UNANG KITA PALANG SAYO
Unang kita palang sayo ako'y na hulog na agad sayo
Unang kita palang sayo tila ang puso ko'y handang ibigay sayo nang buong-buo
Ano bang ginawa mo ba't ako nagkaka-ganito
Unang kita palang sayo ang damdamin ko ay parang sigurado na sayo
Ano bang ginawa mo at ako'y humaling na humaling sayoSimple ka lang naman pero para sa akin ang lakas ng dating mo
Unang kita palang sayo hindi kana maalis at nakatatak kana sa puso't isip ko
Nasa unang kita palang sayo yung paningin ko ay hindi na mawalay sayo
Nakatuon lang sayo na parang ikaw lang ang nakikita mo
Tanong ko lang sayo ano bang meron ka at ako'y baliw na baliw sayo?Nasa unang kita palang sayo, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito
Sana ikaw na lang ang una kung makikita sa umaga para lagi akong maligaya.