Gabaldon College
Susunduin sana kami ngayon ni Kenzo pero sasabay na lang kami ni Kael kila mama. Sa hilux namin kami nakasakay ngayon habang hinihintay si papa na nakalimutan ang susi sa loob ng bahay.
"Tagal naman ni Cristos." Si mama.
I saw my father just went out of our house.
Handa na raw ang eighteen trucks sa farm namin. Nakalagay doon ang mga pananim naming gulay na idedeliver nila sa karatig bayan.
"Anak, behave, okay?" Si mama na kausap ang kapatid ko nang nasa tapat na kami ng bahay nila Kenzo.
"Yes, mama." Sagot ng kapatid ko at hinalikan si mama sa pisngi.
"Bye, papa! Bye, mama!" Kael said. Parang hindi naman iyakin 'pag wala sila papa at mama.
Nagpaalam na rin ako sa mga magulang ko.
Hinintay muna namin silang makaalis bago pumasok sa loob ng bahay nila Kenzo.
Hindi naman nakalock ang gate kaya nakapasok na rin kami.
"Oh, Raine, akala ko ba susunduin kayo ni Kenzo?" Gulat na tanong ni manang Violeta.
Tumingin siya kay Kael.
"Kael! Ang cute talaga ng batang 'to." Lumapit si manang kay Kael at pinisil ang dalawang pisngi nito.
Kumunot ang noo ni Kael. Isa rin 'to, suplado rin. Nagmana yata kay Kenzo.
"Manang, nasa'n si Kenzo?"
Bumaling sa akin si manang Violeta.
"Nasa likod, sa kubo." Sagot ni manang sa akin.
"Kael, tawagin ko lang ang kuya Kenzo mo, ah?" Sabi ko sa kapatid.
Tumango lang siya.
Pumunta ako sa likod. Presko dito dahil maraming mga puno. Sa pinakalikod no'n ay ang malawak na manggahan nila.
Nakita ko siyang nakatalikod na nakaupo sa isang bangkong upuan. May mesa sa harap niya. Sa gilid niya ay ang kubo nila.
"Huy, Kenzo!" Pasigaw kong sabi at niyakap siya sa leeg. "Anong ginagawa mo?" Tanong ko at pinasadahan ng tingin ang mga nasa mesa niya.
May isang papel doon at 'yong cellphone niya.
Nagulantang siya nang nakita ako at agad niligpit ang mga gamit sa mesa.
Kumunot ang noo ko.
BINABASA MO ANG
COH Series #2 THEIRS TRILOGY (Book 1): Their Goodbyes
RomanceShe wants to be with him forever. She wants to be near him forever. Ano ang kaya niyang gawin maisalba lang ang relasyong nabuo na mula pa noong namulat sila. If she really wants to keep him, then she needs to be just his friend. That's their limit...