PROLOGUE

4 6 2
                                    

Prologue...

Nagising ako mula sa pagkakatulog nang makarinig ng pagtunog ng gitara. Sino na naman kaya ang nanghiram ng gitara ko?

Kinusot ko ang mga mata at saka ako bumangon para tingnan kung sino ang tumutugtog. Nang pababa nako mula sa ikalawang palapag kung nasaan ang kwarto ko ay nabalot ako ng pagtataka. Bakit parang humina 'yong tugtog ng gitara?

"Tay! Sinong nanghiram ng gitara ko? Hapon na, ah." Malakas kong sigaw habang pababa.

"Wala namang nanghiram sakin niyang gitara mo." Ani tatay na kalalabas lang ng kusina at may sout pang apron. "Ho? E, bakit may narinig akong tumutugtog kanina?" Kung gano'n. Sino 'yong narinig kong  tumutugtog?

"Aba'y, ewan ko. Teka lang at baka nasusunog na 'yong niluluto kong merienda." Ani tatay saka nagmadaling pumasok sa kusina.

Dalawang palapag ang bahay namin ni tatay. Kami lang dalawa ang magkasama kasi iniwan na kami ni nanay mula ng ipinanganak niya ako. Ayon, sumakabilang bahay na.

Nasa taas ang kwarto ko at nasa baba naman ang kay Tatay. Hindi kalakihan ang bahay namin pero okay na rin. Hindi din naman namin kailangan ng malaking bahay kasi kami lang namang dalawa ni tatay.

Lumabas ako ng bahay at nagtaka nang wala akong nakitang tumutugtog.

Pambihira.

Baka nanaginip lang ako.

"Magandang Hapon, Nay Emma." Bati ko sa kaniya nang mapansin ang pagdating niya. Si Nay Emma ang may-ari ng bahay na katabi ng sa'min.

"Magandang Hapon, Ising." Nakangiti niya ring bati pabalik.

Sila nay Emma lang ang tangi naming kapitbahay kaya medyo close kami sa kanila. Dadalawa lang din naman kasi sila diyan sa bahay nila, siya lang at ang asawa niya. 'Yong mga anak niya kasi ay may kanya-kanya nang pamilya. Kaya sila lang ang naiwan. Dalawang palapag din ang bahay nila katulad ng sa'min. Pero mas malaki ang sa kanila kumapara samin kung susukatin.

"San ho kayo? Mukhang mabigat 'yang dala niyo, ah" sabi ko nang mapansin ang mga dala niyang sa tingin ko ay mga paninda. May tindahan kasi sila. May kainan din at videokehan. "Naku, galing akong palengke at namili. Paubos na kasi ang mga stock ko sa tindahan." Sagot naman niya.

"Akin na ho, ako na magdadala nito." Sabi ko at kinuha ang isang malaking karton na nasa kaliwang kamay niya.

"Naku, salamat. Kanina pa talaga ako nabibigatan. 'Yong trycicle driver kasi, agad umalis hindi man lang ako tinulungan na maipasok 'tong mga dala ko." Naiinis niyang sabi.

"Hayaan niyo na ho 'yon, baka ma highblood ho kayo niyan." Biro ko na ikinatawa niya. "Ikaw talaga, dito nalang Ising." Aniya saka ko ibinaba ang dalang karton.

"Sige, ho. Alis na ho ako." 'Yong harap kasi ng bahay namin ay gilid ng bahay nila. Kaya kailangan ko pang umikot ng konti. "Sige, Ising. Salamat." Tinanguan ko naman siya saka ko siya iniwan at pumasok sa loob ng bahay.

"Oh, san ka ba galing. Kanina pa kita tinatawag. 'Lika't mag marienda na muna tayo." Nakangiting sabi ni tatay saka ako iginaya sa kusina. "Dalhin mo 'yan sa lamesa. Ako ng bahalang magdala nitong kape." Agad ko namang kinuha ang pancake na banana flavor na gawa ni tatay at nilagay sa lamesa. Sumunod naman agad si tatay dala ang kape para sa'ming dalawa.

"Wow, naman. Ang bango! Feeling ko ang sarap nito." Sabi ko na may palanghap-langhap pa. Ang pancake ang tinutukoy. "Aba, siyempre. Sasarapan ko talaga para sa unica hija ko." Ani tatay saka tumawa. Inislice niya ang gawang pancake saka nilagyan ng dalawang piraso ang nakahanda ko nang plato.

"Kaya talaga ako tumataba eh! Ang dami palagi nang ipinapakain niyo sakin" sabi ko na ikinatawa naman niya. "Ano nga ulit 'yong lagi kong paalala sayo?" Buntong hininga akong sumagot.

"Huwag ikahiyang maging mataba. Isipin lagi na maraming tao ang walang makain at nagugutom. Kaya marapat na magpasalamat dahil nakakakain parin ng tatlong beses sa isang araw." Sabi ko na ikinangiti niya. "Kuhang-kuha mo na anak, ah." Natatawa naman akong sumagot. "Siyempre, ako pa."

"Nga pala, anak. 'Yong gitara mo nakita ko d'on sa lagi mong pinaglalagyan." Huh? Eh kung nandoon ang gitara ko, bakit may narinig akong tumutugtog kanina?

"Akala ko pa naman may nanghiram. May narinig kasi akong tumutugtog kanina, e. Baka nananaginip lang ako." Sagot ko naman.

"Akala ko nga rin na ikaw yoong tumutugtog kanina." Nagtaka naman ako. "Narinig niyo rin, tay? 'Yong parang may tumutugtog?."

"Oo, pero mahina lang. Baka diyan sa kabila." Impossible naman 'yon.

"Impossible naman 'yon, tay. Ako lang naman ang may gitara dito sa lugar natin."

"Oh nga naman. Yaan nalang natin, baka nga'y nananaginip ka lang."

Natatawa naman akong tumango.

Matapos naming kumain ay hinugasan ko ang mga nagamit naming pinggan at baso. Habang si tatay naman ay umalis muna, pupunta daw muna sa palengke at may bibilhin, para daw ata sa ulam namin mamaya.

Pagkatapos ay umakyat ako sa kwarto. Agad naman akong nagulat ng may marinig na naman akong tumutugtog.

Pambihira.

Binuksan ko ang bintana at agad nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

May lalaki!

May lalaking tumutugtog ng gitara sa kaharap na bintana ng sakin. Kita ko ang pagkagulat ng lalaki nang makita ako. Natigil din siya sa pagtugtog at agad sinarado ang bintana.

What was that?

MY GUITARIST NEIGHBORWhere stories live. Discover now