KUMAKALAM na ang sikmura ko at nagsisimula ng bumigat ang mga talukap ng mata ko kahit na nasa third period pa lang kami ng klase bago ang mag recess.
Sobrang boring talaga ng klase lalo at puro history ng mga taong hindi naman namin nakilala o naabutan ang topic sa 21st century literature, gustuhin ko mang idukduk ang ulo ko sa lamesa at tahimik na matulog ay hindi pwede at nasa pangalawang row ako nakaupo sa harapan.
kasalanan to ng president namin e, hindi naman kase required ang setting arrangement sa amin pero dahil sa nahihirapan na ang mga class officers namin na patahimikin ang klase sa tuwing maingay ay na pag desisyonan na nilang ayusin ang bawat pwesto namin.
"so, einstein since wala ako bukas i will give you a task about the four literatures that has been discussed,"
Istriktang pinasadahan ng tingin ni ma'am Garcia ang boung klase at huminto saglit sa pagbibigay ng instruction sa iaatas nyang task para lamang makita kung may aangal ba sa amin. Dahil na rin ata sa takot ng mga kaklase ko sa guro ay walang ni isa sa amin ang nagtangkang magsalita o huminga man lang.
Si ma'am Garcia ay isa sa mga pinakamatanda at matagal na ring guro dito sa holy face of jesus lyceum of San Jose, inc. mabibilang ko lang ata sa aking mga daliri ang mga sandaling nakita kong nakangiti o tumatawa ang guro dahil kadalasan ay palaging seryoso o di kaya ay galit ito tuwing kaming mga estudyante ang kaharap.
Sa huli, bago nya kami pakawalan para sa break time, ay sinabi nyang individual ang gagawing task na infographic, at kahit wala sya bukas ay kailangan paring magpasa, kung hindi ay bibigyan nya kami ng deduction.
Bahagya pa akong napakamot sa ulo ko dahil edit ang gagawin don, ibigsabihin ipapaprint!
Limang peso na nga lang ang laging natitira sa baon ko, at mukhang hindi ko man lang iyon mabibili kahit palamig man lang dahil iyon na lang ang gagastusin ko para sa pagpapaprint.
"Celeste! sa baba tayo."
Hindi ko pa natatapos ligpitin ang notebook at pencil case ko ay naguumpukan na sa may pintuan ang mga kaibigan at handa nang lumabas.
"saglit baka mawala e." Natatawang wika ko kay jessel na lumapit pa talaga sa pwesto ko kahit kasama na nya ang iba pa.
Naging mabilis ang pagliligpit ko sa mga ballpen at highlighter na ginamit ko kanina para naman hindi na sila maghintay pa at baka sisihin ako kung bakit hindi sila makakapagrecess dahil sa kabagalan ko.
Nang matapos ay saglit kong inayos ang buhok mula sa pagkakaipit, bago tuluyang sumama sa mga kaibigan.
Plano nilang bumababa sa first floor kung saan may convenience store doon. Habang nasa hagdan pababa, ay naging kapansin pansin ang grupo namin dahil sa ingay at gulo ng mga kasama dahil sa kung ano anong kaharutan ang ginagawa.
"puncha, timbakan na naman tayo ng performance task. grabe. hahahaha" wika ni henzel, ang nagiisang lalaki sa aming anim. halata ang pikon sa boses kahit naman tumatawa ito.
"para namang hindi ka pa na sanay te, kahit last year naman nung grade eleven ganon pa din." sabi ni jessel.
"Hay!" Ani ni Janet. "Kamiss maging kinder amp."
"balik ka."
"Ikaw ibalik ko sa sinapupunan ng nanay mo e! ang bantot mo!" pikon na ganti nito kay henzel na may kasama pang pagsampal sa likod nito na agad ininda ng isa para mas humaba pa ang bangayan nila.
" Ano nga ulit group natin sa physics cel?" tanong ni Anna habang ang paningin ay nasa cellphone pa at nagtitipa.
"group eight pa tayo baks, mahaba haba pa oras natin para mag prep"