C2

447 17 3
                                        

Nyckolette POV

Maagang natapos ang lessons namin hanggang sa naglunch break na. Medyo busog pa naman ako pero wala akong choice kasi si Fern gutom na naman daw.

“Tara na, Nyckolette. Ambagal mo te,” sabi niya kasi nag-aayos pa ako ng gamit ko.

“Teka nga, mauna ka kung nagmamadali ka.” sagot ko naman sa kaniya. Inaayos ko kasi yung mga gamit ko para mamaya ay ipapasa ko nalang tsaka iniiwan lang naman namin dito sa classroom di naman mawawala 'to.

Nang matapos ako ay tumingin na ako sa kaniya.

“Ikaw Jarren hindi ka sasama?” tanong ko sa lalaking nakatingin lang sa amin. Halatang walang alam kasi nga transferee.

“Well, I don't know where's the cafeteria here unless you guys will tour me around?” sagot niya naman kaya hinila nalang siya ni Fern at umalis na kami.

Habang naglalakad ay tinuturo sa kaniya ni Fern ang mga classroom at mga building since nasa 3rd floor kami. Hindi na ako nakisabat kasi kaya na naman niyan.

Nakasunod lang ako sa likuran nilang dalawa while nagcecellphone nagtext kasi yung boyfriend ko na may gagawin daw siya kaya di siya makakasama sa amin ni Fern.

Hindi siya gusto ni Fern, di ko alam kung bakit pero maayos naman sila kapag sa harap ko. Di ko alam baka gusto lang nila na hindi ako mahihirapan sa set up kaya pinili nalang nila maging okay sa harap ko.

Deretso lang ako sa paglalakad ng mabunggo ako sa likuran ni Jarren. Yawaaa.

“Aray koo.” reklamo ko dahil mas malakas siya sa akin.

“Te kaka cellphone mo yan,” si Fern na medyo natatawa.

Hinila ako ni Jarren paunahan nila.

“You walked so slow.” sabi niya kaya ang ending nasa unahan na nila ako. Itinago ko nalang ulit yung cellphone ko.

“Hindi makakasabay si Kiven sa pagkain satin,” sabi ko kay Fern.

“Aba mabuti. Naiinis na ako sa pagmumukha ng boyfriend mong yun.” reklamo niya sabay irap napatawa naman ako.

“So, you have a boyfriend?” tanong ni Jarren sakin kaya tumango naman ako.

“Eh bakit parang disappointed ka yata, Jarren?” tanong ni Fern sa kaniya pero umiling lang siya.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating sa open field. Doon kami sa puno pumwesto kasi hindi mainit at maganda ang view.

Nilabas na namin ang mga gamit at pagkain pero hindi pa kami kumain kasi hindi pa naman daw gutom mga kasama ko pero akala mo kanina gutom na kasi nagmamadali eh.

Nag-usap muna kami ng about sa klase, si Fern kasi yung pinili niyang kasama sa project is yung pinsan niya pero hindi naman sila close pero pinakikisamahan niya naman.

“Kaya hindi kita pinili kasi ako lang naman ang close mong lalaki sa room kaya kapag walang pipili sayo, si Jarren e papair sayo kasi nga bago pa lang siya,” explain niya.

“So lalaki ka nga?” sagot ko naman pero hinampas niya lang ako kaya natawa ako.

“Babae ako na nasa katawan lang ng lalaki no,” sagot niya kaya natawa kami.

“Okay naman kasama mo ah, may business na clothing. Ano pa kulang?” tanong niya.

“Wala namang reklamo. Kaya ko kasi kahit ako lang so bunos na kapag may kasama?” sagot ko naman.

“We can do our projects in my place. Don't worry, my parents won't mind but I have my condo too so you can choose where to do our projects.” singit niya sa amin.

THE RED STRING THEORY ( BOOK 1)Where stories live. Discover now