- 2

0 0 0
                                    

Pabalik na kami sa classroom, and I thought that was it for the day, walang drama, walang ka-weirduhan. Pero bigla nalang si Drea lumapit sa akin.

‘Rene, kilala mo ba si Alex? Sabi ni Sam siya daw ‘yung kumuha ng picture namin kahapon. Hinahanap ko sa Facebook pero wala akong makita. Tapos sabi ni Sam, kilala mo daw?’ tanong niya.

Nagulat ako. Alex? Tangina, wala na akong balita dun. Our last conversation? Parang two years ago pa ata, and even then, parang naputol na lang. ‘Ah, sige. I’ll try to message him… pero to be honest, hindi na rin kami close ni Alex ngayon,’ sagot ko, medyo nag-aalangan.

Habang nasa klase, hindi ko mapigilan isipin yung idea na kausapin si Alex. Parang sobrang tagal na talaga, and to message him out of nowhere for a picture? Weird kaya. Pero tuloy-tuloy ang oras, at bago ko pa mapansin, lunch time na pala. Habang papunta kami sa usual spot namin ng mga friends ko, naisip kong ikwento ‘yung sinabi ni Drea kanina.

‘Paano ko ba ‘to mame-message, guys?’ tanong ko sa kanila, habang inaalala ang huling beses na nag-chat kami ni Alex. ‘Parang ang awkward naman, lalo na’t balita ko pa dati na crush daw ako nung mokong na ‘yun. Baka isipin pa niya na may kailangan ako eh.’

‘Ano ba, Rene,’ sabi ni Aiah habang nakangisi at tila nai-excite sa kwento. ‘Is it really that important? Kung di mo talaga kaya, wag mong pilitin sarili mo. It’s just a picture.’

‘Hindi naman ganun ka-big deal, pero baka lang magulat siya,’ sagot ko, rolling my eyes at the thought. ‘Feeling ko kasi baka isipin niya may hidden agenda ako o kung ano pa man. Pero sige na nga, magme-message na lang ako, para lang matapos na.’

‘Sabagay,’ dagdag ni Zasha, sabay tapik sa balikat ko, ‘tsaka andito naman kami para tulungan ka, ha. Kung di mo alam anong icha-chat mo, kami na bahala.’

Napailing na lang ako, medyo natawa sa isip na pinoproblema namin ang isang simpleng message. ‘Tangina, parang ang bigat ng issue na ‘to, eh simpleng picture lang naman’

‘Sige lang, Rene,’ sabi ni Aiah, sabay angas na kindat. ‘Malay mo, gusto ka pa rin nung Alex na ‘yan. Baka he’s just waiting for a reason to talk to you again, diba?’

Natawa kaming lahat, pero deep down, may konting kaba na rin ako. Matagal na rin kasi simula nung huling usap namin ni Alex, and things just ended weirdly. Friend ba talaga kami, o acquaintance lang na medyo awkward?

Pagtapos ng classes, pa-uwi na kami at nasa labas kami ng classroom, nagkukulitan at nagpapaalaman na with the rest of our friends. Pero tangina, eto na nga, si Alex biglang pumasok sa classroom namin, like some ghost that decided to haunt my day. Nag-freeze ako for a split second, wondering kung totoo ba ‘tong nangyayari.

‘Gago!’ sabi ni Isha, tumawa habang tumingin sa akin nang may alam na ngisi. ‘Feel ko may gusto talaga si Lord na magsama kayong dalawa, Rene.’

‘Nako, ha??’ sagot ko, umiiling at tawang-tawa, kahit ang bilis ng tibok ng puso ko. ‘Di ba pwedeng coincidence lang? Ang oa mo talaga Isha.’

Tawanan sila, pero si Rhea nagpatuloy din sa pang-aasar. ‘Pero, Rene, seryoso. Malay mo, baka may plano si Lord para sa inyo ni Alex. Joke!’ sabay tawa pa niya at kindat, pero kita ko na may hint of curiosity din siya.

Napaisip tuloy ako. Destiny? never akong naniwala sa mga ganon, pero bakit siya nandito ngayon? Ba’t ang lakas ng dating niya kahit simpleng paglabas lang ng pinto? Parang gago, kabago-bago lang niyang pumasok sa utak ko, pero ayaw na niyang umalis. And suddenly, everyone’s teasing felt like more than just jokes.

I shook my head to snap myself out of it, forcing myself to change the topic. Ayoko magpakita ng kahit anong sign na baka may "something" pa ako kay Alex, kahit sobrang weird ng timing ng lahat. Pero bago ako mag-focus sa kwentuhan ng friends ko, I glanced at him. Mabilis lang, pero alam ko nakita niya. Sana naman hindi niya napansin na... ewan, parang may awkwardness pa rin.

Pagkatapos ng kulitan, umalis na rin ako, pauwi na. Pero hanggang sa naglalakad ako pauwi, si Alex pa rin ang nasa isip ko. Tangina, isang simpleng message lang ‘to, pero bakit parang ang hirap?

Nakatingin lang ako sa daan, pero halos wala akong matandaan sa dinaanan ko. Kung ano-ano na ang pumapasok sa utak ko, tipong anong sasabihin ko, paano ko sisimulan, at ano ba talaga ang gusto ko ma achieve sa pag message na ‘to. Gusto ko lang talaga maayos na hindi awkward, pero parang imposibleng mangyari.

Finally, nakauwi rin ako, pero si Alex pa rin nasa isip ko hanggang sa pinto. Parang may namuong kaba na gusto kong i-ignore, pero ang lakas ng dating. Napabuntong-hininga ako, thinking to myself, ‘Ano ba ‘to, Rene? Isang simpleng “Hi, kamusta?” lang naman, pero tangina, bakit parang ang bigat sa dibdib?’

Pinikit ko nalang mata ko, trying to calm myself down, then picked up my phone. “Bahala na,” bulong ko sa sarili. Nag-type ako ng message: ‘Uy, Alex, Long time no chat ah. This might seem random pero may nakuha ka bang picture nila Drea at Sam kahapon?’

Pinindot ko ang send bago pa ako magbago ng isip. Pero habang hinihintay kong mag-reply siya, pakiramdam ko, para akong teenager na nag-aabang ng message sa crush.

Hays. So much for a “simple message.”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 27 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

It was always you, 𝐒𝐞𝐫𝐞𝐧𝐞.Where stories live. Discover now