Gucci point of view

Kinatok ko ulit ko ang pinto kung basaan si Alistair. I am expecting him to curse me again, pero tahimik ang loob at walang sumagot sa mga katok ko.

"Arcadio!"

Walang sumagot.

Nacurious ako kaya pinihit ko ang seradura ng pinto ng banyo. Hindi ito nakalock mula sa loob kaya nagbukas ito.

Sinuri ko agad ang loob at nagtaka ako ng hindi makita si Alistair sa loob. 

"Alistair?" Pagtawag ko sa kanya pero walang sumagot.

Napapadyak ako sa inis bago humakbang papasok ng banyo. Hindi ito typical na banyo ng mga kalalakihan. Madalas kasi na ang mga wiwian ng mga lalake ay hindi flashed toilet kundi yung nakasabit sa wall at ang mga pagitan lang ay maliit na pader na tanging kayang takpan lang ay ang ari ng mga kalalakihan.

"Alistair–"

Nakarinig ako ng gamit na nalaglag dahilan para magpalinga ako sa kabuoan ng banyo. Nakita ko ang isang salamin at ang tabi nitong basurahan. Walang sinyales na gamit na nalaglag sa sahig at hindi ko rin alam kung saan galing iyon  kaya nakaramdam ako ng kaba. Kaba hindi para kay Alistair na baka may nangyare sa kanya dahil hindi ko naman alam kung saan ito. Kaba na baka multo ang may gawa nun dahil walang tao dito.

Napatingin ako sa flashed toilet na nakasara. Lumapit ako doon at binuksan ito at baka nandoon na si Alistair at kinain na ng toilet na ito, pero wala akong nakita doon na Alistair.

Isinara kong muli ito at naglakad na palabas. I saw nothing but an empty hallway. Humugot ako ng hininga bago naglakad hawak parin ang mabigat at mahabang saya ng aking wedding dress.

Hirap na hirap akong maglakad dahil idagdag pang suot ko parin ang high heel na katerno ng wedding dress ko.

Napapadyak ako sa inis dahil nananakit ang talampakan ko. Nang malapit na ako sa palikong daan ay nagulantang ako ng may biglang lumabas na nilalang mula sa kabilang pader na paliko.

"Cloth teeth!" Buong lakas niyang sabi dahilan para mapatili ako sa gulat at takot.

Napaatras ako at tinignan ang gumawa sakin non, only to find out that it was Alistair with a grimm evil smile.

Umakyat lahat ng dugo ko sa ulo sa inis dahil sa nakikita kong lalaki sa harap ko. My teeth gritted in disbelief and angerness.

Napahawak ako sa didbib ko kung saan ang bilis ng tibok mg puso ko sa takot at gulat.

"Alam mo bang muntik akong atakihin sa ginawa mo?" Pakiramdam ko naglabas ng usok ang ilong ko dahil sa lakas ng pagkakasabi ko non.

"Bawi-bawiaan lang." Nakatawa niyang sabi at nakakaasar ang maloko niyang ngiti.

Nakalabas ang kanyang ngiti at ang sarap bawasan ang mga iyon.

"Humanda ka ulit sa akin mamaya! Babawian kita! Hahalikan kita kapag natulog ka!" Walang preno kong sabi na ikinawala ng kanyang malokong ngiti at napalitan ng pagkatakot.

Namutla bigla siya at napahawak sa kanyang bibig ng umambang masusuka siya kaya pinigilan niya ito sa pamamagitan ng paghawak sa bibig.

"Y-you can't d-do that!"

I smiled evilly. "Yes I can!"

"YOU GROSS LITTLE WOMAN!" lakas loob niyang sigaw at pinandilatan ako pero hindi ako natinag.

"Alam mo, kung ako sayo...hindi na lang ako matutulog. Babantayan ko yung sarili ko mula sa babaeng may sira ang ngipin na susubukan manghalik!" Payo ko at nakangiti.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 9 hours ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I got married to a superstar Where stories live. Discover now