Chapter 1

11 0 0
                                    

It just happened that Justin was supposed to board a route going back to Dumaguete seaside by a fisher boat after his duty as a Multimedia Reporter in Apo Island near the border of (Internationally recognised as) Republic of Philippines and Democratic of People's Republic of Philippines (locally recognised as Pintados Filipinas for Luzon and Visayas Island; Filipinas Maranao for Mindanao)

The entire Philippines is under cold war ever since World War II ended which Pintados Filipinas followed the ruling of Americans as they grow into a "capitalist" country that have freedom accessing almost everything namely internet, buying local and international brands, freedom of votes, various jobs and simply, better life than their fellow Filipinos in Filipinas Maranao since the last island of the Philippines falls under dictatorship where commoners does not have access to Pintados Filipinas products and most especially international products. Government officials are entitled to use limited usage of internet under their post but is not exempted to power outage every other night in their own home.

Based on these contrast, you can tell how anxious Justin was when he discovered that he got in the wrong boat because the coast guard of Apo Island did not precisely guide him to the exact fisher boat he supposed to board.

"Ano po?! Manong, pakibalik po ako sa Apo Island at ako na ang bahala maki-usap sa guard na mali itong sinakyan ko. Kailangan ng head department namin itong coverage ko sa isla. Manong, please balik na tayo sa Apo" pagmamakaawa ni Justin sa mangingisdang lakas loob nangangapit bahay sa teritoryo ng Pintados Filipinas sa gabi para lamang makalikom pa ng mas maraming isda na syang dadalhin papunta sa Filipinas Maranao.

Imbes na maawa kay Justin, tinitigan lamang ng lalaking may edad singkwenta anyos ang nanginginig na sa takot na binata. Marahil dahil sa dalawang dahilan, hindi siya nagbabalak mapadpad sa sagradong bansa ng Filipinas Maranao at mas lalong siya'y kinakabahan kung makakalabas pa ba siya ng buhay patawid muli sa teritoryo ng Pintados Filipinas.

"Bata, gusto mo bang mahuli ako na lumagpas sa teritoryo pagkatapos ng tatlong oras? Nagkaroon lang ako ng pagkakataon maka-daong sa Apo Island dahil may permit ang bangka na 'to para makabili ng gasolina. Ubos na ang tatlong oras ko sa paglayag, at hindi parati ang pagbibigay nila ng permit. Maswerte lang ako makatikim ng kaunting laya" Napahinto sa pagk-kwento ang matanda at tiningnan si Justin na para bang ipinagsisigawan ang kamalasan nya.

"Ayun nga lang, ang swerte ko ay kamalasan ng iba" dagdag pa nito.

Justin felt like his world is crumbling down before his eyes as he cannot imagine his life would be in a dictatorship country, he can't wrap his head around the idea of living down here until the rescuers' aid. He's illegally entering the border as someone living in North.

Walang anu-ano'y nagsimulang ibalot ni Justin sa plastic zip lock ang kanyang film camera, iphone, at wallet. Balak niyang tumalon para bumalik sa isla kung saan sya galing. Napagtanto naman ng matanda ang kaniyang plano kaya itinulak sya nito pahiga sa sahig.

"Tarantadong bata 'to! May balak ka pang isama ako sa kalokohan mo? hindi mo ba nakikita malapit na tayo sa pampang? hindi ka na makakalangoy pabalik! Nandito na ang mga bantay!"

Sumilip si Justin sa direksyon kung saan naroon ang aplaya, may tatlong sundalo malapit kung saan sila pababa. Kanya-kanya sila ng hawak na lampara.

"wala silang flashlight?" pagtataka ng binata sa kaniyang isip.

Nakita ni Justin na kumuha ng fish net ang mangingisda--akmang isusuklob sa kaniya.

"Magtago ka muna, mamaya na tayo mag usap kapag walang nakakita sayo"

Gaya ng inaasahan, kinausap ng mga sundalo ang matanda para makita ang permit at mga gamit na dala nya pabalik.

Sa bawat tunog ng paglalakad ng mga sundalo, gayon rin ang pagkabog ng dibdib ni Justin sa sobrang kaba.

Dahil sa limitadong liwanag na naibibigay ng lampara mula sa pagkakahawak ng sundalo dito habang iniinspeksyon ang mga gasolina at naka-impok na sariwang isda malapit sa kinaroroonan ni Justin. Hindi sya napansin ng unang sundalo.

Nakahinga na sana ng maluwag si Justin pero may naramdaman siyang malamig na bakal sa kaniyang batok,

"Ang laking isda naman nito, buhay pa. Sariwang-sariwa" ani ng sundalong tumutok sa kanya ng baril.

Sumigaw ang sundalo para tawagin ang mga kasamahan nya para hulihin si Justin, wala naman nagawa ang matandang mangingisda dahil pati sya ay napagtuunan na rin ng pansin.

"Isa ka sa kanila? Nagpapatakas ng tao kapalit ang pera?" Hinampas ng isa sa sundalo ang matanda sa mukha gamit ang dulo ng baril nito.

Tila nabato siya sa kinalalagyan, pinanuod ang eksena habang isinakay sa military jeep ang mangingisda.

Ang dalawang sundalo na naiwan sa bangka ay hinila si Justin palabas at dinala papunta sa isang military jeep na tila ginagamit para mag karga ng bagahe.

"Tara na, bumalik na tayo" ani ng isang sundalo sa kasamahan nya. Bumaling naman ito kay Justin na may halong pagtataka sa desisyon ng nakakataas na ranggo sa kaniya.

"Hindi ba natin itatali itong buang na to?"

Napa-ismid lang ang isa, sayang lang daw sa panahon at gusto na niyang umuwi agad dahil sa antok.

Dahil sa kapabayaan, nakatakas si Justin sa mga sundalo noong huminto ang sasakyan para umiihi sa puno--tulog naman sa passenger's seat ang dumakip kay Justin.

Agad tumakbo si Justin palayo sa sasakyan, pilit na hinahanap kung saan ang daan papunta sa dagat. Umaasa siya na mayroon pa na ibang mangingisda ang magtatangkang pumalaot papunta sa Apo.

Sabi nga ng matanda kanina, minamalas si Justin ngayong araw. Dahil hindi pa man siya nakaka-isip kung saan magsu-susuot para makapag tago, may balang tumama sa kaniyang hita dahilan para siya ay matumba.

Pigil ang sigaw ni Justin para hindi makatawag pansin ang sitwasyon nya ngayon. Paano na sya makakabalik ng maayos sa may dagat?

Maya-maya pa ay may lumapit na lalaki, nakasuot rin ito ng military uniform.

"Captain! Siya na siguro yung hinahanap natin!" Sigaw ng lalaking bumaril sa kaniya.

"Sakay mo dito sa trunk" maikling tugon ng sinasabing captain, hindi makita ni Justin ang itsura nito pero matatandaan nya ang lalaki dahil bukod tangi itong may malalim na boses.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 27, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Batas Bakal | Kentin AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon