Chapter 1: The girl who wanted more

9 0 0
                                    

“Sabi nila, ang buhay daw ay isang serye ng maliliit at mga hindi makakalimutang sandali. Pero para sa akin, may isang spark—isang maliit na moment na kayang baguhin ang lahat.”

Si Samantha ay pasimpleng sumiksik sa pagitan ng mga estudyante habang naglalakad sa makipot na pasilyo ng Crestfall high. Same routine, every single day. Pare-parehong mga mukha, parehong klase, parehong buhay. Hinila niya pababa ang hood ng kanyang jacket, piniling ilubog ang ulo para umiwas sa ingay ng mga usapan sa paligid.

“Samantha! Hintayin mo ako!”

Narinig niya ang boses bago pa man niya nakita ang mabilis na paglapit ni Aurora, ang best friend niya mula pa noong sixth grade. Halos habol-hininga itong nakahabol sa kanya.

“Oy, pupunta ka ba sa practice mamaya?” tanong ni Aurora habang inaayos ang strap ng kanyang cheer bag. Ngingiti-ngiti lang si Samantha .

“Hindi ko pwedeng palampasin ‘yan. Alam mo namang gustong-gusto kong makita yung mga nagtutumbahan sa ere.”

Natawa si Aurora at tinapik siya sa braso. “Ano ka ba! Masaya naman kaya ‘yun. Tsaka, lagi ka namang nakaupo sa bleachers na may libro sa kamay. Di ka ba nagsasawa na lagi ka nalang nasa fantasy world?”

Nagkibit-balikat si Samantha. Mas safe kasi ang fantasy world. Sa mga libro, laging maayos ang lahat, bawat salita ay carefully chosen, at bawat ending ay predictable. Reality? I don't think so.

Habang naglalakad sila sa hallway, napatingin si Samantha sa isang figure na nakasandal sa locker sa dulo ng pasilyo.

Michael James Ortega. Kilalang bad boy ng school. Leather jacket, magulong buhok, at isang “don’t-talk-to-me” vibe na nagpapababa ng tingin sa lahat. Andaming chismis tungkol kay MJ—saan siya galing, bakit bigla siyang lumipat sa kalagitnaan ng junior year, at anong klaseng gulo ang napasukan niya bago siya napunta dito. Tipong siya yung lalaki na iniiwasan ni Samantha hangga’t maaari. She preferred guys na maayos ang buhay, hindi tulad ni MJ na halatang puno ng chaos.

Pero hindi niya mapigilang kabahan nang magtama ang mga mata nila. Sandali lang, pero sapat na para magdulot ng kuryente sa buong katawan niya.

"Samantha? Uy, Samantha!"

Hinila siya pabalik ng boses ni Aurora. Kumurap siya at pilit tinanggal sa isip ang kakaibang pakiramdam.

"Sorry," bulong ni Samantha. "Nadistract ako."

Nakangiting tumingin si Aurora sa kanya. "Kay MJ? Hala! Please, huwag mong sabihing may interest ka kay Michael James Ortega. Girl, walking disaster ‘yan."

"Def not," mabilis na sagot ni Samantha, hawak nang mas mahigpit ang strap ng kanyang backpack. "Hindi siya yung type ko."

Pero kahit sinabi niya ‘yun, may kumirot sa dibdib niya. Hindi nga ba talaga Niya type si Michael James Ortega? O baka sinasabi lang niya ‘yun sa sarili niya?

Habang naglalakad papuntang klase, pinilit ni Samantha na huwag nang isipin ang kakaibang kilig at tensyon na naramdaman niya nang magtama ang tingin nila ni MJ, yung lalaking pinagbabawalan siya ng lahat na lapitan.

Bakit parang may nagbago sa Mundo Niya?

Author's Note: Hey mga ka-Wattpad! 👋 Sana nagustuhan niyo ang unang kabanata ng Hearts Collide! Anong tingin niyo sa unang “encounter” ni Samantha at MJ? 👀 Excited na ba kayo sa susunod na mangyayari? Drop your thoughts sa comments and don’t forget to hit the ⭐ kung na-enjoy niyo!

By the way, may tanong ako: dapat bang into photography 📸 o writing ✍️ si Samantha bilang hobby niya? Let me know sa poll below!

Hearts CollideWhere stories live. Discover now