Panimula

15 0 0
                                    

Prologue

Medyo scripted daw ang araw na ito dahil wala kaming ideya sa isa't isa. Hindi ko pa din kasi alam kung sino ang makakatambal ko dito sa reality show. Baguhan lang ako sa industriya ng mga artista. Hindi naman kasi talaga ako dapat mag-aapply. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera.

Tinignan ko ang director na halatang stress, "Tandaan niyo, naka-tape ang lahat ng ginagawa niyo. 3, 2, 1! On Air na!"

Andito kami sa isang bahay na ubod ng laki, may shooting kasi kami ng "Perfect Strangers" na kung saan ay 111 days ang couple. Kung saan, sila ay parang kasal na. Pilit na pilit lang talaga ako sa mga ginagawa ko, swear. Nangangailangan lang talaga ako ng pera para makapunta sa ibang bansa.

Sa bahay din na ito ko siya makakasama ng ilang buwan. Dito na daw kami maninirahan.

Hindi ko ma-imagine. Parang mamamatay ako.

Hanggang ngayon kasi, hindi ko pa kilala kung sino yung lalaking magiging asawa ko sa loob ng isang daan at labing isa na araw. In short, one hundred eleven days.

111 days akong magtitiis.

May isang host na nasa sala. Ang ganda niya, si Ellie Ranchez. Napakasikat niyang artista at host. Ang ganda niya pala talaga sa personal.

Hindi ko maiwasan mangliit sa sarili ko.

"Hello, good morning! Welcome to our show! I know, kinakabahan ka. But are you excited to meet your future husband?" Masigla niyang bati. Ang ganda niya talaga kahit na tumatanda na siya. Hindi halata na malapit na siya mag-thirty na ang edad niya.

"Sa totoo lang, hindi. Kinakabahan ako. Si Rush Rivero lang kasi ang nagpumilit na sumali ako dito. I just took the opportunity since graduating naman na ako at tapos ko na ang requirements ko." Sagot ko. Kitang kita ko ang pagka-gulat sa kanyang mukha dahil co-star niya yun sa ibang mga teleserye. Sikat na sikat kasi yung lalaking yun. Sobrang biglaan ng pagkasikat niya.

Ngumiti siya na parang na-eexcite, "So, close kayo? Omg. I'm glad to here that."

"Uhm, bestfriend ko sjya. We talked about lot of things and eat together when our schedule is not that hectic. Busy kasi siya eh, pero I understand his situation." Sagot ko at napangiti. Ang bait kasi talaga ni Rush kahit na ang hard ko sa kanya parati. Palangiti siya at friendly masyado, di tulad nung *name-should-not-be-mention*

"Oh. Good to know. Atleast you have someone to lean on kapag may lq kayo ng future hubby mo di ba?" Tapos tumawa siya. Umoo nalang ako kasi sabi ni Rush ay uupakan niya daw yung lalaking yun kapag pinapahirapan ako. Pero naisip ko din na, baka naman mas lalo kaming mag away nung lalaking makakasama ko ng ilang buwan kung lalapit pa ako kay Rush. Siyempre, mag-aacting yun na nagseselos. Part of the job, I guess.

Ngumiti yung host at "Anyway, I want to introduce to you your future husband, the son of the richest business tycoon here in our country, Mr. Pacific Ferrer."

Nagiba bigla ang mundo ko. Bakit andito siya? Bakit siya pa?

Parehas namin na kinaiinisan ang isa't isa. Araw araw ko na nga nakikita sa school, pati ba naman dito?

"Are you happy to see Mr. Pacific?" Tanong nung host. Halatang masayang masaya siya. Isang karangalan yun para sa kanya. Anak ba naman ng investor ng channel na 'to ang nasa harapan niya ngayon at future C.E.O ng The Ferrer Corp. Sinong hindi mangingiti dun di ba? Bakit ba kasi ang sikat at yaman niya?!

"Good morning karagatan--este Pacific. It's very nice to see you, again. And yes, masayang masaya ako." Pilit kong sabi at sinamaan ng tingin yung pesteng lalaking yun.

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon