Serenity

10 0 0
                                    




SOLANA

Sabi nila kung hindi mo susubukan hindi mo mararating ang nais mong makamit. Bata pa lang ako gusto ko ng maging malaya. Malaya sa sakit na araw-araw pinaparamdam sa akin ng tatay ko. Malaya sa awa na nararamdaman ko sa sarili ko.

Bakit ba ayaw kong lumaban? Bakit ba hindi ko nalang iwan ang buhay na mayroon ako?

Bago pa tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Narinig ko maliit na boses ng kapatid ko.

"Ate, bakit gising ka pa?" Limang taong gulang palang ang kapatid kong si Limuel. Naalala ko noong kaedad niya ako. Araw-araw kong nakiktang sinasaktan ni papa si mama. Wala akong magawa dahil inuutusan ako ni mama na magtago sa kwarto. Hindi naging sagot yun para hindi ko marinig ang iyak at hikbi ni mama.

Hindi ako makaalis dahil natatakot ako.

Natatakot ako na maranasan ng kapatid ko ang lahat ng pasakit na naranasan ko sa kamay ng aking ama. Natatakot ako na kung lalaban ako baka siya ang saktan.

"Ate mag-sleep na tayo tapos hatid mo ako sa school" masayang wika ni Limuel.

"O' sige tulog na tayo. Mahal na mahal ka ni ate" Hinalikan ko ang tungki ng ilong niya at umayos na sa paghiga.


"Liana!" Nagising ako malakas na boses ng aking ina.

"Gumising ka anak. Aalis na tayo" Dali-dali niyang binuksan ang mga aparador at hinagis ang mga damit sa isang maleta.

"Ma, saan tayo pupunta" wika ko dahil pansin ang pagmamadali niya.

"Ang papa mo-" Nang marinig ko yun ay napatayo ako at tinulungan si mama na magimpake. Hindi ko alam ang dahilan pero kung tungkol kay papa alam kong dapat na kaming umalis. Lagay dito. Lagay doon. Dalawang maleta ang dala ni mama at mabilis naming nalagay ang damit.

Binuhat ko ang aking kapatid na mahimbing pa ring natutulog at pagkalabas sa pinto ay mayroon ng nakahandang tricycle at dali-dali na kaming pumasok. Habang umaandar palayo nagdadasal ako na sana maging maayos ang pupuntahan namin.

Sana

SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon