Hindi lahat ng nagpapakasal nagmamahalan. Hindi lahat ng mag-asawa nagmamahalan. Hindi lahat ng nagsasama nagmamahalan.
Pareho kaming nakatali sa kasal na hindi namin gusto. Pareho kaming pinilit sa walang kabuluhang kasalanang ito.
Hindi kaming magkasundong dalawa para kami sina Tom and Jerry na laging nag aaway. Hindi yata matatapos ang isang araw na hindi kami magtatalong dalawa.
Marami akong tinatago at hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito maitatago. Pareho lang kaming dalawa na maraming tinatagong lihim.
Kilala ko siya at alam ko kung sino talaga siya, pero hindi niya ako kilala at wala siyang alam sa totoong pagkatao ko. Wala akong balak na mahalin ulit siya dahil hindi kami pwedeng dalawa.
Galit ako sa kan'ya dahil kinalimutan niya ako, at galit ako sa kan'ya dahil sa pagtalikod niya sa responsibilidad niya kay Klaus.
Pero masyadong mapaglaro ang tadhana dahil kahit anong gawin kong iwas, nahulog na naman ako sa kan'ya. At ngayon hindi ko na alam ang gagawin ko.
Gusto kong ipaglaban ang nararamdaman ko para sa kan'ya dahil asawa ko siya at mahal ko siya. Pero mahirap ipaglaban ang taong alam kong hinding hindi magiging akin.
Asawa ko siya, pero hindi ko siya matatawag na akin dahil meron ng may nagmamay-ari ng puso niya. Asawa niya lang ako sa papel pero hindi sa puso niya.
Para kay Damon, isa akong bangungot sa buhay niya na gusto niyang kalimutan, and I am his unwanted wife.
BINABASA MO ANG
His Unwanted Wife
RomanceDamon Neilson Milan Alejandro comes from a rich, influential, and notorious family, pero mas kilala siya sa kan'yang stage name na Neil. Isa siyang Filipino singer, rapper, dancer, songwriter, record producer, creative director, entrepreneur, model...