CHAPTER 1

1 1 0
                                    


"Hi,mom. Hi,dad!" Masiglang bati ni Dawn sa kaniyang mga magulang nang makarating siya sa hapag-kainan.

"Sit,Dawn! We have something to discuss." Deretsahang sabi ng kaniyang ama.

Nagtataka man kung bakit,walang pagtutol na umupo si Dawn sa kaniyang nakasanayan na upuan.

Nginitian lamang siya ng kaniyang mommy na mahinhin na kumakain sa tabi ng kaniyang ama.

"Ano po 'yon!? May nangyari po ba o ano man!?" Tanong agad ni Dawn sa kaniyang ama ng maka-upo ito.

Itinigil ng kaniyang ama ang pagbabasa ng dyaryo at inilapag ito sa mesa. Sumimsim muna ito sa kaniya kape bago timingin kay Dawn.

"Next month is your twenty-first birthday,Dawn. At napagkasunduan namin ng mommy mo na oras na para ikasal ka." Walang pag-aalinlangan na sabi ng daddy niya.

Wala pa man nakakain si Dawn ay para siyang nabubulunan sa narinig mula sa kaniyang ama. Agad niyang kinuha ang baso ng tubig at uminom roon.

Isang patanong na tingin ang binaling niya sa kaniyang mommy na tumigil din sa pagkain.

"Yes,darling! So we can secure your future." Mahinhin na sabi ng kaniyang mommy.

"Guys! Your joking,right? Hindi 'to nakakatawa,mom,dad! Prina-prank ni—" napatigil si Dawn sa pagsasalita nang makita na seryoso ang mga magulang niya. "No way!" Hiyaw niya at tumayo ito sa kina-uupuan.

"Yes,Dawn! We're serious about you getting married." Matigas na sabi ng kaniyang ama.

Nagpalakad-lakad pabalik si Dawn at kinagat kagat ang kaniyang kuko sa kaniyang kamay. Ginagawa niya ito tuwing may hindi siya naiintihan o nagugulihan siya sa mga bagay bagay.

"Dawn! Huminahon ka. Ginagawa namin 'to para sayo. Para sa kinabukasan mo. Ikaw lang ang nag-iisa naming anak." Sabi ng kaniyang mommy.

"No!" Malakas na sigaw ni Dawn,na siyang kinagulat niya din. Ngunit wala na siyang magagawa dahil nagawa na niya ito. "Yes,I am your only daughter! But why? Why are you doing this! Huh? Why?" Naguguluhan na niyang sabi sa kaniyang magulang.

Tumayo ang kaniyang daddy at malakas na hinampas ang mesa. Napatigil si Dawn sa paglakad-lakad at magugulahan pa ring tumingin sa kaniyang daddy.

"Dawn,listen,young lady! Para ito sayo at hindi sa amin? Do you understand? Sino na ang mag-aalaga at katuwang mo sa buhay kung wala na kami. This is for you!" Mariing sabi ng kaniyang daddy.

"Is that is? Really,dad! You know that i love you both,but this thing taht you we're talking is nonsense. Ginawa ko lahat ng gusto niyo,lahat lahat. Kahit na mag gusto akong gawin ay hindi ko magawa,because of you. 'Cause I'm your only daugther. Lagi niyo nalang sinasabi na para sa akin lahat ng ginagawa niyo." Tuluyan nang lumuha si Dawn dahil sa emosyon na kaniyang nararamdaman. "But this thing that your talking about,ito ang hindi ko papayagan. You control my life ever since I was a child. Please,don't do this. Nakikiusap ako sa inyo." Humahagulgol na sambit niya.

Dali-dali namang lumapit sa kaniya ang kaniyang mommy upang alalayan siyang umupo at patahanin.

"Santiago,can we talk this some other time." Mahinahon na sabi ng kaniyang mommy sa kaniyang daddy.

"No,Mary! Listen to me,young lady. You like it or not you're going to get married. Understood!?" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na ang kaniyang daddy.

Lalong naiyak si Dawn sa desisyon ng kaniyang ama. Habang kaniyang mommy ay pinapatahan siya.

"Bakit,mom? Bakit di mo siya pinigilan?" Nanghihinang tanong niya sa kaniyang mommy.

"Noong una,tumutol ako,anak! Pero kilala mo ang ama mo,gagawin niya ang gusto niya para sayo. Sa ikakabuti mo." Tugon ng kaniyang ina.

*****


Alas dos na nang madaling araw at gising pa si Dawn. Hindi ito makatulog sa kakaisip kung ano ang gagawin niya.

Pero isa lang ang pumasok sa kaniya isipan at iyon ay ang tumakas at lumayo sa kaniyang ama.

Dalawang araw na ang nakalipas ng nangyari ang sagutan sa pagitan ng kaniyang ama.

Ito nalang ang tangi niyang magagawa upang malayo sa gusto ng kaniyang ama.

Naihanda na niya lahat ng kakailanganin niya at naghihintay nalang siya ng oras para maka-alis siya.

Kailangan niya lang hintayin ang pagkatok ng kaniyang pinsan na si Sunset upang makaalis na siya.

Si Sunset ang siyang pinsan niyang ka-close o sabihin na nating bestfriend niya. At alam nito ang lahat ng bagay patungkol kay Dawn.

Kaya naman laking pasasalamat ni Dawn nang pumayag si Sunset na tulungan siyang lumayo sa kaniyang ama at sa plano nitong ipakasal.

Napalingon si Dawn sa pintuan nang may kumatok at pumasok roon si Sunset.

"Ready!?" Naka-ngiting tanong sa kaniya ni Sunset. "This gonna be fun,couz. Imagine,your doing this! First time 'to." Mahinang natawa si Sunset sa kalukuhan niya.

"Yes! Ayoko nang kontrolin pa ni dad ang buhay ko. Ayokong pati ang lovelife ko papakialaman niya pa. Sumosubra na siya." Malungkot na saad ni Dawn sa kaniyang pinsan.

"True! Maghanda ka na. Kailangan na nating umalis bago magising ang mga guard at mga katulong." Sabi sa kaniya ni Sunset.

Dali daling kinuha ni Dawn ang wig na kailangan niyang isuot at mga damit na kailangan para sa pag-disguise niya.

Ilang minuto lang ay natapos na ito sa pag-aayos kaya naman dali daling lumabas ang mag-pinsan at nagtungo sa likod bahay.

Naroon ang kotse ng kaniyang pinsan na gagamitin nila upang tumakas siya sa kanilang bahay.

Nakahinga ng maluwag si Dawn nang nakalayo na sila sa villa kung saan siya nakatira.

"Ihahatid kita sa bahay ng kaibigan ko at doon ka mamalagi. Do what you want to do. Huwag kang mag-alala walang makakakilala sayo roon." Pag-bibigay alam sa kaniya ni Sunset.

"Thank you,Sunset. Babawi ako sayo,couz! I promise." Nakangiting sabi ni Dawn sa kaniyang pinsan.

"Just update me,okay! Mag-iingat ka roon. Once a month bibisitahin kita roon."

Agad naman tumango si Dawn sa kaniyang pinsan na may ngiti sa labi.

Sa wakas nakalayo na rin siya sa kaniyang mga magulang.

Gusto niyang gawin ang mga bagay na hindi niya nagagawa noon.

At sa wakas,wala nang mga asungot na nakabuntot palagi sa kaniya kung nasaan man siya.

Freedom.




*PsychoQu3en*

𝐂𝐡𝐚𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐌𝐲 𝐃𝐚𝐰𝐧Where stories live. Discover now