Right Person at the Wrong Time

2.4K 39 53
                                    

Marami tayong nakikilala sa mundo, And we met them in different ways, and ofcourse in different purposes.

At isa sa mga taong yun nagiging parte ng buhay pag-ibig natin.

Pero bakit ganun? Minsan hindi tayo makuntento sa mga taong nakikilala natin? Hindi tayo makapaghintay sa mga taong darating pa sa buhay natin? Kaya yung iba todo ang paghahanap, lalo na ngayon sa pamamagitan ng mga social networking sites isang click lang andyan na, nakapili ka pa! Ang kailangan mo nalang, kunin number nya at mapalapit sa taong yun.

Yung iba nga sobrang demanding kay Lord, ang dami-rami na ngang dasal at request sa buhay, hindi pa makakalimutan banggitin na sana magka boyfriend/girlfriend na sila, o yung mga taong hindi makapaghintay sa natraffic nilang love life.

Aminin natin na sa panahon ngayon, Kaunti nalang ang umaasa na darating yung taong para sa kanila o yung tinatawag na DESTINY o FATE, yung taong nakatakda talaga para mahalin mo at mamahalin ka na higit pa sa kaya mong ibigay. Naks sarap siguro nun no? Sabi nga nila the greatest feeling in this life is to love and to be loved.

Pero sa dinami-rami ng tao sa mundo, sa dinami-rami ng mga taong dumaraan sa buhay natin, pano mo ba masasabing siya na nga yung taong para sayo, yung taong nakatakda para sayo?

Kapag ba masaya ka sa piling nya? Yung kahit gano kadaming problema ang pinagdaraanan, going strong pa rin kayo? O yung nararamdaman mo talagang mahal nyo ang isa't isa?

Pano nga ba?Pano ba natin  masasabing sya na ang right person in the right time? 

Pero paano kung akala mong sya na, pero hindi pa pala? Hanggang kailan at hanggang saan mo kayang ipaglaban ang akala mong nakatadhana sayo? Paano mo tatanggapin ang katotohanan na mismong tadhana ay kontra sa pagmamahalan na akala nyo ay tama?  


Chapter 1: THE UNTOLD REASON

Umiiyak akong nakaupo sa swing na gulong na nakakabit sa isang puno. Isa itong tagong lugar na nasa tuktok ng burol at puro puno lang at damo ang paligid at may overlooking view.


"Hooooooy bata!" Pasigaw na tawag sakin ng batang babae na parang lalaki kung pumorma na nakasumbrero at may hawak na stick na nakatayo sa di kalayuan sakin.


Napatingin lang ako sakanya at patuloy na umiyak na nakayuko. At nang hindi ko sya pinansin bigla itong lumapit sakin at umupo din  sa isa pang swing na katabi ko.

"Oy batang iyakin! Anong ginagawa mo dito? Kalalaki mong tao iyakin ka." Sabi nito habang pilit akong sinisilip habang nakayukong umiiyak.

Tumingin ako sakanya at napapunas ng luha. "Bakit masama na bang umiyak?" Tanong ko.


"Eh bakit ka nga umiiyak?" Tanong nya ngunit nagpatuloy lang akong umiyak.


"Ang drama mo naman! Nag artista ka nalang sana, sumikat kapa." Sabi nito sabay tumayo sa harap ko. Hindi ako kumibo. Pero patuloy syang nagsalita.

"Alam  mo ba sabi ng tatay ko, kahit anong problemang pinagdadaanan namin, wag kong idaan sa iyak. Nakakapangit daw kasi yun. At ayoko mangyari yun. Kaya ikaw bata, wag kang umiyak, papangit ka nyan. Cute ka pa naman din oh. Parang wala ka ng mata oh. Tahan na."

Napapunas ulit ako ng luha dahil sa sinabi nya. "Hindi ba obvious na singkit ako?" Tanong ko na nagpupunas ng luha sa mangas ng damit ko.

Dahan dahan nyang tiningnan ang mga mata ko. "Oo nga no?? Teka nga bago ka lang ata dito? Pano mo nalaman tong kaharian ko? Ako lang kasi pumupunta dito eh."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Right Person at the Wrong TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon