment with my OB. Bago ko tinalikuran ang salamin ay tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin kung ayos ba ang damit ko.
I caressed my stomach while looking my whole reflection in the mirror. My belly was huge now that I was on my seventh month. Last month ay bumili ako ng bagong maternity dresses dahil hindi na kasya sa akin ang iba ko pang mga damit at paulit-ulit ko naring sinusuot.
Dalawang buwan na ako dito sa mansyon ni Art. Last month ay nakiusap ako sa kanya na kung pwede ay manatili pa ako ng isang buwan dito. Hindi naman siya nag-alinlangan na pumayag. Ang sabi ni Art ay kahit ilang buwan pa para may tao naman dito sa mansyon niya.
The guys were no longer staying here. Last week ay si Mad ang huling umalis dahil may business meeting siya sa Korea. Mad was an executive director and at the same time the president of their family's advertisement company. Yun ang business na nasimulan ng pamilya niya kaya yun ang pinagkakaabalahan niya. That's why he had to go.
Si Art naman ay hindi siya palaging nasa mansyon dahil mayroon din siyang business trip. Noong nakaraang araw ay pumunta siya sa Mexico. Kaya sa loob ng ilang araw ay ako lang at ang mga kasambahay ang nandito sa mansyon.
Malaya ko naman ginagawa ang mga bagay na gusto ko. Kada umaga nga ay naglalakad ako mula sa mansyon hanggang doon sa ibang kabahayan para lang maarawan at ma-ehersisyo ko naman ang mga paa ko. In this way, hindi ako mahirapan manganak. Nirekomenda din ito sa'kin ng doktor ko kaya araw-araw kong ginagawa ito.
Pagkatapos kong kunin ang leather tote bag ko ay lumabas na ako ng kwarto. Dahan-dahan din akong bumaba ng hagdan papunta na sa labas.
"Manong tara na po." sabi ko sa drayber na naghihintay sa akin sa labas ng mansyon.
"Yung kotse niyo lang ho ba ang gagamitin niyo miss Santina?"
"Oho. Yun nalang po." I replied and nodded slightly.
Pwede ko naman gamitin yung monster trucks nila Artori dito pero hindi ko kayang sumakay sa magagarang kotse kung hindi naman sila ang driver. Kawawa naman kami ni manong kapag sumakay kami. Hindi naman kasi kalakihang tao yung matanda at ewan ko lang kung makaya niya yun.
Kaya din yung kotse ko nalang ang ginagamit ko kada lumuluwas ako ng bayan para magamit naman. Hindi naman mahirap ang daan kaya walang problema kapag bumibyahe.
Gamit ang kotse ko ay pinagdrive ako ni manong driver papunta sa clinic at nagpacheck-up ako.
May plano na kasi akong umuwi sa apartment ko kaya gusto kong magpacheck up muna. Mamaya ay tatawagan ko yung mga kapatid ko para ipagdrive ako pauwi. Kung sino lang ang available sa kanila bukas ay siya yung pupunta sa akin sa villa para sunduin ako.
Pagkatapos ng check-up ay nagpadaan muna ako kay manong sa isang boutique para bumili ng kahit dalawang maternity dresses lang para bukas. Yung mga damit ko din na hindi ko na masusuot ay ibibigay ko na sa mga kasambahay, kung sino lang sa kanila ang pwedeng gumamit nun kasi marami naman akong mga damit sa apartment. Matatambakan lang ako ng mga nun.
Nakabili naman ako ng tatlo atsaka nang matapos ako sa pagpili ng mga damit ay binayaran ko agad at lumabas. Paglabas ko ng tindahan ay bumungad sa akin ang drayber. Pero lumagpas ang tingin ko sa tingin ko mula sa drayber.
"Ako na ho ang bahala na maghatid sa kanya, manong." Leighton said to him.
Tumango naman ang matanda at nagpaalam sa akin na ibabalik ang kotse ko sa mansyon. Wala naman akong nagawa kasi biglang sumulpot si Leighton sa kung saan man siya galing.

BINABASA MO ANG
Leighton (18+)
Romance(Billion Dollar Men Series V) Bilang panganay sa limang magkakapatid, ang unang pumasok sa isip ni Santi ay pumasok agad sa trabaho. Nang wala na silang mga magulang na magsusuporta sa kanila ay si Santi na ang tumayong breadwinner para sa pamilya n...