Chapter 1

4 0 0
                                    

UMAHON si Jarren mula sa swimming pool at tinuyo ang katawan at buhok sa malaking tuwalya. Mayamaya ay may lumapit sa kanyang katulong dala ang wireless phone.

"Telephone call po, Sir." Umalis na rin ito nang maiabot sa kanya ang telepono. "Hello," bati niya habang patuloy sa pagpupunas ng katawan.

"Jarren?"

Kumunot ang kanyang noo. "Yes?" Boses-babae ang nasa kabilang linya. Nagulat siya nang bigla na lang itong umiyak.

"You, liar! Ilang beses mo na akong pinaghihintay sa bahay, hindi ka naman sumisipot!" sabi pa nito sa pagitan ng mga hikbi.

Naguguluhan man siya ngunit may nabubuo na ring hinala sa isip niya.

"Wait, Miss. May I know who's on the line?"

"You jerk! Pati pala pangalan ko kinalimutan mo na. No wonder na hindi mo na nga ako naaalala. Puro ka na lang pangako!"

"I'm sorry but I have to know who I'm talking to."

"This is Riz," sagot nito.

"Riz?"

"You go to hell!"

Halos mabingi siya nang pagbagsakan siya nito ng telepono.

Isinampay niya ang tuwalya sa balikat at nakakunot ang noo na nagdayal sa telepono. "Jassen?" aniya nang may sumagot sa kabilang

linya.

"What a pleasant surprise! What's up, big brother?"

"Ano na namang kalokohan ang pinaggagawa mo at pati pangalan ko, idinadawit mo sa pambababae mo?" sita niya sa kakambal. Mas matanda siya rito nang ilang segundo kaya madalas siyang tawagin nitong "big brother."

"Bakit, ano'ng problema?"

"May tumawag na babae rito. 'Riz' raw ang pangalan. Iyak nang iyak dahil hindi mo na raw siya sinisipot."

"Are you talking about Riz Vega?"

"Bakit, ilang Riz ba meron sa buhay mo?"

"Just two, I think." Tumawa pa ito pagkatapos.

"Jassen, hindi ako tumawag para makipaglokohan sa iyo."

"But I'm just being honest." Tumawa na naman ito.

"Kung kanino man sa mga Riz na 'yon meron kang atraso, ayusin mo na at pati ako nadadamay sa mga kalokohan mo."

"I'm just putting color in your life, Jarren, in case you haven't noticed." "Kung ang ibig mong sabihin ng color ay gamitin

mo ang pangalan ko sa panloloko mo sa mga babae, kalimutan mo na lang. Hindi ko 'yon kailangan."

Tumawa na naman ito sa kabilang linya. "Jarren, kahit ano pa ang gawin mong pagpapayaman, hindi mo maaaring pakasalan ang pera mo. Dapat ay naghahanap ka na ng babaeng magpapasaya sa iyo."

"Gagawin ko ang sinasabi mo pero sundin mo rin ang iniuutos ko sa iyong tigilan mo na ang pagdadawit ng pangalan ko sa pambababae mo, okay?" Hindi na niya hinintay ang sagot nito at pinindot na ang buton sa telepono. Humugot siya ng malalim na hininga habang iniisip ang kakambal.

Sa tindig at hitsura ng mukha ay halos wala silang pagkakaiba. Ngunit hanggang doon lang ang pagkakapareho nila. Sa pag-uugali, hilig, at mga pananaw sa buhay ay ibang-iba silang magkapatid. Sa kabila ng mga iyon ay silang dalawa pa rin ang matalik na magkaibigan.

Bumuntong-hininga siya. Marahil ay dapat na nga siyang maghanap ng babaeng para sa kanya dahil napag-iiwanan na siya ng panahon. Hindi naman sa ayaw pa niyang manligaw, sadyang wala pa siyang nagugustuhan. He could pick any woman if he wanted to. Hindi naman kaila sa kanya ang mga kababaihang nais makuha ang kanyang atensiyon.

Pumasok na siya sa bahay at dumiretso sa kanyang kuwarto. Nagtungo siya sa banyo para mag-shower, kapagkuwan ay nagbihis na. May business meeting pa siya nang araw na iyon.

Bukod sa kanilang family business ay mayroon din siyang ipinundar na sariling negosyo. Marahil isa rin sa mga dahilan ang pagiging abala niya kaya wala siyang panahon para sa personal niyang buhay. Simula nang mamatay ang kanyang papa, sa kanya na naatang ang pamamalakad sa kanilang negosyo. Si Jassen naman ay isang architect at sadyang walang hilig sa pagnenegosyo. Ang mama naman nila ay piniling sa ibang bansa mamalagi. Si Jassen ang madalas na dumadalaw rito lalo na kapag hindi ito gaanong busy sa trabaho.

May sariling bahay si Jassen kaya hindi rin sila madalas magkita. Pero kapag may pagkakataon ay dinadalaw niya ito, o ito ang dumadalaw sa kanya. Kahit madalas ay nayayamot siya sa mga ginagawa nito, hindi rin niya maiwasan ang matawa sa mga kalokohan nito. Hindi niya alam kung kanino ito nagmana dahil hindi naman babaero ang kanilang ama. Hindi pa siya tapos magbihis nang tumunog ang telepono roon. Agad na sinagot niya iyon. "Hello?"

"Good morning, Sir."

"O, Wen, ano'ng problema?" tanong niya nang mabosesan ang sekretarya.

"Itatanong ko lang po kung puwede na nating i- release ang check kay Mr. Lee? Iyong supplier natin ng mga car accessories? Sabi ninyo, tawagan muna kayo kung wala kayo rito sa opisina kapag maniningil si Mr. Lee."

"Oh, sure. But please tell him to wait for me for a few minutes. I'm on my way to the office. May importante lang akong sasabihin sa kanya."

"Yes, Sir. Sasabihin ko na lang po sa kanya."

"Okay."

Nang maibaba ang telepono ay tinapos na niya ang pagbibihis....

Confusing LoveWhere stories live. Discover now