FLAMES (ONE SHOT)
ECIOUSGREYSHahhaa FLAMES nagawa mo na ito. Huwag i-deny! Dedicated sa aking kapatid na si Maria Andrea.
Story was finished in 2013
Editing (On Going)Hindi ko pa po ito na-edit so kung babasahin niyo, hindi ko maipapangakong maganda haha. Pero ayos lang siguro. Ewan.
Sana magka-time kayong basahin yung On Going story ko. It's called "A Summer To Remember"
Iyon ang unang istoryang sineryoso ko.
~'~
"Huy Deng!" Sabi ng baliw kong kaibigan na si Rachel. Actually, Cheng yung tawag ko sa kanya, tapos Deng naman tawag niya sa akin. "FLAMES ko kayo ni Kenneth ha?!"
" FLAMES?! Sus, ano ba yan Cheng para ka namang bata! Teka ano nga ba yung FLAMES?" Sorry naman di uso sa bundok ko yun eh. Pero seryoso, di ko talaga alam kung ano yun. Naririnig ko lang siya at alam kong pangbata yun.
Ngumiwi si Cheng sa akin tapos kinuha yung notebook kong purple. Favorite color ko yun eh. Blue naman yung kanya.
"Saang bundok ka ba nanggaling at hindi mo alam ung salitang FLAMES?!"
"Galit much? Malay ko ba...explain mo na lang kasi."
"Okay, so ganito kasi yan, yung 'F' friends tapos yung 'L' Lovers then yung 'A' Admirers tapos yung 'M' married tapos yung 'E' enemies tapos yung 'S' sweet. Oh ano keri ba ng brain mo?" Sabi niya habang iniisa-isa yung letters sa salitang 'FLAMES'.
"Aaahhhhhh...acronym pala ung FLAMES." Tumango tango ako "Eh ano namang konek noon sa amin ni Kenneth?" sabi ko at napafacepalm naman sya.
"WTH??!! Akala ko ba matalino ka? So kapag nilista ko dito yung pangalan niyong dalawa, i-cacancel ko lahat ng pareho. Tapos bibilangin ko yung hindi na-cancel. I-aadd ko ito tapos bibilangin yung FLAMES hanggang sa isang letter na lang yung matira. Eh di kung 'M' yung matira, ikakasal kayo. Tapos kung 'E' yung matira sorry na lang hindi kayo para sa isa't isa.." Mahaba niyang paliwanag...napa-pout ako sa huli niyang sinabi.
"Ahh ok sige..." Di ko pa rin actually ma-gets...pero ok lang yaan niyo na siya. Makiki-ride na lang ako sa kakaiba niyang trip.
Habang masyado siyang concentrated sa FLAMES na yun, naglilinis naman ako. Naka-assign kasi akong maglinis ng classroom ngayon...Leche, bakit pa kasi naimbento yang cleaners na yan? Imbis na umuwi na ako at nanonood na ng TV, eto pinaglilinis nila ako. At nang matapos na akong mag-erase ng mga guri sa whiteboard (Yes sosyal kasi school namin XD) bigla namang sumigaw si Cheng.
"KKKYYYAAAHHH!!!)!!"
"Hui, ok ka lang? Anyare?"
"Married yung lumabas kyaaaaahhhhh ikakasal sya kay Kenneth Hernandez" sabi nya habang tinutusok nya ang bewang ko... "AYIIEEE"
"Tss" sabi ko at hinablot ang notebook kong purple, sabay sulat ko ng 'Mrs. Andrea Hernandez'
Kinilig lang kami nang kinilig ni Cheng.. Tilian to the max.
Si Kenneth Hernandez ay isa sa mga campus heartthrob dito sa Clairemont High. Isang gwapo,matalino, matangkad at supladong nilalang na kinahuhumalingan ko. Matagal ko na rin siyang crush, since grade four pa. Di nga lang halata. Hindi kasi ako yung type ng babae na gustong magpapansin sa crush niya. Kung gusto mo talagang kahumalingan ka ng lalaki kailangan magpaka-demure ka. Hindi yung ikaw yung naghahabol.
"Matagal ba talagang mag FLAMES?" tanong ko kay Cheng. Medyo matagal kasi siyang nagsulat sa notebook na purple, halos mapuno na nga eh!
"Saglit lang naman, pero pinuno ko lang ung notebook mo para masigurado na 'Married' talaga yung lumalabas. Tapos yung mga sinulat mo na 'I love you Kenn' at 'Kenn love Deng' dinoodle ko pa, para mas gumanda. Tapos ginawan ko na rin kayo ng OTP name 'KennDeng' haha ang cute! May isa pa, 'KenDrea'. Tsaka para hindi naman masayang ung note book" Ang galing niyang mangatwiran...PALAKPAKAN!
BINABASA MO ANG
FLAMES (one shot)
Teen FictionFLAMES aminin mo sinubukan mo rin yan noon! Eh paano kung magbago ang buhay mo dahil sa flames? hahha basta basahin nyo na lang