Chapter 1

1 0 0
                                    

CHAPTER 1

-Singer/Photographer-



"Naniniwala ka ba na may kabilang buhay?"

Napatingin kay karina ng tanungin nya yan. "Bakit? gusto mo ba maging aso next life?" Tanong ko sa kanya.



"Diana!" Binasal nya ko ng unan. "Tinatanong kita ng maayos e! Tsk!"




"Ano ba kasing klaseng tanong yan? halatang kinulang ka sa kain at ako ang iniistorbo mo" sabat ko sa kanya bago umayos ng upo.



"Wala lang..nasabi sakin ni lola na kapag namatay sya, gusto nya makasama ang lolo sa kabilang buhay, sila parin ang mag kakatuluyan sa susunod na buhay" Seryoso nyang kwento sakin, lalo akong nalito.



"Ganan ang paniniwala ng matatanda" Sabi ko sa kanya. "Madaming nag sasabing may kabilang buhay, madami din ang nag sasabi ng wala. At kung naniniwala ba ako sa kabilang buhay?--" ngumiti ako sa kanya bago sumagot "Hindi pa, pero malay mo dumating ang araw na sana humiling ako ng kabilang buhay, lalo na sa kumplikadong sitwasyon"





"Ang lalim, Diana" Umiling iling si Karina "Ganyan ba talaga ang sagot kapag sobrang talino?"



"Hindi pwedeng ganun talaga ang gusto kong sabihin?" balik ko sa kanya. "Tapos mo na essay mo?" pag iba ko sa usapan.



"Nasa Introduction palang ako!" Tingnan mo tong babaeng to, ang galing mag tanong ng kung ano ano tapos hindi pa pala tapos sa essay.
"Ang hirap kasi ng topic na nabunot ko, Halatang may sama ng loob sakin si ma'am e!"




Mahina akong natawa. "Tamad ka lang talaga" pag aasar ko kaya ngumuso sya sakin.





"Edi ikaw na matalino at masipag! hiyang hiya naman ako sayo!"sabat nya sakin." Ganyan ang ugali kapag wala pang nagugustuhan simula pag ka bata"




Ngumisi ako "Hindi ko kailangan mag hanap, kusang nadating yan-" tiningnan ko sya ng puno ng pag yayabang. "Hindi pa ngayon pero dadating ang araw na mapapa sana all ka sakin! Haha!"





"Diana!" Naiinis na sya. Binato nya ako ng unan kaya natawa ako lalo.
"Hay! Tama na nga asaran, tapusin na natin to at may gig kapa sa San benitoz"




Ay oo nga pala.. May gig ako mamayang alas otso ng gabi sa benitoz, kinuha ako ng isang kaibigan para kumanta dahil birthday daw ng pamangkin nya. Kinuha ko dahil wala naman na akong gagawin, tatapusin ko lang tong isang essay at research tapos dederetso na kami sa benitoz.





6 ng gabi natapos kami ni Karina, Sumakay kami sa bus para dumeretso sa benitoz. Doon nalang ako mag papalit ng damit, may baon naman ako sa bag kaya hindi kona kailangan umuwi ng bahay.


Nang makarating ay dumeretso kami loob,huminto ako kaya napatingin sakin si karina "Mag papalit lang ako ng damit, Susunod nalang ako"




Nag lakad ako papunta sa rest room, nag palit lang ako ng green floral dress, puting sandal, half tail din ang ginawa ko sa buhok ko bago nag lagay ng konting make up. nang matapos ay lumabas na ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 3 hours ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our last picture (Hyala series 1)Where stories live. Discover now