Dalawa

1 0 0
                                    

Kinabukasan ay usap-usapan ang tungkol sa babaeng nalaglag mula sa Building C. Masama na kung masama, pero aaminin kong natuwa ako sa nangyari, hindi dahil sa namatay ang babaeng tumulak sa akin, kundi dahil wala sa akin ang atensiyon nila. Ginagawa na ng principal ang lahat para takpan ang nangyari kahapon. Siguro kasi once na malaman ng mga tao ang tungkol dito, wala na silang balak na i-enroll ang mga anak nila sa school na ito.

Nakapasok ako sa room nang walang galos o anumang bangas sa mukha ko kahit na wala si Jasper. Napangiti ako, kasi alam kong magtatagal ito ng ilang araw. Pagkalapag ng aking bag sa upuan ay napansin ko ang mga tingin ng kaklase ko sa akin. Nailang naman ako. Bakit? Bakit sila nakatingin sa akin?

Tumayo ang isa sa kanila, nakilala ko siya, si Pia. Siya yata ang leader ng grupo nila. "Bakit ka nakangiti, huh? Siguro ikaw ang may gawa no'n?"

Nagsimula siyang maglakad papalapit sa akin kaya napaatras ako. Iniisip nilang ngumiti ako dahil natuwa ako sa nangyari? Sinubukan kong magpaliwanag. "T-Teka, magpapaliwanag ako."

"Magpapalusot ka pa, eh!" Tinulak niya ako kaya tumama ako sa isa sa mga upuan. Napangiwi ako sa sakit ng likod ko. Iyon kasi ang tumama.

Wala na akong nagawa nang palibutan nila ako. Wala akong takas. Wala si Jasper para ipagtanggol ako. Gusto kong lumaban, pero paano? Hindi ko sila kaya.

"Keith, nagbaon ka ng mainit na kape, hindi ba? Akin na."

Nag-alinlangan ang kaklase ko na si Keith. Ako naman ay natigilan. Anong gagawin niya sa kape? Iinom siya sa harapan ko?

Pinandilatan siya ni Pia kaya wala siyang nagawa kundi ang iabot sa kanya ang tumbler niya na may lamang kape. Batid kong mainit iyon, dahil nakikita ko pa ang usok na lumalabas mula sa kape.

"A-anong gagawin mo?" Nanginginig na ang katawan ko sa takot.

Nginisian niya ako. "Hulaan mo." Napatitig ako sa tumbler na hawak niya. Hindi niya siguro ibubuhos sa akin ang laman no'n, hindi ba?

Umiling-iling ako. "Wala akong kinalaman sa nangyari! Pakiusap, maniwala ka sa akin!"

Akmang ibubuhos na niya sa akin ang kape nang dumating ang teacher namin. "Anong kaguluhan 'to?"

Mabilis na tinakpan at itinago niya ang tumbler. Nang iwan nila ako, tumayo ako at inayos ang sarili. Napayuko ako dahil naramdaman ko ang mga tingin nila sa akin.

Ayokong makasalubong ang mga mata nila.

Ayokong may makita na naman.

Nang umupo ako, nagsimula na rin ang guro na magturo. Kahit na nagsasalita si Sir Macaraeg ay wala pa ring pumapasok sa isip ko kundi ang nakita ko kahapon. Ang ending, napatayo ako ni Sir Macaraeg dahil hindi ako nakasagot sa recitation.

Hindi naman ako nakaramdam ng hiya at panliliit dahil lahat ng nagtatangkang tawanan ako ay pinapasagot din ni Sir Macaraeg. Kaya natapos ang klase nang lahat kami ay nakatayo.

Break time na kaya nagsilabasan na ang mga kaklase ko, and as usual, nagpahuli na naman ako.

Pagdating ko sa canteen ay pumila ako para bumili ng pagkain. Tagtipid ako ngayon kaya sa halip na kanin at ulam ang bilhin ko, hotdog sandwich lang ang pinili ko.

Matapos ibigay sa akin ang binili ko ay naghanap ako ng mapepwestuhan. Wala. No choice ako kundi ang lumabas. Doon na lang siguro ako sa mini park.

Isa sa mga bench ang inupuan ko. Maganda ang sikat ng araw at masarap ang simoy ng hangin kaya na-enjoy ko ang break time kahit na hotdog sandwich lang ang kinain ko.

Papaalis na ako nang may tumawag sa akin. Isang babaeng may pamilyar na mukha ang tumawag sa akin. Nakangiti siya at nakapamulsa habang naglalakad papalapit sa akin. Bumaba ang tingin ko at napansin ang ID lace niya. Galing siya sa Newspaper Club.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Eye of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon