1-Break Even

4 2 0
                                    

JK~

Nakatayo ako sa gitna ng luntiang hardin, damang-dama ko ang sariwang hangin at hamog sa umagang ito. Sabado ngayon, ibig sabihin ay magkikita kami ni Anika–ang fiancé ko. Ang babaeng tinakdang ipakasal sa'kin at ang matagal ko ng gusto. Dinig ko ang mabanayad na ugong ng mga bubuyog at ang umaawit na mga ibon sa puno. Malambot na dumadaan ang sikat ng araw sa mga sanga ng puno na nag-iiwan ng gintong liwanag sa makukulay na mga bulalak sa aking harapan.

Mayamaya'y napatanghod ako sa harap ng queen roses–ang tawag ni Mom sa rare variety ng rosas. Tila kumikinang na mga diamante ang pulang-pula nitong talulot.

Yumukod ako, inamoy ang mahalimuyak na bulalak na nanuot sa ilong ko at nagbigay ng kaginhawaan sa'kin. A small smile cruved my lips as I straightened  and the memories of Anika's delighted expression flashing in my mind. Gustong-gusto niya ang rosas na 'to. Ingat na ingat akong pumili. I chose the finest roses, its stem sturdy, and its bloom flawless.

Hinipo kong napakabanayad ang malalambot na talulot habang pinipitas ito, hinawakan ko ng buong pag-iingat ito gaya ng pagmamahal ko kay Anika. Sumibol ang excitement sa puso ko habang iniisip ang pagdating niya mamayang gabi. Mapupuno ulit ng aming tawanan ang dining room.

"Sir Joshua,"the butler interrupted.  Dagli ko siyang nilingon sabay taas ng isang kilay.

Joshua ang tawag ng mga tao sa bahay at JK naman sa labas. JK stands for Joshua Kyle. Ang lola ko mismo ang nagpangalan sa akin at wala akong ideya kung ba't ito pinangalan sa akin.

"Pasensiya po sa pang-iistorbo,Sir. Pero meron po kayong mahalagang panauhin. Pinapatawag kayo ni Ma'am sa loob. Emergency daw ho,"paliwanag niya.

Tanging sampung rosas ang napitas ko. Balak ko sanang damihan pero wala nang oras. Bumuga ako ng hangin at tumango. Binigay ko sa kanya ang gunting saka duretso sa loob na dala ang rosas.

Nalalag-lag pa ang ilang talulot habang naglalakad ako. Ilang sandali, narinig ko ang nawawalang boses ng dalawang taong nag-uusap.  Sinabik ako ng marinig ang boses ni Anika. Her voice was soft and sweet, like the gentle chime of silver bells in the wind. I like hearing it, at hindi ako magsasawa. Nalaman kong niyayakap ko pala ang rosas.

"Joshua,"anas ni Mom nang magsalubong kami ng tingin. Agad silang tumayo ni Anika.

Pinapatag ni Anika ang gusot sa suot nitong bestidang rosas na sumakto sa balingkinitan niyang katawan. Kumabog ang puso ko sa ganda niyang taglay. Nakalugay ang hanggang bewang, tuwid at itim na buhok. May nilagay siyang dalawang hair sa gilid ng tainga. Namumula ang pisngi niya't mga labi. Kumikinang ang singkit niyang mga mata na may mahahabang pilik-mata. Pero panagkaitan siya ng ngiti, iyon sana ang lalong magpapaalindog sa kanya.

"Annika? Napaaga ka ata ngayon. Akala ko mamayang gabi pa kayo. Nasa sina tito?" Luminga-linga ako na may malapad na ngiti sa labi. Nagtaka sa di pagsama ng mga magulang niya.

"Ah, eh..." tanging nasagot niya bago yumuko.

"Maiwan ko muna kayo. Kailangan niyong pag-usapan ito ng pasinsinan,"pakli ni Mom. Tinapik niya muna ako sa balikat at binigyan ng assuring look. Hindi ko mapigilan ang kakaibang pagtahip ng dibdib ko.

"Para sa'yo, mahal ko." Inabot ko sa kanya ang tankay ng rosas pero di niya tinanggap.

Bigo kong binagsak ang mga kamay. Dumami rin ang talulot na nahuhulog sa sahig.

"JK, I have something to tell you. I hope you won't be upset after this,"aniya. Nahihimigan ko sa boses niya ang paghihirap.

Bumilis ang pagbayo ng puso ko sa loob ng dibdib ko. "Is it the reason why you won't accept my flowers."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Jk and His EuphoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon