Shocks! Ang saya ko! Ang babaw yata ng kasiyahan ko. Hahahaha. Ang sayaaaaaa! Bumalik nako sa dati kong section. Akala ko magiging awkward para saken ang first day ko, pero hindi pala. Winelcome back nila ako. Ang sayaaa. Nung una, nagpakilala kami isa-isa. Kila-kilala play eh hahaha. Ang sabi ko nalang, "Im kiana, im glad to be back" tapos nagtawanan sila. Pagkatapos ng kila-kilala play, sineating arrangement na agad. Excited lang eh? Hahaha. Permanent seat na daw namin yon for the whole year. Ayun, nakikita ko lagi sa school yung katabi ko pero hindi ko nakakausap. Ni hindi ko nga alam ang pangalan eh. Isa siya sa napagtripan ko/namin last year ni Jes, kaibigan ko. Pinipicturan namin ang mga nadaan sa harap namin, kahit na hindi namin kilala. May flash pa nga yung camera eh. Malakas lang talaga ang trip namin. Hahaha. Ano kayang mangyayari bukas?