Chapter 3

1 1 0
                                    

Gen's POV


Vacant namin ngayon kasi wala yung teacher namin dahil sa biglaang meeting. Agad akong tumayo sa upuan at lumapit kay Zach.


 Zach and I weren't really as close as Seb kahit pa super tagal na namin magkaibigan. I mean, he's a great friend pa rin but him and I doesn't really have that strings that connects us emotionally. Plus, he's a super nonchalant friend. By super, I mean SUUUUUUPER. Pero hindi naman kami naglilihim sa isa't isa, nag-oopen rin naman kami sa isa't isa but I think it's not the same as I how I talk with Seb. Plus, despite all those, he's a good listener. Hindi man siya yung tipo ng tao na magaadvice or magsasabi ng words after mo magkwento, he is a very very good listener. Also, siya din ang taga neutralize ng lahat. He's the kind of guy that doesn't really take anyone's sides especially during fights. Kaibigan ka man, kaclose o hindi, talagang kapag mali mo, mali mo. He would never let any tolerations happen because tolerating would lead to consistent bad behavior. 


"Beh, may extra strings ka?" tanong ko sa kaniya. Balak ko kasi ulit magtugtog ng gitara kaso naputol yung string sa D note kaya kailangan ko muna iyon ayusin bago muling makatugtog.


"Meron naman, anong string need mo?" tanong niya pabalik.


"D note, naputol kasi kaya hindi ako makatugtog." sagot ko. Kinuha niya naman iyon sa dala niyang extra pouch na naglalaman ng mga sangkatutak na gamit na kailangan para sa instruments. Merong pick, string na guitar, electric, bass, kulang nalang ata ilagay niya lahat ng mga instruments sa loob sa sobrang dami niyang reserba.


"Marunong ka mag-ayos?" tanong niya. Syempre, umiling agad ako. "Hindi, pero si Seb pag-aayusin ko. Marunong naman siya e." sagot ko. True naman, siya naman talaga pagkakabitin ko ng strings. Wala rin siyang magagawa, hehehe.


"Here. Let me know din if there's anything you need." nakangiting sabi nito. "Thank you! Life saver ka talaga!" I exclaimed happily.  Si Zach rin talaga yung tipo ng tao na halos lahat ng kailangan mo e nasa kaniya na. Papel? Ballpen? Drumstick? Strings? Baka nga pati cat or dog food mabibigyan ka niya para maipakain sa stray animals e. Kaya nga gets ko rin kung bakit may big time crush si Ali dito kay Zach. Although hindi sabihin ni Ali, super obvious din naman. Halata kaya! 


○○○


"Madam! Nakapagpasa ka na ng assignment?" tanong sa akin ni Ali at umupo ito sa vacant seat na nasa harap ko. "Oo. Ikaw ba?" tanong ko pabalik sa kaniya.


"Magpapasa pa lang, sabay ko sana yung sa iyo kaso nakapagpasa ka na pala. Anyways, may balita kay Zach ba?" tanong nito.


"Bakit? Interesado ka nanaman sa buhay niya?" pagtatanong ko na may halong asar. "Wala naman... masama na ba magtanong?" depensa niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: a day ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Echos of LongingWhere stories live. Discover now