"Oh! Ano ba yan! Ang unfair nyo naman eh! Kakasimula palang ng laro pinatay nyo agad ako!" nirinig namin ang sigaw ni Kaye sa loob ng bus.
Kasalukuyang pasakay pa lamang ako ng bus na sasakyan namin papunta sa isang hotel kung saan doon kami mags-stay. Nandito kami ngayon sa last stop ng aming field trip para sa araw na ito. Alas sais na ng gabi kaya naman isa isa ng nag-aakyatan ang mga studyante sa mga bus na naka assign sa bawat section.
"Hoy bawal magsalita ang patay, kaya mahamik ka dyan Kaye!" natatawang sigaw pabalik naman ni Nicolo, at inirapan ito ni Kaye bilang sagot at padabog na umupo sa upuan niya. Ako naman ay tuluyan ng pumasok sa loob ng bus at sumakay sa unahan, malapit sa driver, guro at tour guide na naka assingn sa section namin. President things, ika nga nila.
"Feeling ko si Jelly ang mafia! Tingnan nyo o, grabe makangiti." rinig kong sigaw ni Christian.
"Fuck you boi! Hindi ako!" sigaw ding pabalik ni Jelly. Napailing nalang ako dahil sa kaingayan nila sa paglalaro ng Mafia game sa telegram.
"Edi mag vote nalang tayo randomly. HAHAHAHAHA" suhestyon naman ni Nicolo.
"Pwede! Pwede pare! Sige, sino ba? Ini mini mi ni mo pwe--" naputol ang sasabihin ni Christian ng biglang nagsalita si Ellena.
"Magseryoso ka nga Tano! Baka naman ikaw ang mafia kaya G na G sa suggestion ni Nico!" yamot na usal ni Ellena.
"Wag kang pikon Elleng!" sagot pabalik ni Nicolo
"Ang tahimik ni Kelly guys oh!" agad namang pansin ni Kaye sa nakaupong si Kelly sa may tabi nya.
"Guys may naririnig ba kayo? Parang may kumiliti sa tenga ko eh! HAHAHAHA" agad namang patutyada ni Kelly.
"Guys seryoso na! Patapos na ang timer oh! Sino na ivo-vote dali" Sigaw ni Xyryn.
"Si Eleng nalang! HAHAHAHAHA!" napailing nalang ako sa ingay nila. Sinuot ko nalangang earphones ko para hindi ko marinig ang hiyawan nila.
Pipikit na sana ako para umidlip ng maramdaman kong may kumulbit sa akin. Pagtingin ko nakita ko si Solane na nag-aalok ng candy na agad ko namang inilingan, pahiwatig na ayaw ko. Tumango naman ito at sumandal na sa backrest ng upuan.
Maya maya pa ay umandar na ang bus na aming sinasakyan para bumyahe papunta sa hotel na aming pags-stay-an.
Hindi pa man kami gaanong nakakalayo mula sa last stop namin ng mapansin kong biglang may tumunog na parang sumisingaw na hangin.
Napakunot ang nuo ko ng mapansin ko ang parang usok na hangin at bigla akong nagpanic. Bilang presidente ng klase tungkulin ko ang kaligtasan ng aking mga kaklase.
Agad kong tinanggal ang aerphones sa tenga ko at duon ko narinig na nagkakagulo ang mga kaklase ko.
"Guys calm down. If may panyo kayo itakip nyo sa ilong nyo para hindi ma-inhale yung gas!" Agad kong announce na sinunuod naman ng iba.
Napansin kong biglang tumumba si Jelly hanggang sa nagsunod sunod na ang pagtumba ng mga kaklase ko.
'Anong nangyayari?!' naguguluhan kong usal sa isip ko. Ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng pagkahilo. Mumukat mukat ang aking mata at pinipilit kong huwag pumikit para masiguradong magiging ligtas kami.
Marahil ay isang pampatulog na gas ang nalabas ngayon sa may aircon at may katapangan ito kaya hindi ko na din napigilan ang pagkalula at pagpikit ng mata. Napaka bilis umipekto ng pampatulog na ito. Huling narinig ko nalang ay ang pagtawa ng kung sino man sa may likudan ko.
YEOREOBUN! PASENSYA NA IF MY TYPOS AND WRONG GRAMMARS! CURRENTLY WRITING USING MY PHONE SINCE NAKAKATAMAD MAG OPEN NG LAPPY. SINCE NA INSPIRE AKO SA PAGLALARO NAMIN NG MAFIA GAME SA TG ETO NGA AT GUMAWA NA AKO NG STORY HAHAHAHA. ANG ANGAS LANG KASI HIHI.
BTW THIS STORY IS FICTIONAL, ANY RESEMBLANCE TO PLACE, EVENTS AND NAMES ARE PURELY COINCIDENCE. ALL THAT IS WRITTEN HERE ARE MADE UP OF MY IMAGINATION!
HIHI PLEASE SUPPORT ME.
VOTE AND SHARE YOUR FEEDBACKS IN THE COMSEC.
KAMSAHAMNIDA!!!
BINABASA MO ANG
MAFIA: When The Night Comes
Science FictionAkala namin isa lang simpleng fieldtrip lang ang pupuntahan namin. Pero mali kami. We didn't expect that the fieldtrip we thought will become a field of massacare. Sinong mag-aakala na ang larong nilalaro lang namin sa aming mga cellphone ay magigin...