Chapter I

2 1 0
                                    

Umuwi ako ng Pilipinas para masurpresa sila pero hindi ko inaasahan na ako pala ang masusurpresa dahil sa desisyon na ginawa nila.

Two days ago flashback

"What the fuck are you doing here?" napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Don't cuss sa harap ni Klaus." galit na sabi ko dahil ayokong may nagmumura sa harap ng anak ko.

"I'm sorry. Nagulat lang ako ng makita ko kayo... Masaya akong makita kayong dalawa ulit pero mas mabuting umalis na kayo ni Klaus ngayon din."

"Huh?"

Lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Bakit pinapaalis na niya kami? May problema ba?

"Zia (Tiya/Aunt) Nie cieszysz się, że widzisz mamę i mnie? (hindi kaba masaya na makita kami ni mommy?). We just arrived Zia (Tiya/Aunt), pero pinapaalis mona kaming dalawa." malungkot na sabi ni Klaus dahil sobrang excited pa naman siya na umuwi ng Pilipinas para makita sila tapos ngayon sasabihin niya na umalis na kami.

Ang aking anak ay polyglot. He speaks eight languages fluently. Klaus is very intelligen and mature, even though he is only six years old, so he has no friends his age.

Kahit wala siyang kaibigan, hindi siya nalulungkot dahil he says that I, his godfathers, papi (tinatawag niyang papi si dad), abuelo ( Siya ang grandparent ko at great-grandparent ni Klaus), at Zia (Tinatawag niya si ate Rebecca na Zia. Ang Zia ay Aunt sa ingles) ang nag iisang tiyahin niya ay sapat na para sa kanya.

Mahilig siyang magbasa ng mga libro, ganoon din ang kanyang aunt kaya naman sobrang excited siyang makita ang kanyang nag-iisang tiyahin  na mahilig magbasa ng mga libro katulad niya especially about history.

Tuwing nasa Pilipinas kami, ang bonding nila mag tiyahin ay ang pagbabasa ng libro at sobra siyang excited na ipakita sa kanyang aunt ang librong regalo ng godfather niya. Theodore gave him an old book at sa sobrang luma na nito para na itong relic.

"Baby Klaus, I'm happy to see you and your mommy, pero kailangan n'yo na talagang umalis dahil baka maabutan kayo nila dad. Hindi nila kayo pwedeng makita kaya umuwi na kayo sa Magdalenka. Teka, hindi kayo pwede pa lang umuwi sa Magdalenka dahil paniguradong nandoon na yong mga tauhan nila dad para sunduin kayo kaya kailangan magtago mona kayo habang hindi ko pa naayos ito." 

Tinignan ko siya ng seryoso."Problema?! Bakit pinapasundo kami nila dad? At bakit kailangan namin magtago? Ano ba talaga ang nangyayari ate Rebeca, at bakit hindi kami pwede bumalik sa Poland?" naguguluhang tanong ko.

"Abuelo and Don Rafael have made arrangements for a marriage between you and Neilson, but I am aware that you will not agree to their ridiculous proposals. That's why you need to leave. I'll talk to them so they don't continue with this nonesense. So until everything is okay, you and Klaus should hide."

Nanlaki ang mata ko dahil sa narinig ko. ANO?! Pinagkasundo nila ako sa lalaki na iyon. Nasisiraan na ba sila ng bait?

"What the fuck! That's bullshit! How could they do that to me?" galit na sabi ko.

Hinawakan ni Klaus ang kamay ko."Mommy, I know you're mad but don't cuss because its bad." Bigla akong natigilan sa sinabi ni Klaus. Sa sobrang inis ko hindi ko napigilang magmura.

"I'm sorry, pumpkin. It won't happen again. Alam kung excited ka makita at makasama sila dad pero kailangan na natin umalis dahil ayokong makasal sa gago na 'yon."

"Mama, warum bist du wütend auf diesen Mann? Wer ist er? Wer ist Neilson? (Mom, bakit ka nagagalit sa lalaking iyon? Sino siya? Sino si Neilson?). Don't tell me he's my father, that's why you're so upset when you hear what Zia (Tiya/Aunt) said. Whenever I asked about Dad, you would always change the topic, so I never asked again because you didn't want to discuss him. I asked Ziu (Tinatawag niyang Ziu si Theodore. Ang Ziu sa ingles ay Uncle) kung sino si dad at kung nasaan siya pero ang sagot lang ni Ziu (Tiyo/Uncle) ay masyado pa akong bata para malaman ang totoo, at sinabi rin niya na 'wag ko na raw banggitin si dad sa harap mo dahil masasaktan ka kaya  pinili kong kalimutan si dad." naguguluhang tanong ni Klaus, kumirot ang puso ko nang makitang nasasaktan ang anak ko.

"He's not your father. Neilson and I just had a conflict and I hate him. I'm sorry, Pumpkin, for wanting to forget your father and not realizing that I was hurting you. Balak kong sabihin sa iyo ang totoo kapag sampung taong gulang ka na, ngunit siguro oras na para malaman mo ang totoo. Your dad is gone and he's not coming back dahil matagal na siyang patay." malungkot kong sabi at bumagsak ang mga luha ko.

I used to do acting workshops when I was young dahil iyon ang gusto ni mom kahit ayoko. Nagmana raw ako sa talento ni mom sa pag-arte kaya kung gusto ko raw ituloy ang pag-arte madali lang para sa akin kasi I'm gifted. 

Madali lang para sa akin ang umiyak at paniwalain sila na nasasaktan talaga ako ngayon dahil sa gago na iyon pero sa totoo lang naiinis ako dahil sa nangyayari. Napatigil ako ng makita ko si Klaus.

Sumakit ang puso ko nang makita ko ang mga luha ni Klaus. I'm sorry, anak, pero wala akong balak na sabihin sa'yo ang totoo dahil wala siyang karapatan sa'yo. 

"Patawad anak sana mapatawad mo ako balang araw." sabi ko sa aking isipan at pinunasan ko ang mga luha niya at niyakap ko siya ng mahigpit. Mas mabuting isipin niyang patay na ang gago na iyon dahil matagal na siyang patay para sa akin.

Ang nakakainis pa ay hindi siya ang naghirap sa loob ng siyam na buwan, pero kamukhang kamukha niya si Klaus. Ang hirap tanggapin na habang lumalaki ang anak ko, mas nagiging kamukha niya ang kan'yang ama.

Kinamumuhian ko ang gago niyang ama at hinding hindi ko siya mapapatawad kahit kailan. Itinanggi niya na siya ang ama ni Klaus noon at tinalikuran niya ang kan'yang responsibilidad bilang ama kaya galit ako sa kan'ya.

Lumayo ako dahil ayokong makita siya at ayokong makita niya si Klaus dahil malalaman niya ang totoo. Ngayong lumalaki na si Klaus kahit itanggi ko ang katotohanan ay malalaman niya pa rin ang totoo dahil kamukhang kamukha niya si Klaus.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang itago ang lahat, pero isang bagay lang ang sigurado ako na hinding-hindi niya makukuha sa akin si Klaus. Kailangan niya muna akong patayin bago niya makuha sa akin ang anak ko.

"Pumpkin, sorry dahil nagsinungaling si mommy sa'yo. Hindi ko sinabi sa'yo ang totoo dahil ayokong masaktan ka dahil napakabata mo pa para malaman ang totoo," malungkot kong sabi habang tumutulo ang mga luha ko.

"It's ok, mommy. I don't blame you. You only did that because you didn't want to hurt me. Mommy, I want to see dad. Alam kong kailangan nating magtago sa kanila, pero pwede bang puntahan muna natin si dad bago tayo magtago?" Nakangiting sabi ni Klaus habang patuloy pa rin sa pagpatak ang kan'yang mga luha.

"Oo naman Pumpkin, let's go and see your dad," nakangiting sabi ko at pinunasan ang mga luha niya.

"Rylee, tapos na ba kayo mag drama ng pamangkin ko? (Sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa lang siya) Nakahanda na ang sasakyan sa labas, at pagkatapos ninyo pumunta sa puntod ni bayaw, diretso na kayo agad sa airport dahil naghihintay na si Victor sa inyong dalawa ni Klaus. Siya ang makakasama n'yo sa Cebu."

"Cebu?"

"Victor has a private island, and they don't know that dahil sa iba nakapangalan ang isla. Hindi nila iisipin na kasama ninyo si Victor ngayon dahil hindi kayo magkasundo dahil para kayong aso at pusa kapag magkasama. Saka, alam nila hindi pa rin kayo magkaayos dalawa."

"Paano kami magkakasundo kung ayaw niyang humingi ng tawad sa akin? Alam kong galit pa rin siya sa akin dahil hindi pa rin siya humihingi ng tawad kase ayaw niyang tanggapin na mali siya. Saka, ano ang nakain niya, at gusto niya akong tulungan?"

 "Simple lang. Ayaw niyang pakasalan mo si Neilson dahil mas lalo ka raw magiging abno kapag nagpakasal ka kay Neil. Btw, wala pa rin siyang balak mag-sorry sayo, alam mo naman masyadong mapride si Victor kaya hanggang ngayon ayaw niya humingi ng tawad."

Natawa ako sa sinabi ni ate Rebecca dahil tama siya. Sobrang mapride ni Victor, kaya malabong humingi siya ng tawad, pero mas lalo akong natawa dahil kahit magkaaway kami, tutulungan niya pa rin ako dahil ayaw niya rin akong makasal kay Neilson.

"Pumpkin, let's go at baka maabutan pa tayo nila dad." Nakangiting sabi ko kay Klaus at tumango naman siya sa akin.

Pasakay na kami ng sasakyan ng biglang may dumating na itim na mersedes at kilalang kilala ko ang sasakyan na iyon dahil isa ito sa mga paboritong sasakyan ni dad.

Namutla naman ako ng makita kung bumama sa sasakyan sila Abuelo at Dad. Fuck! I want to dig a hole and hide para hindi nila ako makitang dalawa pero huli na ang lahat dahil nakita na nila kami.

"Fuck!" bulalas ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 13, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon