PROLOGUE

797 19 13
                                        

Aware ba kayo sa sinasabi nila na makakatagpo tayo ng isang tao na may malalim na dahilan? It's either blessings siya sa atin o lessons pero kahit ano man ang maging reason, ang importante ay naging masaya ka at may natutunan ka.

Baka nga talaga kasi tingin ko ito ang nangyare sa akin ngayon. I meet him five years ago at akala ko siya na talaga pero hindi pa pala. Sometimes, you need to make a decision that can break your heart but it can save someone else life.

“Anong ibig sabihin nito, Koko?” his voice echoed. Surely, mamimiss ko ang lalaking 'to.

“I'm so sorry Jarren pero pagod na ako. Pahinga muna tayo, pwede?” I sighed para pigilan ang mga luha kong gustong tumulo pero I failed kasi nag-unahan na itong malaglag.

Lumapit siya sa akin at akmang hahawakan ako pero umatras ako para hindi niya ako mahawakan.

“Love, please pag-usapan natin 'to,” namumula na ang mga mata nito kaya napaiwas ako ng tingin ko sa kaniya.

Lord, I'm so sorry. You know how much I love this man in front of me at alam mo ang kaya kong gawin kaya kahit masakit ay gagawin ko. Alam mo kung gaano ko siya kamahal kaya sana hayaan mo siyang maging malaya at masaya.

“Jaja, magpapahinga lang tayo, okay? Bigyan moko ng panahon para sa sarili ko at kung tayo talaga ay aayusin natin lahat-lahat,” lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.

Narinig ko ang paghikbi niya at naramdaman ko din ang mga luhang pumapatak sa damit ko.

I'm so sorry for hurting this man at sana mapatawad niya ako. I'll fix everything at babalikan kita kaya sana sa pagbalik ko ay akin ka pa rin at hindi ka sana makuha ng iba sa akin. I'm doing this for you.

“P-pwede naman nating a-ayusin ang lahat na magkasama. Please, baby don't leave me like this,” he begged. Bakas sa boses niya ang sakit kaya nagsiunahan ulit na tumulo ang mga luha ko.

Hindi pwede.

I wish I could tell him everything pero hindi eh, alam kong hindi siya papayag.

“Mag-iingat ka palagi ha. You know how much I love you. I'll comeback once everything is fine.” bulong ko sa kaniya at kumalas sa pagkakayakap niya.

He leaned closer to me and kissed me at my forehead before planting soft kiss on my lips.

“I'm always here waiting for you, Nyckolette.” sabi niya at tumalikod na ako dala ang mga gamit ko.

The moment I stepped out from this house, alam kong hindi na ulit ako makakabalik pa.

He thought me to be strong and he didn't thought me how to be independent again because I used to dependent on him kaya sana makakaya ko, sana makaya ko.

God please save him. You know how much I love Jarren and I will always do everything for him but this time, let me choose my priorities please.

THE RED STRING THEORY ( BOOK 1)Where stories live. Discover now