PROLOGUE

1 0 0
                                    

†††

Have you ever seen a vampire?

As for me... yes.

And he is in front of me now.

Napakislot ako sa pagkakaupo sa park ng bigla siyang lumingon sa pwesto ko.

Kanina pa kami nandito, sabi niya hahayaan niya lang muna akong magmuni-muni bago niya ako patayin.

Bakit niya ako papatayin? Anong dahilan?

“Why are you so quiet?” nakakunot niyang tanong na ipinagtaka ko.

The hell he was talking about?

“Ano bang pakialam mo, bampira? Kung papatayin mo ako, patayin mo na ako ngayon na.” sabi ko rito habang nakatitig ako sa kaniyang namumulang mga mata.

Bigla akong natigilan ng bigla kong naramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko habang nakatitig sa kaniyang mga mata.

Why I'm feeling like this? Is it because of my fear to them? Knowing that they are real and I am here... as his prey?

Hindi ko pa rin makalimutan ang nakakatakot na sigaw ng mga tao dahil sa nasaksihan naming lahat kanina. Hanggang sa bigla na lang akong tinangay ng lalaking ito... at saka niya ipinakita sa akin kung sino at ano ba talaga ang totoo niyang pagkatao.

Muntik na akong mapatili ng sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya. Nakatukod ang dalawa niyang kamay sa gilid ko. Mas lalong dumoble ang tibok ng puso ko dahil akala ko ay katapusan ko na.

“Ano bang ginagawa mo!” inis kong sigaw sa harapan niya. “Papatayin mo ba ako?!”

“Is that what you want, right?”

Natigilan ako. Napatingala ako at napatitig sa kaniya. Gwapo siya pero ayoko ang ngising umukit sa labi niya.

At mas lalong ayoko sa mga gaya niya.

Pilit kong pinakalma ang sarili ko, kung papatayin man niya ako ngayon... gusto ko ng hindi ko mararamdaman. Masyado na akong maraming dinadalang masakit ngayon, sana sa gagawin niya hindi masakit.

Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at saka nagsalita. “Do it painless. Painless as possible.”

“Why? Ayaw mo ba maramdaman ang pagdaloy ng dugo mo palabas sa balat mo?” makahulugan niyang tanong.

I felt his index finger touch my neck down to my jawline... and he effortlessly hold my chin to looked at him.

His eyes... it's so red... and incredibly beautiful.

“Ayoko.”

“Nu uh...” he licked his lips and I shiver when I saw his fangs... “Don't order me on how to kill you, human. You want me to end your life right? Then... let me savor it until the very last drop.”

Matapos nang mga sinabi niya ay mabilis siyang lumayo sa akin at naglakad palayo nang hindi ako nililingon.

Tinignan ko ang dahan-dahang pagkawala niya sa dilim. Kagat-kagat ang labi ko ay tuluyan kong hinayaan ang sarili kong humugot ng napakaraming hangin dahil pakiramdam ko ay nanunuyot ang baga ko.

I don't want him to smell my fear... fear for every vampires like him.

And I'm sure he will going to comeback, he will going to comeback to end my miserable life.

†††

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Midnight FangsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon