Nyckolette POV
“Patawarin mo ako please,” pagmamakaawa sa akin ni Kiven pero umiling ako.
“I told you from the very start na kapag niloko ako ay hindi ko mapapatawad. Noong tinanong kita kung sino siya, sinabi mong wala lang siya sayo. I believed you pero sana pala naniwala ako sa instinct ko at kaibigan ko.” matapang kong sabi.
Wala na akong luhang maiiyak. I'm so done with this situation anymore.
Lahat ng duda ko tumatama tapos mga decision ko ay mali. I shouldn't ignore the sign!
“Hinalikan niya ako pero pumalag naman ako. Hindi ko yun ginusto, hindi ko iyon gusto.” a lie.
“Nakita kitang nag-eenjoy.” sabi ko naman. “Tama na ang kasinungalingan, Kiven. I'm so done with this relationship. Gusto mo man o hindi, tama na. Ayuko na.” sabi ko at umalis.
Tinawag niya ako pero hindi na ako lumingon. Tama si Fern, hindi talaga nagbago ang gagong yun.
Akala ko nabago ko na siya. Akala ko nagbago siya dahil sa akin pero wala talaga, once a cheater is always a cheater.
Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng maayos dahil lutang ako pero wala akong panahon magluksa dahil madami kaming gagawin at ipapasang projects.
* * *
Nagising ako ng maaga dahil ayuko ulit ma late. Nagluto muna ako ng aming kakainin sa break time dahil yun ang nakasanayan namin. Nagluto ako ng lumpia at nagtimpla ng pineapple juice ulit dahil yun ang favorite namin.
Nakapagluto na rin si Mama kaya kumain na ako. I was so lucky for having them as my parents. I was just their adopted daughter pero kahit kailan ay hindi nila ipinaramdam na ampon lang ako. Mahirap man kami pero puno ako sa pagmamahal. May kapatid akong lalaki na tunay nila na anak pero mahal ako at magalang ito sa akin.
Pagkatapos kong makapag-ayos ay umalis na ako. Maaga pa naman kaya kaunti pa lang ang mga estudyante.
Hinintay ko nalang makarating si Fern dahil wala naman akong gagawin. Ginawa ko na lahat kagabe kahit di ko alam kung paano ko natapos basta pinilit kong tapusin.
Pagdating ni Fern ay kinuwento ko sa kaniya lahat ng nangyare kahapon pero natuwa pa si bakla sa sinabi ko.
“Mabuti naman at iniwan mo yung gagong yun. Ayaw mo kasi maniwala sa akin kaya ayan, masakit ba?” tanong niya sa akin habang natatawa.
“Almost one year naman kasi pero cheaters doesn't deserve my loyalty. I wouldn't waste my time para lang sa taong di marunong makuntento.” paliwanag ko naman sa kaniya.
“That's my girl.” sabay palakpak niya sakin.
Maya-maya pa ay dumating na ang aming Prof.
“I need your sketches on Friday so sa mga pairs ay kailangan niyo nang mag-umpisang gumawa.” si Prof Jeminez. “Bale may meeting kami sa faculty ngayon so take your time with your partner para umpisahan yung projects nyo.” dagdag pa nito bago umalis.
Nagsialisan naman sa upuan ang mga kaklase ko at pumunta sa mga partner nila kaya hindi na ako nagulat ng umupo si Jarren sa katabi kong upuan.
“I know you are broken hearted right now but we have to do our designs.” sabi niya kaya tumango naman ako.
“Hindi ako broken no, I'm okay na kaya.” sagot ko naman sa kaniya. “At ayuko pag-usapan kasi badtrip yun.” natatawa kong dagdag.
Nag-umpisa na kaming magplan about sa designs as well as sa colors ng damit. It's gown kaya medyo mahirap yung mga details ng damit.

YOU ARE READING
THE RED STRING THEORY ( BOOK 1)
RomanceIf you have to choose between love and career, what would you choose and why? Sobrang lawak ng mundo pero naniniwala ako na kapag para sayo, mawala man ito ay babalik at babalik pa ito sayo. I was once believed that when it is for you, hindi iyon ma...