CHAPTER 1

5 1 0
                                    

***

As I opened my eyes, the sky was already shrouded in darkness. I lay there, breathing heavily and sweating profusely, knowing it had happened again.

Confused.

dahan dahan akong naupo mula sa pagkakahiga ng maramdamang unti unti ng umaayos ang paghinga, minasdan ko din ang kapaligiran ko. andito pa din naman ako— hindi tulad ng nasa panaginip, walang apoy at ibang tao ang naririto at higit sa lahat wala ako sa kung ano mang gusali.

Kagagaling ko lamang sa paaralan ng maisipang pumunta rito sa manila hills upang magpalipas ng oras, kung saan ay may malawak na lupain at may tanawin ng mga ilaw na ng ga-galing sa ibat ibang tahanan mula sa baba nito, bata pa palamang ako ay naging Isa sa mga paborito kong tanawin ito dito sa montalban lalo na kapag sa gabi.

shit! patay ako kay mama nito!

Pasado alas otso na pala ng gabi, tyak na nakauwi na si mama mula sa pinagtra-trabahuang restaurant hindi kalayuan sa amin.

agaran kong nilapitan ang bisikletang pinark ko sa tabi ng puno kung saan ay may malapad na sementadong upuan na ginawa kong higaan, para magpalipas ng oras— suot ang bag na may kabigatan dahil sa mga librong dala dala ay marahan kong sinimulan ang paglalakad habang hawak hawak ng dalawang kamay ang bisikleta ko na may kupas na pinturang kulay puti at medyo na nga-ngalawang na dahil sa kalumaan.


pagkadating ko sa hindi na gaanong pababa ng kalsada ay doon ko lamang nasakyan ang bisikleta at naguumpisa ng mag pedal ng mabilis, dahil sa wala pa namang gaanong sasakyan ang dumadaan kaya ganon na lang ang kumpyansa ko na mag pedal nang mabilis— ng biglang may sumalubong sa akin na napakaliwanag na ilaw at malakas na busina.


"Tangina! Paharang harang kase!''


Sa huling sandali bago ako tuluyang mawalan ng Malay ay nakaramdam muna ako ng may kalakasang pagsipa sa hita ko, dahil sa nakadapa ako ay malaya kong natatanaw ang itim na sapatos at ang naglalakihang gulong sa harap ko.


and thats the last moment i had before everything fall from darkness once again.

***


"Maya"


"Maya"

"Maya"

May isang tinig ng isang babae ang patuloy na tumatawag sa pangalan ko, pero kahit na anong gawin kong pagsisikap upang hanapin ang nag ma- mayari ng boses na iyon sa dilim ay hindi ko sya magawang maaninag.

It feel strange, It feel hot in here.

para akong nasa loob ng isang kahon na walang pagasang makalabas, nagsisimulang sumikip ang dibdib ko dumagdag pa ang kakaibang amoy. burnt.

marahil na wala akong makita pero pakiramdam ko ay hindi ako nag iisa sa Lugar na ito.

may kasama ako.

upang mas ma kontrol ang paghinga ay inilagay ko ang mga palad sa tuhod at pasamantalang ipinikit ang mga mata.

I don't have any idea kung nasaan ako, kung totoo ba ito o isa na naman sa aking panaginip.

Para akong nag teleport dahil sa oras na idilat ko na ang mga mata ay na bubulag na ako sa sobrang liwanag, nadidinig ko din ang mahihinang ingay sa paligid ko.

dahil sa hindi ko makayanan ang liwanag ay muli ako pumikit at inilagay ang kamay sa ulo para hilotin iyon ng bahagya— may manipis na tila akong nakakapa sa ulo ko marahil ay benda.

"ma gising na si maya!" si ate.

"talaga?!"

Nasundan iyon ng mga pagyapak papunta sa akin. halatang nag mamadali.

"nak?! ayos ka lang?" sa pagmulat ko muli ay ang mukha ni mama ang sumalobong sa akin, kumpara noong huli ko siyang nakita ay tila mas naging mukhang mas pagod at puyat sya. "tumawag ka ng doctor!"

na lipat ang paningin ko sa nakakatandang kapatid na nanigas na sa kinatatayuan, may bahid pa ng luha ang namumulang mata at nakatingin sa akin na punong puno ng pag aalala— tulad ng tingin na ginagawad sa akin ni mama. marahil ay natauhan ay dali dali itong lumabas sa silid.

"anak, maya."

"m- ma... "

napahawak ako sa aking leeg at bahagyang na sira ang mukha dahil sa naramdamang hapdi sa lalamunan ng magsalita ako, pansin ko din ang pamamalat sa boses.

"b- buti gising ka na, n- nag alala kami s- sayo."

"asan ako?"

" nasa--"

sasagot na sana ang ina ng may bigla biglang pumasok na mga naka puti sa loob ng kwarto, kasunod nila ang si ate cherry. agad namang lumayo si mama sa akin at hinarap ang mga bagong dating, doon ko lamang na pansin ang kapaligiran ko.

maliwanag ang loob ng silid, kulay puti rin ang pinturang ginamit sa ding ding pati na rin ang kulay ng mga kurtina, sa harap ko ay may naka sabit na hindi kalakihang flat screen tv, habang ako ay kasalukuyang naka higa pa sa isang hospital bed at naka suot ng karaniwang suot ng mga paseynte sa hospital.

saglit na kinausap ng isang lalaking may salamin, at naka puting coat si mama bago ako tuluyang lapitan, habang ang mga kasama naman nitong parehong naka puti ay naging busy sa mga bagay na hindi ko maintindihan.

"sundan mo to" marahang utos ng doctor habang may maliit na flash light ang naka tutok sa mata ko, nalilito man ay sinunod ko ang pinapagawa nito.

may mga tanong din ito sa akin na tanging tango lang ang na isagot ko, may mga bilin pa ito bago tuluyang mag paalam. sumunod parehas sila mama at si ate sa kanila.

kahit alam ko kung nasaan ako ay tila hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit ako nandito.

sa sobrang panghihina ng katawan ay muli na naman akong inigaw ng kadiliman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dancing With Fire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon