15 1 0
                                    

Trigger Warning: This story contains themes and scenes that may be distressing for some readers, including sexual harassment, death, and brutal violence. Reader discretion is strongly advised.

—-------------

Pulis

Ayan agad ang pumasok sa aking isipan ng marinig ang sunod sunod na tunog ng sirena. Natawa ako ng maisip na tapos na ang lahat bago pa sila dumating. Wala na bang bago? Palagi na lang ganito. Kung kailan tapos na tsaka sila dumadating.

"Mga walang kwenta talaga." bulong ko sa sarili habang pilit na tumatayo.

Hindi man lang ako makaramdam ng takot kahit na pawang kadiliman lamang ang aking nakikita. Sa dami siguro ng mga pinagdaanan ko sa buhay kung may makita man akong multo dito ay hihilingin ko pa sa kanya na isama niya na lang ako. 

Wala na rin namang ng kwenta kung mabubuhay pa ako.

Bumalik na lamang ako sa aking pag-iisip ng maramdaman ko ang tila malagkit na dumadaloy sa aking braso. Sa sobrang dilim ng paligid ay hindi ko alam kung ano ito. Sobrang lapot, lagkit at masangsang ang amoy. Nakita ko ang isang bintana kaya dali-dali akong tumakbo doon kahit paika-ika. Nang makalapit na ay mas malinaw kong nakita kung ano ang malagkit na ito. Walang iba kundi dugo.. Dugo ng taong papatayin ko.

Imbes na matakot ay mas lalo akong napangisi. Dahil sa liwanag na nanggagaling mula sa bintana ay nakita ko sa isang sulok ang kutsilyo na ginamit ko para sasaksakin ang hayop na iyon. Kaya hindi na ako nagdalawang isip at kinuha ko itong muli.

"Vicente, nasaan ka na." malambing kong tawag sa pangalan niya.

"Lumabas ka na. Nandito na ako." tawag ko muli pero wala akong sagot na nakuha.

Mas lalong humigpit ang paghawak ko sa kutsilyo ng maalala ko ang lahat. Walang hiya siya. Sa sobrang galit ay halos maputol ko na ang hawakan ng kutsilyo dahilan para lumaslas sa kamay ko ang tulis nito. Napatingin lang ako dito at hindi na inalintana ang sakit. 

"Vicente, halika na. Huwag ka ng matakot, hindi naman kita sasaktan." maamong tawag ko dito habang nililibot ang paningin.

"Baliw! Baliw ka." sigaw nito.

Napangisi ako ng malaman kung nasaan siya nagtatago. Hindi ako nagdalawang isip at tinahak ang daan papunta sa isang aparador na nasa gilid ng mismong kwarto ko.

"Vicente, lumabas ka na diyan. Magsasaya pa tayo diba?" tanong ko dito habang pinipilit labanan ang pagbuhos ng aking luha sa labis na sakit at galit.

Muling bumalik ang lahat ng nangyari ng gabing iyon. Sobrang sakit na minsan ay hiniling ko na sana namatay na lang ako. Sana wala na lang nagligtas sa akin para kasama ko na rin ang pamilya ko.

Sa sobrang galit ay hindi na ako nakatiis. Nasa ikalawang palapag kami ng aming bahay at rinig kong malapit na ang mga pulis kaya agad kong binuksan ang aparador at doon tumambad sa aking ang mukha ng lalaking bumaboy sa aking buhay.

Takot na takot, nanginginig at nababalot sa sariling dugo ang bumungad sa akin.

"Tama na, Raven. Maawa ka." takot na takot na bulyaw nito habang sinisiksik ang sarili sa dulo ng aparador.

"Noong ako ba ang nagmamakaawa sayo pinagbigyan mo ako?" tanong ko sa kanya gamit ang basag kong boses.

Humigpit lalo ang hawak ko sa kutsilyo. Tama na, pagod na rin naman ako. Dapat ng tapusin ang matagal ng dapat tapos. Ayoko ng mabuhay sa mundong ito. Masyadong masakit, nakakapagod, nakakamatay.

Dali-dali ko siyang hinila palabas sa aparador at nang tuluyang mailabas ay agad kong tinarak sa kanyang dibdib ang kutsilyo.

"Masakit ba?" naka ngising tanong ko.

A dark oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon