Simula

37 2 0
                                    

“Nak! Mia!” tawag ni Mama sa may sala na kadarating lamang galing namalengke. Dali-dali naman akong lumabas ng kwarto upang tulungan sya.

Agad ko namang binuhat ang mga supot na bitbit nya nang makitang medyo marami ang mga ito.

“Salamat, 'Nak.” malambing na sabi ni mama.

“Ma, para saan po ito?” tanong ko kay mama nang may mapansing may isang magarang sapatos sa supot nang mailapag ko ito sa lamesa.

“Ah! Iyan! para saiyo nak.” tukoy nito sa sapatos.

“Ma! dapat hindi kana po sana nag-abala pa, maayos pa naman po yung sapatos kong pampasok.” mahinahong sabi ko sakanya.

Awang-awa nako kay Mama tuwing nagtatrabaho siya para amin ni tatay na kulang na lamang ay magkanda-kuba sya sa paglalabada, minsan ay pagsinuwerteng may bakante trabaho sa palengke ay kinukuha nya ito, mapunan lamang ang mga pangangailangan namin sa bahay.

Sa tuwing nakikita kong nahihirapan si mama parang gusto ko nang sumabog, lalong-lalo na tuwing binubugbog ni Papa si Mama kapag walang maibigay na pera. Lasinggero at tambay lang si Papa at walang ginawa kundi makipagpustahan sa majongan.

Minsan gusto kona lang iwan namin ni Mama si Papa at magpakalayo-layo na sa lugar na ito.

“Alam ko naman iyon Mia, pero gusto ko lang kasing bilhan ka ng bagong sapatos, napapansin kona ring luma na yan sa tagal na.” pangangatwiran pa n'ya.

Lumapit ako sakanya at yumakap.

“Mama ko talaga,” lambing ko sakanya sabay tawa naming dalawa.

Napahinto naman kami ni mama nang biglang lumagabog ang dingding ng bahay na nagmula sa labas. Pumasok naman si papa na lasing na lasing at may hawak pa itong bilog na bote ng alak.

Humiwalay na kami ni mama sa isa't-isa.

“Hoy! Pag-hain mo nga ako ng pagkain!” tawag ni Papa sa akin.

Akmang tatayo si Mama upang sya na lamang ang gumawa ngunit pinigilan at inunahan ko na. Hindi ko hahayaang gawin nya pa ito dahil alam kong pagod galing sa paglalabada.

“Ma, Ako na po. Pahinga kana po.” magalang kong sabi kay Mama.

Pinanood kong pumasok ng kwarto si mama, tsaka bumuntong-hininga akong sumunod na ipaghain si Papa ng tirang pagkain dahil wala pang naluluto.

“A-Ano 'to?! bakit ito lang?” masungit at lasing na tanong nya.

“Pa, hindi pa po kasi nakakapag-luto ng pagkain at kadarating lamang po ni mama galing namalengke.” magalang kong sagot sa kanya.

“PUTA NAMANG BUHAY TO! LAGI NA LANG GANITO!” sigaw nya sakin sabay padarag na binagsak ang platong may laman na kaunting pagkain at isang tuyo na s'yang ikinagulat ko.

Kahit na araw-araw naman ang eksena ni papa pag-uwi, hindi parin ako nasasanay sa mga sigaw, bulyaw, lagabog ni papa.

Niluwa naman ng pintuan ng kwarto si Mama. Bakas ang pagkataranta at pag-aalala nya nang makarinig ng ingay. Dumiretso agad sya sakin at agad tiningnan kung sinaktan ba ako ni papa. Gumaan naman ang pakiramdam ni mama ng makitang wala akong kahit anong galos.

“Hoy! Amanda nasan na?”,matapang nyang tanong dito sabay bukas ng palad, hudyat na hihingi nanaman ng pera.

“Wala akong maibibigay sa iyo ngayon, Nestor.” sagot ni Mama.

“Lintik! Anong wala?! Alam kong may kita ka ngayong araw. Wag mo 'kong lokohin!” galit na galit na sabi ni Papa.

“WAG PO!” nang akmang ihahampas na ni papa kay mama ang tangkong ng boteng alak na hawak nya. Sinangga ko ang bote at napadaing ng malakas dahil sa lakas ng paghampas nito sakin sa likod. Tinulak at dali-daling lumapit si mama na iyak ng iyak sakin kasabay ng pagkawala ng aking malay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Devouring Her BodyWhere stories live. Discover now