Dumungaw ako sa labas ng bintana dahil sa lakas ng ulan. Kahapon lang ay mainit tapos ngayon ay ang lakas ng ulan. Hindi ko alam kung hanggang kailan hihinto yung ulan kasi isang oras narin. Parang bagyo na. Buti nalang at hindi malakas ang hangin. Yung hangin ay dala lang ng ulan.
Sa labas ay hindi naman na baha dahil yung kanal ay palaging nalilinisan ng mga street cleeners. Dati kasi ay maraming nagreklamo na taga-rito sa amin dahil sa pagbaha, kaya bumabaha dahil hindi nalilinisan yung kanal. Ang dami kasing basura. Marami kasing mga tao ang hindi marunong magtapon ng basura sa mga dumpster o mga trash bin kaya sa kalye sila mismo nagtatapon.
Malapit ng magtanghali at inaantok din ako dahil sa lamig ng panahon. Inalis ko ang tingin mula sa bintana saka binalik ang tingin sa duffle bag na dadalhin ko kapag manganak ako sa ospital. Hangga't maaga pa ay aayusin ko na ang mga gamit ko para hindi mahirapan yung kukuha o magdadala nito.
Malapit na ang kabuwanan ko. Ilang week nalang din ay due date ko na. And the baby was kicking annoyingly in my stomach. Gusto na yatang lumabas. And I hadn't decided what to call him. I'd been searching, reading the list of the baby names on internet but I hadn't decided yet. It's too hard to choose.
Hinati ko ang espasyo sa duffel bag, yung sa gilid ay para sa gamit ko at yung kalahati ay para sa baby. Para hindi nakakalito.
Bilang nalang sa daliri ang mga araw bago ako manganak. Kahit natatakot ako ay pilit akong ngumiti para sa baby.
Pagbaba ko mula sa kwarto ay saktong may kumatok mula sa labas ng pinto. Kahit ang bigat na sa pakiramdam at nahihirapan narin akong maglakad ng mabilis ay nagmadali ako kasi ang lakas ng ulan sa labas kaya yung tao na nandun sa labas ay baka mabasa o ano lang.
Pagbukas ko ng pinto ay agad na bumungad ang bunso kong kapatid.
"Akala ko tulog ka." Bungad ni Skan nang pagbuksan ko siya ng pinto.
"Nag-aayos lang ako ng gamit ko. Pasok ka." sabi ko at niluwagan ang pagbukas ng pinto.
"Sandali lang." sabi niya at tiniklop ang dala niyang payong at sinandal sa gilid ng pinto at sa tabi ng halaman.
Binigay niya sa'kin ang isang plastic ng grocery pack na pinabili ko kay Saf. Si Saf ang pinakisuyuan kong maggrocery dahil nagmamadali kanina si Sack kaya hindi ko siya naabutan sa apartment niya para magpagrocery. Si Saf nalang pero mukhang busy yata.
"Nagsarado ka ba ng maaga?"
"Half day lang kami ngayon. Ang lakas kasi ng ulan. Parang walang mga tao na kakain. Baka mapasukan ng tubig ang restaurant ko." sabi niya.
Tinanggal niya ang raincoat na suot niya at nagmadali siyang pumunta sa kusina para ilagay sa likod yung raincoat. Napangiwi pa ako nang makitang natuluan ng tubig ang kaka-mop ko palang na sahig kanina bago pa man magsimulang bumagyo sa labas.
"Dinaanan ko nga pala si ate Farren kanina. Ang sabi niya ay pumunta daw tayo bukas sa birthday ni lola niya. Ika-eighty two or three na yata yun? Hindi ako sigurado." sambit ni Skan saka tinanggal ang pagkakatali ng buhok niya.
"Mabuti kung hindi umulan bukas gaya nitong panahon ngayon." sabi ko saka tumingin sa labas ng bintana dito sa kusina.
"Hindi naman siguro. May kotse ka naman kaya hindi tayo mababasa." sabi niya at sinuklay ang mahabang buhok na abot hanggang bewang gamit ang mga daliri tapos ay umupo siya sa harap ko.
"Kumain ka na ba? May binake akong Mac and Cheese. Yun lang ang kakainin ko saka yung cake na binili kahapon ni Leighton."
She drummed her fingers against the table and gave me her toothy grin.
BINABASA MO ANG
Leighton
RomanceBilang panganay sa limang magkakapatid, ang unang pumasok sa isip ni Santi ay pumasok agad sa trabaho. Nang wala na silang mga magulang na magsusuporta sa kanila ay si Santi na ang tumayong breadwinner para sa pamilya niya na hindi niya dapat pabaya...